A/N: This chapter is a flashback. Just for clarification.
*****
Mali ang ginagawa niya at alam ko iyon. Kailanman ay hindi naging tama ang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Siya naman ay nagtutulak pa. Alam kong kabutihan ng ibang tao ang iniisip niya ngunit paano naman siya? Paano ako? Ang magiging anak namin? Isasawalang bahala niya ba iyon para lamang matupad ang nais niyang iligtas ang ibang tao dahil iyon ang nararapat niyang gawin bilang may kakayahang sagipin ang mga nangangailangan?
Buntis ako at hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya. Takot ako. Takot akong harapin ang bagong yugto ng buhay ko bilang isang ina. Isa pa, menor de edad lamang ako. Ano ang kaalaman ko sa mga responsibilidad ng isang ina? Sino ang gagabay sa akin? Takot din ako dahil ang gulo ng buhay na meron kami ni Zykiel. Our environment is not suitable for having our own family. Siya na lang ang inaasahan ko maliban kay Manang Tess. Ngunit ayokong madamay si Manang kaya hinayaan ko na muna siyang alagaan ang condo ko sa Cebu then I moved in with Zykiel. Here in his own house where I witnessed all of his businesses.
"Stupids! Tatlo kayo pero natakasan pa kayo!?"
"Sir masyado pong mahigpit ang---"
"Shut the fuck up, Gio!"
Muli, dumagundong ang boses niya sa buong mansyon. Nagmistula iyong kulog.
"Greg! Nasaan na ang mga containers?!"
"Nasa warehouse na po, sir. Pero hindi natin pwedeng pasukin dahil mar----"
"Fuck it!"
Nakarinig ako ng mga nabasag. Sigurado akong nagwawala na naman siya dahil sa nabulilyasong transaksyon.
Napakagat labi ako. Hanggang kailan magiging ganito? Hanggang kailan ako tatayo sa labas ng kanyang opisina at makikinig? Hanggang kailan ako mananahimik? Nagliligtas siya ng ibang tao at lubos ko siyang ipinagmamalaki dahil doon. Ngunit kailan niya naman ililigtas ang buhay namin? Kailan niya pipiliin ang kaming dalawa? Buntis ako pero hindi ko 'yon masabi sa kanya dahil sobrang abala siya sa mga bagay na hindi ako kasama. Hindi kami kasama ng magiging anak niya.
Trading containers after containers of drugs to save those who was kidnapped for ransom.
He is a Mafia but less evil. Yes, just less evil. Hindi ko sinasabing hindi siya masamang tao ngunit hindi rin lubos na mabuti. Kukunin niya ang mga biktima ng kidnapped for ransom kapalit ng containers ng droga. Siya ang umaayos sa mga kaso na hindi kayang ayusin ng gobyerno.
"Nagwawala na naman siya?"
Agad akong napalingon kay Tita Ella nang marinig ang boses niya galing sa aking likuran at ginawaran ng mapaklang ngiti.
Bumuntong hininga siya at hinaplos ang likod ko. "Please be patient with him. This will end soon."
Tumango na lamang ako. Ngayon ay nakapaskil ang malungkot na ngiti sa mga labi. I know. Natatagalan lang talaga ako. Naiinip na ako. Gusto ko nang magkaroon ng tahimik na buhay kasama siya at ang magiging anak namin. Iyong kami lang. Walang ibang iniisip kundi ang paglilihi ko. Our daily needs and our baby's necessities.

BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomanceBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...