Deja vu
"Maam Aria, may meeting kayo bukas ng 2pm, update na lang kita kung saan ang meeting place." My secretary said.
"Okay." My eyes darted from the papers up to him. "And I told you, Aria na lang."
"Baby, hindi pwede?" Miguel playfully said.
"Gusto mo ibato ko sayo 'to?" Sabi ko at hinawakan ang maliit na figurine sa lamesa ko.
"Sabi ko nga lalabas na ako." He grinned and immediatedly leave my office.
Isang taon na akong nag nagmamanage ng company namin. Isang taon ko na ding kasama si Miguel. Halos magkaibigan na kami kaya hindi ako sanay na tinatawag niya akong 'Maam'. Hindi din nagkakalayo ang age namin. Ang alam ko, scholar siya ni Daddy dati, nang makatapos ay sakto naman na pumalit ako kay Daddy kaya siya na ang ginawang secretary ko. Okay naman na lalaki, may instant driver ako. I mentally chuckled.
I return signing the papers when Migs entered my office again.
"May nagdeliver ulit." He put the flower on my table.
"Kanino daw galing?" I asked, looking at him curiously.
"Kay zigzag line."
Natawa ako sa sinabi niya. Wala kasing nakalagay na pangalan sa nagpapadala sakin ng bulaklak. Parang zigzag line lang ang nakalagay sa note, five lines from down to up na magkakadugtong. Four consecutive days na siyang nagpapadala ng bulaklak, at hanggang ngayon, hindi pa nagpapakita.
Tinignan ko ulit ang ang note, baka may nakalagay na kung sino 'yon.
- \/\/\
Gano'n pa rin ang nakasulat.
"Sino naman kaya 'yon?" Bulong ko.
"Ang corny ng secret admirer mo." Natatawang sabi ni Miguel.
"Secret admirer?" Natawa din ako. Hindi ko alam kung bakit nagpapadala ng flowes 'yon. Wala din namang nakalagay sa note na sinasabing gusto niya ako o kung ano man.
"Red rose is a sign of love. Obviously, hindi 'yan pang patay." He said sarcastically. Inirapan ko siya.
"Wala akong panahon sa love. Kunin mo na ulit. Bigay mo sa nililigawan mo."
"Di ako cheap 'no, kaya kong bumili. Saka wala akong nililigawan." Suplado niyang sabi, pero kinuha pa rin. "Lagay ko na lang sa vase."
"Bahala ka. Kung saan ka sasaya." I said and shrugged, while looking at the papers. Bumulong siya ng kung ano ano, na hindi ko naintindihan, bago lumabas.
Pagkatapos ko sa trabaho, dumiretso na ako ng uwi sa condo. Sumalubong sa akin si Magnum pagpasok ko.
"Pwede ka nang bumalik sa bahay, Ella." I said, and carried Magnum. "Lock mo na lang ang pinto."
"Sige po, Ate. Napakain ko na po si Magnum."
I nodded my head.
Dinala ko si Magnum sa kwarto. Pumunta ako sa kama at nag indian sit, nilapag ko si Magnum sa harapan ko. Kaming dalawa lang ang nandito sa unit. Pinapapunta ko lang si Ella dito para bantayan si Magnum kapag umaalis ako. Pamangkin siya ni Manang, na nagtatrabaho na din sa bahay.
"How's my baby?" I asked Magnum in a baby voice. Tumahol siya ng tatlong beses na ikinangiti ko.
May mga araw talaga na naaalala ko si Magnum kay Wren, dahil siya ang nagbayad at sa kaniya ko din ipinangalan. Kaya nahirapan din akong mag move on dati, but now, I am fine. I already moved on. I can feel it. Naaalala ko siya pero hindi na ako nasasaktan.
YOU ARE READING
Fall Out
RomanceAria Sienna Clemonte has no interest in love, until Wren Magnus Lattimore came to change her mind, as well as her heart. But nothing lasts long, just like his feelings for her. Wren broke up with Aria, giving her the reason of falling out of love. D...