Encounter 36

321 68 57
                                    

R E N

"Ren alam mo ba?"
Kumunot yung noo ko dahil sa pagatanong ni Jin sa akin.

"Hindi pa"
Pamimilosopo ko dito na dahilan para siringan ako ng magandang mata nito.

"So hindi mo alam na maswerte ka?" Hindi ko alam kung paanong swerte ba ang sinasabi n'ya, bukod sa swerte akong nakilala ko sila at boyfriend ko si Yoongi, swerte din ako dahil may ganda rin naman akong exotic na.

"Maswerte saan?"
Ang gago, nauna pa yung tawa bago yung sasabihin n'ya, pumalakpak pa ito at bukang-buka ang bibig habang tumatawa. Pasukan sana ng langaw 'yan. Joke!

Sige tapusin mo muna tawa mo bago mo sabihin Jin.

"Napaka swerte mo dahil nakikita mo ang gwapo kong mukha!" Pumalakpak itong muli at tumawa ng malakas, hindi ako nakapag-react, hindi ko kasi alam kung saan ako tatawa.

Sa sinabi n'ya ba? O sa pag-tawa n'ya.

"Tss. Mas gwapo naman ako" Biglang sumulpot si Jimin sa harap namin, takte saan ba galing itong lalaking ito. Parang kabute dahil pasulpot-sulpot nalang.

Parang kanina lang nakaupo 'to ah, bakit nasa ibang pwesto na naman s'ya.

"8/10 ka lang, samantalang ako 11/10" Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Jin, sobrang taas ng confidence ng isang ito! Habang si Jimin, iniinsulto na tumawa parin.

Poor Jimin.

Nasa loob kami ng bagong van ni golden maknae Jungkook, scale international playboy. Sobrang ganda nga at astig pa dahil may tulugan narin ito, parang bus yung design n'ya, small version lang talaga s'ya. rust bucket van ata ang tawag dito if I'm not mistaken.

Papunta kaming forest, sa hindi ko malamang dahilan. "Ano nga palang gagawin natin sa kagubatan, bakit tayo pupunta doon ngayon?" Out of nowhere kong pagtatanong.

Paano, hinila lang ako kanina ni Jhope dahil sabi n'ya pupunta daw ng forest, excited pa sa salitang excited. Tapos makahila parang matatanggal yung braso ko, edi hinila ko narin si Yoongi.

"Hahanapin natin yung sagot kung bakit hindi tayo crush ng crush natin" Ani jimin, wow! Tama bang humugot sa maayos kong tanong Jimin?

Narinig ko ang tawanan ng mga ito, sa pangunguna syempre ni Hobi, sige, okay lang.

"Edi bakit pa kami nandito ni Ren?" Pagtanong ni Yoongi, naka-smirk pa ang gago habang yung mga luko-loko, nakanganga.

"Malamang sinakay ko kayo, kaya kayo nandito" Siniringan ko si Hobi dahil sa pilosopo n'yang sagot, ang gago tumawa pa ng nakakaasar, trip talaga kaming asarin. Habang si Yoongi, tinignan lang s'ya at maya-maya'y nagsalita na ulit.

"What's the sense of it, eh nahanap na namin ni Ren yung isa't-isa" Tanginang 'yan Yoongi, bakit ba bigla-bigla ka nalang bumabanat ng ganiyan? Alam mo bang nagwawala yung puso ko dahil sa'yo?

"Tigilan n'yo iyan hyung! Ihahagis ko kayo sa labas!"
Pagbibiro ni Jimin sa amin na muntikan ng mahulog sa upuan n'ya, para kasing ewan sabing magsuot ng seatbelt eh.

Syempre ang mga luko-loko, inaasar na naman tuloy kami, at syempre, gustong-gusto ko naman.

Gustong-gusto si Yoongi.

"Iba talaga nagagawa kapag in love" Iling-iling na sabi ni Joonie na labas na labas yung dimples n'ya, kiligin ba naman daw sa banat ni Expert Yoongi.

Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon