I sighed while watching the buildings running fast backwards. Various thoughts are bombarding my head.
Accepting Zykiel in our lives also means dealing with all his shits too. I mean, I actually accepted him since I have no other choice back then. Kung papairalin ko ang galit at sakit, mapapahamak lang ang anak namin. I was naive from the truth before. I am just thankful that I was still rational to make a decision.
Naalala ko ang napag-usapan namin kanina bago umalis. Gusto niyang tumiwalag mula sa grupo. Pero nag-aalala ako dahil siya na mismo ang nagsabi na delikado. He is the boss but the law was born earlier than him.
"Wala na ba talagang ibang paraan?" Tanong ko na bakas ang pag-aalala sa mga mata.
He sighed and held my hand. "There's no other way. It's either we hide or we die,"
Nangunot ang noo ko sa narinig.
"I thought, as long as you live I'll never die? You promised!" I answered. Remembering those letters he sent me back in college.
"It was a different story baby. Noon, mananatili akong namumuno habang pinoprotektahan ka. Ngayon naman ay kailangan ko na iyong bitawan dahil hindi ko na pwede pang sandalan ang parehong batas para panatalihin kayong buhay ni Aki. Before, I was the one hunting but right now I am the one being hunted. Hunting me means hunting you and our son too. Our son. My heir in this position,"
Tama siya. Wala na kaming kawala. Wala kaming ibang paraan kundi ang itago si Aki. Ang panatilihin siyang ligtas. Alam na rin ni Juko na nabubuhay ang anak ko kaya hina-hunting niya na rin kami ngayon.
Ang grupong inaasahan ni Zykiel na magagamit niya para sa labang ito ay ang siyang lumalaban din sa kanya ngayon. Masyado nang sumisikip ang mundo para sa amin. May katapusan pa ba ang lahat ng 'to? Para kaming daga na tago ng tago baka maamoy at maabutan ng mga pusa. Tila tinatanggalan ng karapatang mabuhay gayong nilalang rin naman kaming maaaring mamuhay ng matiwasay sa mundo.
Naramdaman kong may humawak sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. I closed my eyes when I inhaled his masculine scent while resting my head on his left chest.
"Everything will be alright," he said.
"I hope so," sagot ko na lubos ding umaasa na maaayos ang lahat.
Papunta kaming Tagaytay kung nasaan ang resthouse niya. Doon kami magtatago. May ilang mga tauhan niya ang nakasunod sa amin ngayon para protektahan kami sa mga pwedeng mangyari. Kaya naman ilang sasakyan ang nakabuntot sa amin. Kahit naman hindi siya ang mafia boss ngayon ay may business naman siya. He still have his men.
He is still Zykiel Villafuente. A man in his wealth and power.
Sa labis na pag-iisip ang hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala ako sa dibdib ni Zykiel.
NANG makarating sa resthouse na pagmamay-ari niya ay ramdam ko ang pagod. 8 hours na byahe rin iyon. Si Aki ay tulog na tulog sa kanyang kanang dibdib.
His resthouse is native style but still with a touch of modernity. It is beautiful especially with the orange light illuminating the place due to the sunset. But I am too exhausted to admire it right now. All I want to do is to feel the softness of the mattress and let myself be lost in oblivion.
Hindi ko na mahanap kung nasaan ang mga tauhan niya. Pati ang sasakyan nilang nakasunod sa amin kanina ay hindi ko rin makita. Inilabas ni Zykiel ang susi at ini-unlock ang pinto. Nang marinig ang mahinang click ng lock ay akmang itutulak niya na 'yon pabukas. Ngunit bigla siyang napamura at hinatak ako patakbo habang buhat pa rin si Aki na nanatiling tulog. Magtatanong na sana ako kung ano ba ang problema nang bigla na lang kaming tumilapon dahil sa isang malakas na pagsabog.
![](https://img.wattpad.com/cover/187803796-288-k352879.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
عاطفيةBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...