Actions
Friday came, and I woke up with a heavy feeling. Ang sakit ng ulo ko pag gising ko.
Naligo na ako at nag ayos bago bumaba at kumain. Uminom ako ng gamot bago umalis ng bahay.
"...tapos binigyan niya ako ng necklace! Tignan mo...it's so pretty!—Aria?! Nakikinig ka ba?"
Dumulas ang baba ko sa pagkakapatong sa palad ko. Nakatulog yata ako!
Break namin sa morning class. Nandito kami sa garden na paborito naming tambayan. Nagkukwento siya tungkol sa pagsurprise sa kaniya ni Dustin, habang may sinusulat na kung ano sa papel niya. Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa kaniya. Hindi ko yata namalayan na nakatulog ako.
"Nakikinig ako." Maikli kong sagot. Ang sakit parin talaga ng ulo ko.
"Talaga?" Padabog niyang bintawan ang ballpen na hawak at hinarap ako. "Bakit hindi ka man lang nagulat na sinagot ko na siya?"
"Kayo na?!" Gulat na tanong ko.
"Oo, at hindi ka nakikinig!" She said and gritted her teeth.
"Sorry, ang sakit ng ulo ko. Inaantok din ako." I said, apologetically.
"Bakit ka kasi nagpuyat?"
"May nakalimutan akong homework. Hindi naman pwede na hindi ko gawin, kaya inabot ako ng 3am." I groaned when my head throbbed.
"Lista mo kasi lahat ng sasabihing gagawin." She tsked.
"Aria, can we talk?"
Sabay kaming napalingon ni Noelle sa nagsalita. Si Ryker iyon, nakatayo sa likuran namin.
"Una na ako, Aria. Kwento ko ulit sayo next time!" She kissed my cheek before leaving. Umupo naman si Ryker sa inalisan ni Noelle.
The last time I saw him was at Noelle's house. Huli niya ring text ay noong tuesday. Hindi naman ako galit sa ginawa niyang iyon, at saka last week pa iyon.
"Hi." I smiled at him. "Ang tagal kitang hindi nakita ah." Para siyang nagulat sa sinabi ko.
"W-we're okay? You're not mad?" Nag aalangan pa siya sa pagtanong.
Tumango ako, pero agad ding napangiwi nang maramdaman ulit ang sakit ng ulo.
"You didn't respond to my texts. I thought you're mad at me."
"I'm sorry, ang dami lang nangyari. Ikaw? Bakit ngayon lang kita nakita?"
"I've been very busy the past few days. May biglaang pinagawa sakin na mabigat na gawain." He paused and surveyed me. "Anong nangyari? You alright?"
"Just...things. I don't want to talk about it." Napapikit ako sa sakit ng ulo.
"Okay, I'm sorry." Tinitigan niya ulit ako. "Are you okay?"
"Yeah, I'm fine. Inaantok lang."
"Hatid na kita sa room mo."
Tumango ako at kinuha ang bag. Naglalakad na kami paakyat sa second floor nang magsalita siya.
"I want to apologize again, from what I acted last friday."
"Okay lang talaga sakin—" I was cut off.
"And wanted to say that I have no plan on backing out." He added. Kumirot ulit ang ulo ko. Tumigil ako sa paglalakad nang nasa taas na kami ng hagdanan, hinarap ko siya.
"Please...not now. I don't have the energy to talk about it." Tumungo siya. Naguilty ako kaya dinagdagan ko ang sinabi. "I'm sorry. Wala lang talaga akong lakas sa ganyang usapan ngayon."
YOU ARE READING
Fall Out
RomanceAria Sienna Clemonte has no interest in love, until Wren Magnus Lattimore came to change her mind, as well as her heart. But nothing lasts long, just like his feelings for her. Wren broke up with Aria, giving her the reason of falling out of love. D...