Tinupi ko ang hinubad na damit ni Aki saka malinis na inilapag sa recliner.
"Wag masyadong lumayo okay? Don't go out of sight. 'Wag lalayo sa tabi nina Tita Xy at Tita Theia mo," paalala ko sa kanya. Baka kasi malingat ako at malunod siya.
Tumango lang siya at tinungo na ang dagat para makapagtampisaw. Wala pa ako sa mood para maligo. May bigat pa rin kasing nakadagan sa dibdib ko. Hindi matigil ang isip kong alalahanin ang mga senaryong naglaro sa'king isipan.
Umupo ako sa recliner at napabuntong hininga habang nakatanaw kay Aki.
He is somewhat distant but I can also see that he is genuinely happy. Bagay na mariin kong ipinagpasalamat. Hindi namin siya mabigyan ni Zykiel ng kapayaan kaya't kahit munting kasiyahan man lang ay sapat na. Wala nang mas sasakit pa sa nakikitang malungkot at nasasaktan ang anak. Bilang magulang, dapat namin siyang protektahan.
Sinabuyan ni Theia ng tubig si Aki kaya bahagya itong natigilan. Binalingan ng anak ko si Xy. Ngumisi naman ang huli sa kanya at pinagtulungan nilang dalawa na sabuyan si Theia habang panay naman ang sigaw nito.
"Shaina! Tulong!"
Pinagtawanan ni Shaina si Theia ngunit tinulungan din naman niya sa huli. Kaya ang mga sumunod na nangyari ay nagsabuyan sila ng tubig habang hindi maampat ang pagtawa.
I smiled. They are getting along very well. Lalo na si Theia at Xy na hindi maalis ang atensyon sa anak ko. Somehow, I feel secured when my son is with them. Alam kong hindi nila siya pababayaan.
Sina Tita Ella at Manang Tess naman ay mahinahong nag-uusap hindi kalayuan habang nakalublob sa tubig. Nakapaskil ang ngiti sa mga labi.
Masaya at mahinahon ang lahat. Tumingala ako at pumikit sa ilalim ng araw. Hindi masakit sa balat ang sinag nito. Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan iyon ng dahan dahan. Alam kong dapat makaramdam ako ng kapayapaan dahil 'yon ang sinusubukang ibigay ng paligid. Ngunit hindi ko 'yon magawang maramdaman.
Hindi mapigilan ng utak ko ang maglakbay sa mga alaalang naglaro na lang bigla sa isipan ko.
Kailan 'yon nangyari? Paano?
I am frustrated again. The kind of frustration that is suffocating. Gusto kong malaman kung ano ang mga alaalang nawala sa akin. Hindi ko gusto ang pakiramdam na may hindi ako alam lalo na kung tungkol naman sa'kin.
Our sweetness. The gentleness. The kisses. The hugs. The giggles. The sighs of contentment. The cuddles.
Him and I.
Just US. Tangled in sheets, heart filled with...love. It's surreal.
Nangyari ba talaga ang lahat ng 'yon? O baka parte lang ng isipan ko na pinapakita kung ano ang nais kong mangyari.
At kung sakaling totoong nangyari 'yon, is it one of the reasons why he has this warmth I'm comfortable with? The feeling like I'm home everytime I am with him?
It feels impossible.
"Hey. Why are you not joining them?" Tanong ni Zykiel na kakarating lang at umupo sa tabi ko.
Napamulat ako at tumitig sa kanya. Muli kong ginunita ang Zykiel na nakita ko sa kapirasong alaalang nawala sa'kin.
He was so sweet. Perfect. The typical man every girl wants.
Sa paraan kung paano niya ako hawakan noon at kung paano niya ako halikan ay ramdam ko ang pagpapahalaga niya. Para akong isang kayamanang labis niyang iniingatan. Ang paraan kung paano niya ako yakapin at titigan, para bang takot siya na ano mang oras ay bigla akong maglaho sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomanceBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...