I dedicate this encounter to my great bud Taetaes_Jams2o , i purple u bud, stay safe! U nice keep going💜.
R E N
"Malamig kaya yung tubig?" Curious na tanong ni gucci boy.
"Kapag pinakuluan mo mainit na" Pilosopong sagot ko dito kaya sinamaan ako nito ng tingin, syempre si gilagid, ayun tumawa lang sa pamimilosopo ko.
Isa pa iyon sa na-miss ko sakan'ya. He's always supporting me, tapos lagi s'yang tumatawa sa jokes ko o pamimilosopo ko, kahit hindi naman talaga katawa-tawa.
at ang mga gago bigla nalang kumanta ng magbalik, syempre pinangungunahan yan ng ating gucci boy. nangaasar na naman sila, alam ko namang alam nila kung bakit ako nakipaghiwalay, sadyang trip lang talaga nila kaming asarin ni yoongi.
andito kasi kami sa bridge, maiksi lang naman ito pero yung pinaka dulo nito ay medyo malalim na yung tubig. gawa lang ito sa kahoy pero siguradong matibay naman. sinabi ko ngang kumain muna kami dahil nagugutom na ako pero ang mga loko loko sinabing bonding muna bago lamon.
"teka tignan ko nga kung malamig talaga" ani Yoongi, hindi ko alam kung trip ng isang ito eh. umupo ito at inabot yung tubig gamit yung isang paa n'ya habang yung isang kamay n'ya ay nakahawak sa akin.
nili-lick pa nito yung lips n'ya habang patuloy na inaabot yung tubig.
"parang gusto kong mag-swimming" rinig kong sabi ni Hoseok, tuwang tuwa.
"edi magswimming ka"
ngayon naman si Jin ang nagsabi, tumawa lang si Hoseok tapos hinawakan ang braso ni jin dahil muntikan na s'yang itulak ni Jin. nako kayong dalawa talaga, d'yan pa kayo naglandian sa likod ni Yoongi, pag-iyan nadali n'yo patay kayo.nagpatuloy lang sa landian yung dalawa habang kami ay nagaalala dahil baka madali nila si yoongi at matuluyang maligo yung pusang ito.
"sarap maligo ta-"
nanlaki ang mata naming lahat nang hindi sinasadyang masipa ni Hoseok yung likod ni Yoongi, nadali pa nga yung puwetan n'ya sa kahoy, hindi na ako nakapag-react dahil nahila din ako ni yoongi papuntang tubig dahil nga nakahawak s'ya sa akin.tangina hindi pa naman ako marunong lumangoy. pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga, hindi na rin ako mapakali dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong lulubog. iminulat ko ang mata ko nang maramdaman kong hinapit ni Yoongi ang bewang ko palapit sakan'ya.
kitang-kita ko ang liwanag ng mga ngiti n'ya, nakaramdam ako ng pagkahilo dahil hindi na talaga ako makahinga, pero mas nanlaki ang mga mata ko nang halikan ako ni yoongi, no, more likely he's giving me an oxygen. but still it didn't fail to make my heart race. napakapit ako ng mahigpit sa kan'yang batok.
pilyo itong ngumiti sa akin sabay turo sa taas. tumango ako dito at mas hinapit n'ya pa ako papalapit sakan'ya at sabay kaming lumangoy pataas. (kahit hindi talaga ako marunong lumangoy).
naghabol ako ng hininga nang tuluyan kaming makaahon, magkadikit parin ang katawan namin ni Yoongi at parehas kaming naghahabol ng hininga.
"you okay?"
nakangiting tanong nito sa akin, hindi mawala yung pilyong ngiti n'ya. damn we actually kiss under water.nahihiya akong tumango dito, tinignan namin ng masama yung anim na ngayon ay naghihiyawan at pumapalkpak.lalo na si Jin at Hoseok. wow! para lang silang nanonood ng sine ah.
"you son of a b*tch"
tinalamsikan pa ni Yoongi sina Hoseok ng tubig na ngayon ay naka-peace sign lang sa amin at tumatawa."sorry na Hyung, atleast na-testing mo na yung tubig"
pilyong sagot ni Hoseok sabay tumawa ng malakas at pumalakpak pa.
BINABASA MO ANG
Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)
Fanfic• c o m p l e t e d • highest rank: #1 in btsyoongi #2 in min #4 in tagalogfanfiction #6 in minyoongi #7 in Btsfanfic #19 in btssuga #27 in bangtan tagalog Fanfiction¹ Things happen in unexpected times and ways. Ren feeling down with her current lif...