Encounter 9

597 130 16
                                    

R E N

Hot seat.

Literal na nasa hot seat ako ngayon.

Bakit?

Dahil ang init ng kinauupuan ko ngayon, parang sisilaban na habang nakatingin sa akin ang anim na nag-gagwapuhang nilalang.

Titig na titig sa akin.

Jusme!

Sobrang bless na bless yung mga mata koo!

"So isang super nurse pala ang nagligtas sa pinsan ni hyung" Napalunok ako ng laway dahil sobrang seductive magsalita ni V. Bakit kanina ang cute lang n'ya ngayon sobrang hot na?

Real quick lang?

"A-ah oo, nurse ako. Hindi pa ba obvious sa damit ko" Mahinhin kong sagot dito ng PABALANG.

"Woah. Woah. Bakit parang nakikita ko sayo si Hyung Yoongi ah?"Ngiting nakakaloko ang ibinigay sa akin ni jungkook habang hinihimas ang baba n'ya. Akala mo malalim ang iniisip

Tinawanan lang ito ni jimin. "Yoongi version 2.2  everyone" Inarapan ko nga, iyan tuloy biglang nag-woahhhh yung mga anim at humalakhak.

OA masyado.

"Ren naman"Napahawak sa dibdib si jimin at kunyari naiiyak tapos biglang tumawa nung narinig n'yang nag-iyak-iyakan din si jin.

Parang timang lang.

"Eto eto, marami akong dad jokes dito" Pagpiprisinta ni jin, nakataas pa ang dalawang kamay

"Hay nako eto na naman s'ya"
Reklamo naman ni Namjoon, pailing iling pa pero nakangiti. Dahan dahan lang sa pagngiti namjoon, nakakakilig yung dimples mo eh huehuehuehue.

"Sige sige bigay ka nga d'yan"paghahamon ni J-Hope, parang hindi nangangalay ang labi sa kakangiti.

"Bakit sinasara ang bintana tuwing gabi?" natatawa agad si Jin sa sarili n'ya, bumuntong hininga ang iba pero nakangiti padin. Maliban kay yoongi na tulog, umiling-iling naman si yoona. Bakit nga ba?

"Bakit?" Sabay sabay naming tanong.

"Kasi naka-bukas" sagot ni Jin bago malakas na tumawa at pinalo-palo pa ang table.

Hindi ko rin tuloy mapigilang matawa sa pagtawa nito, hindi ako natatawa sa jokes n'ya eh, nakakahawa lang talaga yung tawa ni jin.

Napatingin naman sila sa'king lima. Habang si jimin ayun parang mamamatay na sa kakatawa n'ya.

"HAHAHAHAHA"  hinampas pa ni jimin ang balikat ni jin, nakatingin lang kami sakan'ya hanggang sa magsawa na rin ito sa pagtawa n'ya

"Ano okay kana?" Tanong sakan'ya ni J-hope, akala ko tapos na s'yang tumawa pero nang magkatitigan silang dalawa ni jin ay nagsimula na naman s'yang tumawa.

Sige lang jimin, hintayin ka naming matapos tumawa.

Sige take your time.

Nakakahiya sayo eh

Ubusin mo na lahat ng itatawa mo.

"Pagpasensyahan mo na si Jimin Nurse Ren ah, ganyan talaga yan, tagal tumawa, tagal maka-move on" tumango lang ako kay J-Hope, hindi mawala yung ngiti sa labi ko, nakakahawa yung positive vibes nila eh.

"Okay lang, tsaka wag mo na kong tawaging Nurse Ren, Ren nalang"

Mabuti nalang talaga, isa ang tagalog sa mga lenggwaheng pinag-aralan nila. At least hindi na dudugo yung ilong ko sa korean.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon