Encounter 16.2

538 109 17
                                    

R E N

"Sige isa pa, medyo tagilid ka-ops. Okay and 1 2 3, say cheese!"

"Tangina mo Ren tumigil kana!"Isang malakas lang na tawa ang pinakawalan ko, kanina ko pa kasi s'ya pinipicturan, eh pumayag naman s'ya.

Ibig sabihin hindi ko s'ya pinilit.

Pagkalabas kasi n'ya kanina sa comfort room, hindi ko na s'ya tinigilan. Ang cute n'ya kasi! Gamit n'ya yung malaki kong t-shirt na kasya lang sakan'ya at tsaka yung shorts ko na pantulog na mas umikli nung sinuot n'ya. Kitang kita tuloy yung sexy at maputi n'yang hita n'ya.

Sana all sexy!

hindi lang 'yun. May bumabakat kasi sa gitna.

"Nako ang cute-cute mo ijo"
Oh diba kahit si lola naku-cute-an sakan'ya, cute nga kasi s'ya!

Tinawanan ko lang s'ya nung lumapit s'ya sa akin at nahihiyang nagtanong "W-wala ka bang mas malaki pang shorts?"

"Bakit? Cute ka naman d'yan ahh" Sinamaan lang n'ya ako ng tingin habang ako ay mas lalo lang lumakas ang tawa.

"Seryoso ako Ren"

"Seryoso din naman ako Yoongi"

Seryoso sa'yo yieeee~

Charot!

"Lola ako na po magluluto" Pagpi-prisinta ni Yoongi kay lola nang makita n'yang nag-aayos ng sangkap.

Hinayaan nalang n'ya ang sarili n'ya sa suot n'yang may dalawang bumabakat, yung isa, yung matumbok n'yang pwet at yung isa- uhmm. Sa tingin ko hindi ko na dapat sabihin 'yun.

Censored na daw

Sa totoo lang, mabait naman talaga si Yoongi eh, 'yun nga lang sa iba lang s'ya mabait, hindi sa'kin.

"Nako, huwag na. Umupo ka nalang d'yan" Pagtanggi  ni lola sa alok ni gilagid.

napatigil si lola nang buksan n'ya ang freezer n'ya at napakamot nalang sa ulo.

Mukhang alam ko na ito.

Tinignan n'ya kaming dalawa at nahihiyang ngumiti.
"Love birds- ah este mga iho't iha, baka pwedeng makisuyo ako sa inyo" Tumayo agad si yoongi at kinuha yung kaserola.

"Sige po, paglulutuin n'yo na ba ako?" Inosenteng tanong ni gilagid, hawak-hawak na n'ya yung kaserola sa kaliwang kamay tapos kinuha na n'ya yung apron at isusuot na sana.

"H-hindi ijo, wala na palang karne na gagamitin sa lulutuin ko, baka pwedeng ibili mo muna ako" Mabilis na tumango si Yoongi kay Lola, nahihiya pa s'yang ngumiti at napahawak sa batok.

"Oh, bumili ka muna daw ng karne" Sabi ko sakan'ya habang busy sa kakatingin ng pictures n'ya kanina.

Ang cute kasi, sobrang cute n'ya kulang nalang ng wig at konting make-up mukha na s'yang babae. Tapos yung hita n'ya, ang sexy samantalang sa'kin ang pata!

"Hindi Ren, samahan mo si Yoongi"

"Po!?"Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko dahil sa sinabi ni Lola, kaya naman 'yan ni yoongi. Alam kong malakas s'ya gwapo, matalino? Oo sige na pati gwapo at sexy.

Pero kaya n'ya ng mamili mag-isa.

Tinignan ko si gilagid na seryoso rin palang nakatingin sa akin at parang nag-hihintay ng sagot.

"Hindi okay lang po lola, busy ata s'ya sa ka-chat n'ya" Bakas ang lungkot at pagkainis sa boses n'ya. Duh wala akong ka-chat! Busy ako sa kakatingin ng pictures n'ya no!

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon