What are you?
A week had passed. We only have a week before the start of school year. Last week lang ay pumunta kaming mall ni Noelle. Ngayon ay babalik ulit kami para bilhin ang mga requirements na sinabi. This time nag punta na siya sa bahay.
"Remember the guy I told you before? He's persuing me." Noelle said. She's lying on my bed while I am fixing myself in front of my dressing table.
"The guy you dated before? What is his name again?" I asked while combing my hair.
"Yeah. Si Dustin. He texted me 2 days ago and yesterday I decided to see him. He said he'll court me."
Iyon yung lalaking nakadate niya a month ago. Hindi naman nagtuloy tuloy, wala pa yata sa mood magka boyfriend 'tong kaibigan ko.
"And you didn't tell me?" I narrowed my eyes while looking at her.
"You're out of town with your parents. I don't want to disturb you and you just got home yesterday with your parents. I assumed you're tired that's why I decided to tell you soon." This time bumangon na siya.
Nung sinabi Manang na babawi sila mommy, talagang bumawi nga sila. The day after Ryker went to our house, my parents decided to go out of town.
"Hmm... So, did you let him?"
"No. But he said he will still court me. Anong gagawin ko?"
Ako pa talaga tinanong?
"Let him. Wala ka na namang magagawa kung gusto niya. Huwag ka lang marupok."
"Bahala na nga. Make it fast, I'm bored here." I rolled my eyes from what she said.
"You want to come here. Hindi ko na kasalanan 'yon."
We are now here at the mall. We planned to buy our requirements but here we are, inside the botique. Matagal din kaming hindi nakapag shopping ng sabay.
"Omg! This is cute! Go get another color, para parehas tayo." She said habang nag titingin pa ng ibang damit.
We do this sometimes. We buy matchy clothes. Nang makabili na kami ng mga damit, dumiretso na kami sa isang bookstore kung saan may mabibilhan na school stuffs.
"Let's eat muna?" Pag aaya ni Noelle, tumango lang ako.
Kalalabas lang namin sa bookstore ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako at nakitang si Anne pala.
"Hello Anne!" Bati ni Noelle "Uh, hi?" Lumingon naman siya kay Wren. Hindi nga pala sila magkakilala.
"Oh! Kuya ko, ate Noelle" Pagpapakilala ni Anne.
"Wren" Simpleng pagpapakilala niya. Naglagad ng kamay.
"I'm Noelle" Noelle shaked his hand. Nang napansin niyang hindi kami nagpakilalansa isa't isa, tinignan niya ako.
"We already know each other. Explain ko later" Sabi ko. Dahil alam ko namang tatanungin niya ako kung paano kami nagkakilala.
Tumango lang siya. Himala at hindi nangulit. Siguro nahiya mangulit dahil andyan si Wren.
"Are you guys, done shopping? We'll eat, baka gusto niyong sumabay." Aya ko sa kanila. Malaki ang ngiti.
"Sure! Actually, we are planning to eat too." Anne said.
We dine to a chinese restaurant. Wala masyadong tao. Maybe because it's late for lunch.
Ang tahimik ni Wren habang naghihintay kami na dumating ang pagkain. Akala ko ay jolly siya base sa first encounter namin. Kinulit niya ako na ihatid ako kaya akala ko ay hindi siya ganitong katahimik. Or maybe I just didn't know him yet.
"Wren, are you okay?" I asked him. As in hindi talaga siya nagsasalita kaya kinausap ko na.
"Yeah, of course. Why?" His forehead creased.
"Ang tahimik mo."
"Baka gutom lang si Kuya! Kanina pa siya nagyayaya kumain" Anne said, giggling.
"Shut up" He said and then put out his phone from his pocket.
"Masungit?" Noelle whispered, just enough for me to hear.
"I don't know? Hindi ko naman siya masyadong kilala."
"Akala ko ba magkakilala na kayo?" Takang tanong ni Noelle.
"Basta, kwento ko na lang mamaya"
"Okay..." She shrugged.
The food arrived and then we eat silently.
"Restroom lang ako." Paalam ni Noelle
"Me too!" Sunod naman ni Anne.
Wren and I were left alone in out table. There's a long silence before he speak.
"How are you?" He asked.
"Uh? Fine?"
He chuckled.
"You're not sure?"
Natawa rin ako. "Di ko lang inexpect yung tanong mo" Paliwanag ko.
"Is it wrong to ask such question?" Tanong niya ulit.
"Hindi. Kasi naman—basta. Di kita gets, ano ba talaga personality mo?"
Natawa ulit siya. Luh. Ano bang nakakatawa?
"What do you mean?" Sumandal siya sa back rest ng upuan at humalukipkip.
"Nung una nating pagkikita ikaw pa ang nag approach sakin. Tapos ngayon parang ang sungit sungit mo. Bipolar ka ba?"
This time, sobra na yung tawa niya. Grabe tawang tawa.
"Really, why? Do you want me to bother you? Do you want to talk to me?" Sobrang laki pa rin ng ngiti niya.
"Nang aasar ka ba?" Balik kong tanong.
"No. Just asking."
"Sorry to bother you both, but Aria we need to go. May pag uusapan daw kami ni Dad. Hinihintay na ko sa bahay." Noelle interrupted.
Wren insist to pay for the bill. Nung una ay hindi ako pumayag pero nagpumilit siya. We thanked him. Libre ko na lang siya sa susunod para mabayaran ko.
"Let me." Wren said. He picked up one of my paper bags.
"Huwag na" Siya na nga nagbayad ng pagkain, pagbibitbitin ko pa.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at kinuha lahat. Nauna na siyang maglakad.
"Hoy! Ako na, meron ka pang bitbit na iba."
Binilisan ko ang lakad ko at nang maabutan siya ay hinawakan ko ang iba kong paper bag.
"Hati tayo" Sabi ko at kinuha ang iba sa kanya. Hinayaan niya naman ako.
Nang nasa parking lot na kami ay naghiwalay na kami nila Wren.
"Ikaw, ah. Ano meron sa inyo? Manliligaw mo? Paano kayo nagkakilala? Bilis kwento mo na!" He fired me questions when we got into the car.
"Duh. Kakakilala ko pa nga lang diba?"
"Paano nga kasi?"
I started to tell her how we met.
YOU ARE READING
Fall Out
RomanceAria Sienna Clemonte has no interest in love, until Wren Magnus Lattimore came to change her mind, as well as her heart. But nothing lasts long, just like his feelings for her. Wren broke up with Aria, giving her the reason of falling out of love. D...