R E N
"Jusko Ren! Seryoso ba 'yan, Jowa mo na si Yoongi? Yung hot na hot tapos hot parin?"
Medz asked with hysterical and dramatic voice, I continuously nod while laughing during our video call."Jowa mo na talaga si Min Yoongi, ang isa sa mga gwapoging hot member ng BTS!"
Bakit ba ayaw akong paniwalaan ng babaitang ito?
Sabihin ba naman sa aking masyado daw akong pangit para kay Yoongi? napaka supportive naman nitong kaibigan ko. Wala kang chocolate pag-uwi ko huehuehuehue.
"Oo nga! Ano teh? Unli lang, di maka-get over?" Napatakip nalang ako sa aking tenga nang muli siyang tumili at nagtatatalon, natapon pa yung lays na kinakain niya.
"Uy sino 'yan?" Nabaling ang atensyon ko kay Kim na kakarating lang ngayon sa canteen.
Lunch break na kasi, ang tagal dumating ni Kim kaya nakipag-usap muna ako kay Medz.
"Kaibigan ko sa Pilipinas, pangit s'ya, pero papakilala kita"
Bahagyang tunawa si Kim, hindi ko nalang pinansin yung pagrereklamo at pagmamaktol ni Medz."Medz, Si Kim. maganda kong kaibigan" diniin ko talaga yung salitang 'maganda'
Na ikinatawa ng malakas ni Kim, kumaway ito kay Medz. parang inosente kung tignan si Kim, pero hindi nila alam puro memes at kalokohan alam n'yan, huehuehuehue."Kim si Mendz, kaibigan ko" Nakakinis itong si Medz kanina pa tili ng tili sarap putulan ng litid eh. akala mo lumunok ng mikropono.
"Shet ka talaga Ren! Totoo ba talagang kayo na ni Yoongi?"
Nanlaki ang mga mata ni Kim,
shit hindi ko pa pala nasabi sakan'ya ang napakagandang balita."Ano! Kayo na ni Yoongi!"
Mabilis kong tinakpan yung bibig ni Kim dahil biglaan itong sumigaw at tumayo.Pinandilatan ko siya ng mata at dahan-dahan kaming bumalik sa pagkakaupo.
"Oo nga, pucha! Ang ingay n'yong dalawa eh. Alam n'yo namang hindi pwedeng malaman ng lahat dahil alam n'yong artist si Yoongi!"
Mahinang pagpapaalala ko sakanilang dalawa, tumango naman ang mga ito kaya tinanggal ko na rin yung pagkakatakip ko sa bibig ni Kim."Tangina" Malutong ang pagkakasabi ni Kim na ikinagulat ko, bwisit talaga 'tong isang ito eh. Mas malutong pa sa chicharon kung magmura.
"Shet! Kailan pa, totoo ba? Jowa mo na talaga yung tagasundo mo lang sa tag-ulan HAHAHAHA" Napa-iling nalang ako habang rinig na rinig ang malakas na halakhak ni Kim. Ang lakas talaga niyang mang-asar kahit kailan.
"Sabi na eh, magaling kang makahanap ng jowa eh" Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko, nakakalokong nakatitig sa akin.
At wala nang ginawa ang dalawa kung hindi ang asarin ako hanggang sa matapos yung break namin, pero aminin ko man o hindi, hidi ko talaga maitatago yung kilig at sayang nararamdmaan ko.
--
"Kim, parang ayoko nitong binigay mo" Naiilang akong tumingin sakan'ya. Sinuot ko na ang binigay n'yang black and white na croptop.
"Huh? Eh ang ganda mo ngang tignan eh, lagyan ka nalang ng foam sa dibdib mas maganda" Gagu! Hindi ko kelangan ng foam!
"Seryoso, Ayoko ng ganito!" Tatangkain ko na sanang tanggalin yung ibinigay n'ya sa aking damit na nasa locker lang n'ya. Pinigilan ako nito at dismayado akong tinignan.
BINABASA MO ANG
Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)
Fanfiction• c o m p l e t e d • highest rank: #1 in btsyoongi #2 in min #4 in tagalogfanfiction #6 in minyoongi #7 in Btsfanfic #19 in btssuga #27 in bangtan tagalog Fanfiction¹ Things happen in unexpected times and ways. Ren feeling down with her current lif...