R E N
Just like what they say, lahat ng masasayang bagay may kapalit na lungkot.
three weeks has been hell for me, sobrang sakit dahil lahat ng pwedeng ibato sa akin, nabato na ata nila. binato na lahat ng masasakit na salita, kahit wala naman silang alam, kung makapagsalita sila akala nila kilala nila ako simula pagkabata ko. isabay pa ang lungkot dahil minsan nalang kami nagkikita ni Yoongi, minsan susunduin ako nina Hobi dito sa bahay tas pupunta kami sa dorm nila o kaya minsan sa rest house nila.
mas lalo pa ngang lumala pagkatapos ng araw na iyon, dahil sa hindi namin malaman ay nagsilabasan ang iba pa naming pictures ni Yoongi, tulad nung magkahawak kami ng kamay sa bundok, yung sa super market. mas lalong sumasakit yung ulo ko kapag naaalala ko iyon.
idagdag pa ang mga paparazzi na naghihintay sa labas ng bahay namin ni lola o kaya naman sa hospital kung saan ako nagtatrabaho, hindi ko na nga alam ang gagawin ko at nahihiya na rin ako kay lola.pati s'ya nadadamay pa dito.
Pero si lola, nakow! Bet na bet na nakikita sa camera.
nabalitaan narin ng mga magulang at kaibigan ko ang nangyari sa akin, nagalit pa nga si papa dahil nagkaroon ako ng boyfriend tapos hindi man nila nalaman.
Sus! Hindi lang kamo n'ya natakot ng itak n'yang may kalawang.
But I'm very thankful dahil palagi silang nandyan para pasayahin ako dahil para akong mababaliw sa kakaisip kung anong gagawin ko, dahil sa akin nadadamay ang Bangtan.
it's been three weeks ng ganitong setup ni Yoongi, puro video calls nalang, texts, tawag, lalo na't mas nagiging busy sila ngayon. minsan aalis nalang yung anim para makapag solo at makapag usap kami ni Yoongi kapag nasa dorm nila ako.
Pero sa tingin ko mas nagiging matatag kami ni Yoongi na harapin ito ng magkasama.
Minsan hahawakan nalang n'ya ang kamay ko habang walang umiimik, kahit yung katahimikan naming dalawa nakakarelax para sa akin, lalo na ang presensya n'ya.
Minsan naman, sa hita ko s'ya matutulog habang nakalagay yung kamay ko sa dibdib n'ya, parang pinaparinig n'ya talaga sa akin kung gaano kabilis yung tibok ng puso n'ya.
In short, mas sweet pa si Yoongi sa candy, hindi lang talaga s'ya showy minsan.
Pero lahat ng ginagawa n'ya, kahit sobrang liit pa nun. Sobrang napapabilis ang tibok ng puso ko, at sobrang lumalambot yung puso ko sakan'ya.
Bigla nalang nawawala lahat ng pagod ko
I was just a simple person before, living with her family and with a broken heart by his ex boyfriend she caught cheating on her with her bestfriend, and then all of a sudden she met these seven handsome and gentelman and fall inlove with one of the member, with a cute gummy smile, and now here she is afraid of getting caught by the paparazzi.
mabuti nalang talaga kasama ko ang Bangtan, kasama ko sa pagpapakatatag at kasama ko sa paglaban. katulad ngayon, weird na naman si Taehyung dahil may suot-suot na naman s'yang karton sa ulo tapos tumatama yung mukha n'ya sa pader. yung mga gago tatawanan lang s'ya, syempre kasama na ako sa mga gago.
"tangina wala akong makita"
umiling-iling nalang ako sa sinabi ni Taehyung, tanga paano ka makakakita eh may malaking karton d'yan sa ulo mo."try to remove that stupid carton on your head bitch" napa-owww nalang kami sa pambabara ni Yoongi kay Taehyung, tapos si Jimin ano pa nga ba ka-duet na naman si Jungkook sa pagtawa kaya ayun naghilahan pa sa pagkalaglag sa sofa. Yoongi the unbothered cat.
Oh chill lang tayo Yoongi, masyado kang HAWT!
"ay oo nga hehe"
nag-peace sign nalang si Taehyung at kinagat ang labi n'ya, pa-cute pa si alien effective na effetive naman.
BINABASA MO ANG
Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)
Fanfiction• c o m p l e t e d • highest rank: #1 in btsyoongi #2 in min #4 in tagalogfanfiction #6 in minyoongi #7 in Btsfanfic #19 in btssuga #27 in bangtan tagalog Fanfiction¹ Things happen in unexpected times and ways. Ren feeling down with her current lif...