Chapter 34

3.4K 91 15
                                    

Pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad ko. Muli akong yumuko para banlawan ang ma natitirang kurtina. Nagsimula akong maglaba mga alas diez ng umaga at alas quatro y media na ng hapon ngayon ngunit hindi pa rin ako tapos dahil sa dami ng labahan. Sumasakit na ang bewang at likod ko kakalaba.

Pinalitan ko ang mga kurtina, basahan, at mga beddings para labhan. General cleaning. Ramdam ko na rin kasi ang alikabok ng higaan. Pati mga damit naming anim ay nilabhan ko rin kaya pagod na pagod ako. Mas mabuti na rin ito kaysa nakatunganga lang ako at walang ginagawa. The last time I checked, hindi pa rin sumasagot ang butiki kapag kinakausap ko. Feeling butterfly pa rin naman ang mga ipis na kung makalipad ay nakakapagpatili ng dalaga man o binata.

Tinampal ko ang kamay ni Greg na sinubukan na namang abutin ang mga kurtina sa batya. Napayuko naman ito at hindi makatingin sa akin. Tila isang batang pinaglitan nang mahuling nagnanakaw ng candy.

“Greg, kanina ka pa. Hindi na talaga ako natutuwa sa katigasan ng ulo mo,” saad ko.

"Madáme you washed our clothes," he stated as a matter of fact.

"I know Greg, then?"

"At least let us help you with the curtains. Ito na rin naman ang panghuli hindi po ba?" sabat ni George.

Sinubukan din nitong abutin ang mga kurtina sa batya na binabanlawan ko. Nais ding tumulong. Sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi niya rin naituloy ang binabalak. Bagsak ang balikat na tumabi kay Greg.

Napabuntong hininga ako. Napagdesisyonang sabihin na sa kanila ang totoong dahilan kung bakit hindi ko gustong tulungan nila ako sa paglalaba.

"You two helped me a lot lately. Utang namin ni Aki ang buhay namin sa in-"

"That's our job," sabay nilang sabi na hindi pinatapos ang sinasabi ko.

Muli ko silang sinamaan ng tingin. Boss nila ako? Then take that.

"Alam ko iyon. Pero buhay niyo pa rin ang itinaya at alam kong patuloy na itataya para masiguro ang kaligtasan namin. Labis ko iyong ipinagpapasalamat ngunit hindi niyo ako mapipigilang mag-alala. For me, life is life. Trabaho man o hindi, ang buhay ay buhay. Kaya hayaan niyo akong suklian kayo kahit sa maliliit na bagay man lang."

Halatang may gusto pa sana silang sabihin para mangatwiran ngunit hindi na itinuloy nang makitang seryoso ako sa nais mangyari. Itinikom nila ang kanilang mga bibig at wala nang nagawa pa kundi ang sundin ako.

What? Sasabihin nilang sinuswelduhan sila ni Zykiel kaya kailangan nila akong pagsilbihan at si Aki? Lihim akong nainis sa naisip. Kahit kailan, hinding hindi matutumbasan ng pera ang buhay ng tao. Walang halaga ng pera o kayamanan ang tatapat sa buhay ng kung sino man dahil ito mismo ang kayamanang matatanggap ng lahat.

Maybe a few out there isn’t grateful for the life they receive. But one day, when they are able to see their worth and understand what kind of big difference they can do to change the world and not let other children experience what they have been through, they will face life heads on. Kung hindi mo kayang magpasalamat sa buhay na meron ka, gumawa ka ng isang bagay na ipagpapasalamat ng mga bagong isinilang para sa buhay na natanggap nila.

If we can’t have the life we want because of whatever game the fate has, be mature enough to give it to others who also needs it if we actually have the power to do so. Stop being selfish and narrow minded just because life has been selfish to you. Stop doing  self-pity and make the change.

"Umalis na kayo. Bantayan niyo na lang si Aki na nasa ilog na naman at nagbabasa."
"Yes madáme," sabay nilang sagot at tumayo na. Pagkatapos yumukod ng bahagya sa akin bilang paggalang ay agad nilang tinahak ang daan patungong ilog.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon