R E N
Inayos ko na yung pagkain nila sa lamesa, nilagay ko yung favorite flavor ng ice cream nila.
Baka kasi makatulong sa pagkawala ng init ng ulo nila, napag-desisyunan kong uuwi narin ako pagkalabas nila ng lab.
Mukhang wala narin naman na akong gagawin pa dito, at mukhang ayaw na akong makita ni Yoongi, uuwi nalang ako. Baka kung ano na naman ang masabi n'yang masakit sa akin.
Nang marinig kong palabas na sila ng lab ay pumunta na agad ako sa kwarto ni Yoongi, kinuha ko na yung bag ko.
Hindi ko alam kung anong maihaharap ko sakanila, lalo na kay Yoongi. Ang sakit kasi nung sinabi n'ya at patuloy paring nagpi-play sa utak ko.
Ang sakit, parang pinipiga yung dibdib ko, tapos sobrang sikip pa.
Mabuti nga andyan si Jimin para icomfort ako, pagkatapos kong umiyak ay sinabi n'yang sa kwarto nalang muna daw n'ya s'ya magi-stay dahil galit parin s'ya sa ginawa ni Yoongi.
"Wow! Favorite ice cream ko ito!" Mapait akong napangiti dahil narinig kong sumigaw si taehyung, naimagine ko tuloy na tumatalon na s'ya sa tuwa sa mga oras na ito, habang kagat-kagat yung labi n'ya.
"Favorite ko rin ito Taetae!"
Ngayon naman ay si Hoseok yung narinig ko, mas lalo tuloy akong naiiyak, siguro dahil sa tuwa at sa sakit na nararamdaman ko ngayon."Shit! This is my favorite. Sinong naglagay nito dito?"
Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang marinig ko yung boses n'ya, mukhang masaya naman yung tinig n'ya. Sa tingin ko nagustuhan n'ya.Kahit naman wala akong alam sa music, o kahit hindi ko s'ya matulungan sa bagay na gusto n'ya. Atleast napasaya ko naman s'ya sa paborito n'yang ice cream flavor.
Ang babaw, pero mahal ko s'ya at masaya na akong makita s'yang masaya.
"Si Ren ang bumili n'yan"
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa kusina dahil sa sinabi ni Jimin.Dapat umalis na ako, marami pa akong gagawin, marami pa akong dapat tapusing record. Mabilis na akong naglakad pero nag-ingat akong hindi nila ako marinig. Sinabi ko naman kay Jimin na aalis na ako pagkalabas nila ng lab at sabi n'yang s'ya na daw ang magsasabi.
Hindi ko alam kung paano ako dadaan ng kusina na hindi nila ako napapansin, dapat pala kanina ko pa nilabas ang gamit ko para hindi na ako mahihirapan pa.
"Ren?" Napatigil ako sa paglalakad at alanganing ngumiti kay Jin lalo na nang makita n'yang dala ko yung bag ko. lahat sila ay nakatingin sa akin. "Aalis ka na?"
Hindi Jin, papunta palang ako sa kwarto ni Yoongi."Uhm. Oo eh, marami pa kasi akong gagawin" Sandaling tumahimik ang lahat, hindi narin ako nag abalang tignan pa si Yoongi dahil busy na s'ya sa pagsubo ng pagkaing niluto ko.
Ganoon ba kalaki yung galit n'ya sa akin? Dahil ba ito kay Namjoon kaya s'ya nagkakaganito?
"Galit ka ba sa amin?" Nakatungo si V, malungkot ang tinig niya at nakatingin lang sa nakababa n'yang ice cream.
"Hindi 'no Bat naman ako magagalit? K-kailangan ko lang talagang tapusin yung trabaho ko. Tsaka--"Sandali akong tumigil habang naghihintay sila sa susunod kong sasabihin.
"Hindi n'yo naman na ako kailangan eh" Naramdaman kong nangingilid na naman yung luha ko, hindi na ata ito mauubos. Masamang tinignan ni Hobi si Yoongi na sandaling natigilan at nilagok yung tequila na kinuha n'ya kani-kanina lang.
BINABASA MO ANG
Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)
Fanfiction• c o m p l e t e d • highest rank: #1 in btsyoongi #2 in min #4 in tagalogfanfiction #6 in minyoongi #7 in Btsfanfic #19 in btssuga #27 in bangtan tagalog Fanfiction¹ Things happen in unexpected times and ways. Ren feeling down with her current lif...