Chapter 6

157 32 6
                                    

Lunch

I woke up by the ringing of my alarm clock. Pinatay ko iyon dahil naririndi ako sa ingay. Hindi naman ako nag set ng alarm, baka si Manang na naman. I was about to close my eyes when I suddenly heard a knock.

"Gising ka na ba, hija? Bumangon ka na diyan at maaga pa ang pasok mo." Manang said behind the door.

Today's first day of school. Tumingin ako sa alarm clock at nakitang 6:30 na ng umaga. 8 am pa ang pasok ko pero may pagka mabagal akong kumilos kaya maaga talaga akong ginigising.

"Sige Manang maliligo lang po ako!" Sigaw ko para marinig ni Manang.

Pagkatapos maligo at mag ayos ng konti ay bumaba na ako para kumain.
Naabutan ko sila Mommy na kumakain na sa hapag. Bumati at humalik ako sa pisngi nila.

"Have you already know your schedule?" Daddy asked.

"Yes po, Dad. 8 am to 4pm po ang regular class. Meron ding mas maaga ang uwi." Sabi ko habang sumasandok ng fried rice.

"Okay. Hindi kami masyadong maaga ng Mommy mo ngayon kaya pwedeng sa amin ka na sumabay."

Usually ay pag gising ko wala na sila. Kaya himala na medyo late nga sila ngayon.

"Sige po" Simpleng sagot ko at tumuloy na sa pagkain.

Pag dating ko sa school, nag text si Noelle na nauna na siya sa garden ng campus ng senior high and college. Doon kami madalas tumambay dahil hindi masyadong pinupuntahan ng mga students.

Dumiretso na ako sa garden, nakaupo siya sa bench na may table. Pag lapit ko ay umupo na din ako sa tapat niya.

"Kainis talaga. Hindi pa rin tayo classmate." Pagmamaktol niya. Kahapon niya pa yan sinasabi, pagkakita pa lang ng sections. Section 1 ako at 3 naman siya. Isang room lang naman ang pagitan ng agwat ng room namin.

"Malay mo sa college, classmate na tayo."

"Hmp! Parang mas malabo na yon!"

Hindi naman big deal sakin kung hindi kami magkaklase. Ewan ko ba kay Noelle, araw araw naman kaming nag kikita.

"Anong balita sa manliligaw mo?" Pag iiba ko ng usapan.

"Nagtetext pa din siya, rereplyan ko, ganon lang. Pero mamaya palang uwian susunduin niya daw ko."

"Okay. Pero sinasabi ko sayo—"

"Oo nga, oo nga. Wala pa naman akong balak sagutin. Mag boyfriend ka na din kasi" She cut me off.

"Wala pa 'ko sa mood mag boyfriend." I rolled my eyes.

"Dalawa na yung naka abang sayo! Aarte ka pa ba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean, dalawa?"

"Duh! Andyan si Wren. Alam kong ayaw mo kay Ryker kaya crossed out na siya."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi nga kami close. Tara na, baka maubusan ako ng magandang pwesto ng upuan." Tumayo na ako at sumunod naman siya.

"Pero gusto mo maging close?" Noelle teased, poking my waist.

"Duh, of course not!"

"If you say so" She shrugged. Obviously not accepting what I just said.

Nakarating na kami sa building kung nasaan ang mga room namin kaya pumasok na kami.

Natapos na ang morning class. As expected, puro orientation lang ang ginawa bawat period. May 1 hour lunch break kami bago mag resume ang class.

Sobrang daming tao sa canteen kaya sa labas na lang kami ng school kakain ni Noelle.

Fall OutWhere stories live. Discover now