Chapter 17

105 23 1
                                    

Smirk

"How are you feeling?" Dad asked. Nakatayo siya gilid ng kama ko.

Nakahiga na ako sa kwarto ko. Kanina pagdating ni Daddy sa infirmary, niyaya niya agad akong umuwi. Hindi niya man lang hinayaang bumati sa kaniya si Wren at hindi rin ako nakapag paalam nang maayos. Kaya buong byahe pauwi, hindi ako nagsalita.

"Why did you do that?" Imbis na sagutin ang tanong ni Daddy, binigyan ko din siya ng tanong. Nakakunoot ang noo ko habang nakatingin kay Daddy.

"Did what?" Kumunot din ang noo niya.

"Bakit mo po ginanon si Wren?" Tanong ko ulit. Hindi ko alam kung hindi ba talaga alam ni Daddy ang ginawa niya o nagmamaangmaangan lang.

"That boy? Who is he, by the way? Is he your boyfriend? Hindi ba ang sabi namin say—"

"He's a friend, Dad!" Pagtatama ko.

"Is he?" He asked, sarcastically.

"Siya po yung nagbantay sakin nung umalis si Noelle...at hindi po ako nakapag pasalamat nang maayos dahil sa ginawa niyo." Umiling ako. "Basta lalaki, boyfriend ko na agad? Pati po ba pagkakaroon ng kaibigan na lalaki, bawal na?"

His face softened. "Hindi naman sa ganoon, pero—"

"Don't you trust me, Dad?" I said in a sad voice, hoping.

Hindi siya agad nakasagot kaya dinagdagan ko ulit ang sinabi ko.

"Daddy, he's just a friend. Hindi ko naman po nakakalimutan ang sinabi niyo sakin. Hindi naman po ako nagboboyfriend." Mahinahon kong sabi.

"I trust you, okay? I'm sorry. Magpahinga ka na." He bend down to kiss my forehead.

Pagkaalis ni Daddy sa kwarto, kumirot ang puso ko, pero may kasama iyong tuwa. Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ni Daddy doon. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng oras. Asan kaya si Mommy? Bakit wala siya dito? Bakit hindi niya ako pinuntahan?

My phone rang. Sinagot ko iyon nang nakapikit at hindi tinitignan ang caller id.

"Hello?" I put my left arm in my eyes while my phone is on my right ear.

"Sorry, did I wake you up? Nagpapahinga ka ba?"

"Wren?" Napabangon ako dahil sa narinig na boses. Sumandal ako sa head board ng kama. "H-hindi pa naman ako nagpapahinga. Why'd you call?"

"Gusto lang kitang kamustahin."

"Okay naman na ako. Sorry nga pala sa inasal ni Daddy." Nahihiya kong sabi.

"I understand. It's okay. Magpahinga na."

"Thank you ulit sa pagbabantay." Ngumiti ako kahit di niya nakikita.

"Always welcome. Papalitan ko na si Noelle na best friend mo." He chuckled. Natawa din ako.

"Babatukan ka no'n kapag narinig kang sinabi mo yan."

"Mas masakit pa rin yung hampas mo ng kutsara sa ulo ko." Para siyang may hinanakit sakin sa tono ng pagkakasabi niya. Hindi marunong mag move on.

Mas lalo akong natawa. "Sorry na nga, hindi ka naman marunong makalimot."

"Grabe kaya, ikaw lang ang gumawa sakin ng ganoon!" Singhal niya.

Fall OutWhere stories live. Discover now