Chapter 21

119 22 0
                                    

You do

"Nasaan ka buong araw kahapon? Bakit hindi ka nagrereply? May nangyari ba?" Nag aalalang tanong ni Ryker. Hinintay niya talaga ako sa labas ng room para makausap ako. Nauna na tuloy si Noelle umuwi.

"I'm...just busy. I'm sorry I wasn't able to reply. I'm already tired when I get home." My eyes darted on my feet. I suddenly remember what happened at the ferris wheel. Hindi ako makatingin kay Ryker dahil feeling ko makikita niya sa mata ko yung nangyari.

"Who are you with?" His forehead creased. I can sense something from his question. Hindi ko alam pero para siyang galit.

"Well, uhm. I'm with Wren yesterday. May pinuntahan lang kami." Tumuwid ako sa pagkakatayo, pero malikot pa rin ang mga mata.

"Do you like him?" My eyes widened with the sudden question. Hindi ko inaasahan yung tanong niya. Hindi ko din alam kung anong isasagot ko. 'Yan din ang tinatanong ko sa sarili kagabi. Hindi agad ako nakatulog kakaisip sa nangyari sa ferris wheel, at sa iba pang kilos ni Wren. Do I like him?

"I-I don't know." Tumingin naman ako sa kamay ko at pinaglauran iyon.

"I see." He said flatly. "Is he courting you?" Tumingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya, wala akong makitang ekspresyon. Hindi ko siya basa, pero kita ko ang pag igting ng panga niya.

"Ryker. I meant what I said to you. Hindi ako nagpapaligaw. Ayoko ng manliligaw. At hindi naman niya ako gusto." Sinasabi ko yon habang nakatingin ng deretso sa mata niya.

"What if he likes you? Would you let him?" Seryoso pa rin niyang tanong. Natigilan ako doon. I don't know. I don't want to bend my words. He doesn't like me, anyway. Bakit ko ba iniisip iyon?

"Bakit napunta sa ganito ang usapan natin? I want to go home."

"Okay. I'll drive you home." Pinauna niya akong maglakad.

Papunta na kami sa sasakyan niya nang mahagip ng tingin ko si Wren, nakatayo malapit sa gate, parang may hinihintay. Ilang saglit lang, may tumawag sa kanyang babae at lumapit. Nakakatitig lang ako sa kanila na nagngingitian habang nag uusap. Hindi ko alam na napatigil na pala kami sa paglalakad.

"You like him." Ryker stated, he's behind me. He sounded...hurt? I don't know.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ryker at dumiretso na kung nasaan ang sasakyan niya. I felt a slight pain on my chest. Do I really like him?

Ryker parked her car in front of our gate. Hindi agad ako bumaba.

"I'm sorry." I said.

"For what?" He asked, not giving me a glance. I felt guilty even more.

"Yung kanina. Ikaw pa ang unang nakaalam. Ikaw pa ang unang nakakita sa akin na ganoon. Ikaw na may—"

"I like you, yes. But I don't own your heart. I have no control over your feelings." This time, he's staring at my eyes. Parang binabasa niya ako sa paraan ng titig niya.

"Ryker..."

"It's okay. Nagbabago pa ang feelings." Tumawa siya ng bahagya, pero walang buhay. "It's either, mawawala pa yung feelings mo sa kanya...o mawawala yung feelings ko sayo." He then smiled at me, but it didn't reach his eyes.

Deretso ako sa kwarto ko pagpasok ng bahay. Hindi pa ako nagbibihis, humiga na ako sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari kanina. Si Wren at yung babae. Yung mga weird feelings.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ng palda ko. One message from Wren. My heart immediately skipped a bit.

From Magnus:
Are you home already?

Fall OutWhere stories live. Discover now