R E N
"Ano masakit pa ba?" Umiling-iling ako kay yoongi, bakas parin ang pag-aalala sa mga mata n'ya.
Nakailang beses na nga s'yang tanong n'yan eh.
"Tara kain na tayo"
Pag-aaya sa amin ni Jin. Nag-bake kasi s'ya ulit ng cake namin dahil yung cake na dapat naming kakainin, ayun pinakinabangan ng sahig at ng mga damit namin.Pinagpalit na din nila ako ng damit, ewan ko ba sa mga 'to, binilhan ako kanina nina hoseok at Namjoon ng bagong damit.
Sweet.
Nagsilapitan naman na sila sa maliit na lamesa, tumigil sa amin ni Jimin na nakangisi parin.
"Kaya mo bang kumain Ren, gusto mo pasubuan nalang kita kay hyung?" Mapang-asar itong tumawa at pasimpleng tumingin kay Yoongi na nasa tapat ko.
Jimin tama na. Sobrang hiyang-hiya na nga ako eh.
Ginulo ko ang magulong buhok ni Jimin at inilagay sa bewang n'ya ang kamay ko
"Nagseselos ka na naman eh" Pagbibiro ko sakan'ya, tumawa lang s'ya at para bang nahihiya dahil tinakpan n'ya yung mukha n'ya pero kalauna'y hinapit n'ya rin ang bewang ko."Hindi ba obvious?" Tinawanan nalang namin ang isa't isa, parehas kasi kaming mga mukhang ewan. Nauna na si Yoongi pumunta sa lamesa kaya sumunod narin kami.
"Ang hot nung chicken, kasing hot nung eksena kanina" Hinipan-hipan pa ni jungkook ang spicy chicken na kinakain n'ya. Tss. Nagpaparinig lang s'ya eh.
"Hot daw silang dalawa eh"
Natatawang pahabol ni Jin. Hini s'ya makakain ng maayos dahil sa pagtawa n'ya. Bakit ba pinapaalala pa nila yung nangyari kanina? Hiyang-hiya na nga ako ehhhh!"Sorry na, hot kasi ako" mali ata ang sinabi ko dahil inismiran ako ng mga ito. Hay nako! Bakit ang tanga ko sa part na 'yon?
"Ehem. May tinamaan. Ehem" Ani hoseok na ikinatawa ng lahat maliban sa akin at ni Yoongi.
--
"1 2 3 and 4 5 6"
Hindi kami nag-aaral magbilang, nagpapractice lang ng sayaw sina Hoseok dito sa may practice room nila sa ibaba. Ang galing nga eh, ang laki pala ng bahay na ito ang daming pasikot-sikot.Akala ko ba magpapahinga sila, Bakit nagpa-practice sila ngayon?
"Okay, break muna!" Sigaw ni Hoseok na ikinatuwa ng lahat lalo na si Yoongi.
Humiyaw-hiyaw pa si gilagid tas weird na sumayaw. Tumakbo s'ya palapit sa direksyon ko atsaka mabilis na humiga sa sahig.
Tumayo na ako at nagsimulang magbigay ng bottled water sakanila.
"Thankyou noona you're the best!" Niyakap pa ako ni Jungkook pagkabigay ko sakan'ya isang bottled water.
Ambango ng pawis n'ya.
Sana all mabango pag pinagpapawisan, pag ako kasi--er-- nevermind.
"Magpunas ka muna ng pawis mo ah, pawis na pawis ka"
Paalala ko dito at inabutan na ang iba pang members."Wala ba 'tong kasamang pagkain?" Reklamo ni Jin sa akin, wag kayo sa aking magreklamo hindi ako ang manager n'yo.
"Nasa may table ata Jin" Sabi ko nalang tapos pinagpatuloy ko ang pagbibigay, mabilis tumakbo sina Jin at jungkook, excited kumain.
"Thankyou my princess"
Kinindatan ako ni Namjoon sabay inom sa binigay kong tubig. Enebe!"You're welcome my prince"
Nakangiti kong sabi sakan'ya bago tuluyang umalis sa harap n'ya. Nang masigurado ko nang may tubig na ang anim at hindi na nginangatngat ni taehyung yung bote n'ya ay bumalik na ako sa pwesto ko para ibigay ang natitirang bottled water kay gilagid.
BINABASA MO ANG
Encountering Min Yoongi (Wattys 2020)
Fanfiction• c o m p l e t e d • highest rank: #1 in btsyoongi #2 in min #4 in tagalogfanfiction #6 in minyoongi #7 in Btsfanfic #19 in btssuga #27 in bangtan tagalog Fanfiction¹ Things happen in unexpected times and ways. Ren feeling down with her current lif...