A/N: I am dedicating this to jiyan_maryel for being such a sweet girl. Thank you po sa paghihintay ng UD!
Lahams ko kayong lahat. I blue you all💙
***
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata at nakitang wala nang tao sa harapan. Wala na sina George at Gio.
Nang sumilip ako sa labas ng binatana ay marahas pa ring bumubuhos ang ulan. Inangat ko ang kamay upang kapain si Aki sa hita ni Zykiel ngunit bago pa man ako may mahawakan ay sinakop ng kanyang kamay ang kamay ko.
"Hey," he huskily said.
Umayos ako ng upo at nilibot ang tingin sa loob ng van. Doon ko napagtantong kaming dalawa na lang pala ang natitira sa sasakyan.
Tipid ko siyang nginitian at nauna nang bumaba. Dinama ko ang butil ng ulan na nag-uunahang lumapat sa balat ko. Pumikit ako at tumingala.
Peace.
Nagsimula akong humakbang at agad ko namang naramdaman ang kanyang presensya sa aking likuran.
Siguradong basa na rin siya katulad ko. Lumingon ako. Mula sa pagtingin sa paligid ay dumapo sa akin ang kanyang mga mata. Umiigiting din ang kanyang mga panga dahil sa lamig. Nang umihip ang hangin ay mas lalo kong naramdaman ang lamig dahil sa klase ng kanyang pagtitig.
As always, cold.
Binalik ko ang tingin sa dinadanan at nagpatuloy sa paglalakad.
Huminto ako sa harap ng isang maliit na kubo. Modernity no more. The small flower garden and the small vegetable garden on its both side complemented its "bukid" appearance.
Puro puno ang nasa paligid at nagtataasang mga damo. May naririnig din akong lagaslas ng tubig mula sa isang ilog hindi kalayuan. Nasa likuran siguro ng mga puno.
Napapikit ako at nilanghap ang sariwang hangin.
Again, peace.
Napamulat ako nang may humawak sa bewang ko.
"Let's go inside and clean your wound. Your shirt is soaked with blood and from the rain. You might get cold,"tiim bagang niyang saad.
Napatingin naman ako sa sarili at tama nga siya. Doon ko lang din naramdaman ang konting kirot mula sa aking tagiliran. Naalala na nadaplisan nga pala ako ng patalim sa gitna ng bakbakan kanina. Doon ko rin naramdaman ang pananakit ng paa ko dahil sa pagtakbo. May mga kaonting sugat rin ako sa paa. Mula siguro sa matutulis na bato na hindi ko na inalintana kanina.
How about Aki? Does he have wounds on his feet too? Might as well check it later.
Pumasok na kami sa loob ng kubo at nagboluntaryo si Zykiel na siya na raw ang maglilinis ng sugat ko kaya hinayaan ko na. Wala na akong lakas para gumalaw pa. Unti-unti na akong nilalamon ng pagod.
Nakaupo ako sa isang kawayang upuan at nakapikit ang mga mata habang nililinis ni Zykiel ang sugat ko nang biglang may napagtanto dahilan para mapamulat ako bigla.
"Si Aki? Nalinisan na ba? May dugo rin siya at...at--" hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na maproseso ng utak ko ang nakita kanina.
May laman ng mata ang kanyang mga kuko?
"He's fine. George already took care of him. Wala na siyang dugo at laman ng braso at mata sa kamay," he casually said.
Napasinghap ako. Parang wala lang talaga ang isiping iyon sa kanya. He's a mafia indeed. And... And my son is his heir.
Napabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomansaBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...