Pag-uwi ko sa bahay ay sinubukan ko naman agad na pumasok din sa loob ng kwarto ko. At bago ko pa man inilapag ang bag ko, kinuha ko ang wallet ko at kinuha doon ang perang binayad sa akin. Pagkuha ko nun ay hinulog ko naman agad yun sa alkansiya ko kung saan ko iniipon ang pera pambili ng acoustic guitar na gusto kong bilhin.
Paglagay nun doon, napaupo ako sa upuan ko sa desk ko. Habang nakaupo ako doon, napasandal ako at napatingin sa kisame. Habang nakatingin ako doon, napaisip ako.
Maya-maya pa, muli nalang uli akong napatingin sa alkansiya ko. Habang nakatingin ako doon, bahagya kong tinitigan yun ng matagal, ngunit hindi naman nagtagal, napa-bangon ako mula sa pagkakaupo ko at agad ko itong kinuha at umupo sa kama. Pag-upo ko sa kama, sinubukan kong buksan yun at sinubukan kong bilangin ang laman nito dahil medyo nagtataka na rin ako kung magkano na ang naipon.
Matagal-tagal na rin akong nag-iipon at yung mga hinuhulog ko naman doon ay medyo malaki, kaya siguro umaasa ako na baka sapat na ang perang naipon kong pambili. Pagkatapos ko nga na ilabas ang mga pera, sinimulan ko na nga na magbilang. Makalipas ng ilang saglit, natapos rin naman ako magbilang.
"Thirteen thousand and one hundred fifty pesos." Pagkatapos kong magbilang, nanatili akong tahimik at nakatingin sa perang hawak ko. Sabi ko, "Kulang pa pala, kailangan ko pa ng one thousand eight hundred fifty pesos." Kinuha ko ang wallet ko at tinignan yun.
Nakita ko na one thousand five hundred pesos nalang ang laman. Pagtingin ko doon, napabuntong-hininga nalang ako. Pagtingin ko dun, napatingin ako sa picture frame namin ni Mama at lola Grace.
Sabi ko sa sarili ko, "Hindi ko pwedeng basta idagdag 'to, may kailangan din akong bilhin." Pagkatapos nun, pagsara ko ng wallet ko, inilagay ko nalang ang perang naipon ko sa isang maliit na envelope. Pagkatapos nun, itinabi ko yun sa loob ng backpack ko.
Pagkatapos ko magligpit ng iba ko pang gamit, napatayo ako at nagsuot na ng jacket. Pagsuot ko ng jacket, kinuha ko na nga ang backpack ko pati ang ukelele bag ko. Pagkatapos nun, lumabas ako ng kwarto ko para magsuot ng sapatos.
Pagsuot ko ng sapatos, sinuot ko na rin ang backpack ko at ang ukelele bag ko. Pagkatapos nun, paglabas ko at lock ng pinto, nagsimula na akong maglakad papalabas. Maya-maya pa, pumara na ako ng jeep.
Pagpara ko ng jeep, sumakay na ako. Pagsakay ko ng jeep, nagbayad na rin ako ng pamasahe ko. Habang nakasakay, napatingin ako sa orasan ko.
Pagtingin ko doon, 4:30 PM na. Maya-maya pa, pagpara ko, agad na akong bumaba. Pagbaba ko, pumunta ako sa isang maliit na kainan.
Pagpasok ko sa loob, agad akong pumila. Nang ako na ang mag-oorder, inorder ko ang isang malaking pancit bihon at isang dosenang barbeque. Pagkatapos nun, nag-antay ako ng saglit hanggang sa makarating ang order ko.
Pagkakuha ko ng order ko, muli akong napatingin sa orasan ko. Nakita ko, 5:30 PM na. Sabi ko, "May oras pa naman."
Pagkasabi ko nun, pumunta ako sa bilihan ng cake. Pagpasok ko sa loob, bumili ako ng birthday cake. Pagkabili ko nun, agad din inabot sa akin yun.
Pagkakuha ko nun, muli akong napatingin sa orasan ko. Pagkakita ko, 5:40 PM na. Pagtingin ko doon, nagsimula na akong maglakad.
Nang makarating ako doon, agad naman bumungad sakin si Ate Karie, agad niya akong tinulungan. Sabi niya, "Tulungan na kita diyan." Sabi ko, "Salamat po."
Kinuha niya ang cake. Sabi ko, "Nandiyan na po ba si Mama?" Umiling siya at sabi niya, "Wala pa, bali siguro pabalik pa lang sila."
Sabi ko, "Naiayos po ba yung banner?" Sabi niya, "Oo, naasikaso na namin." Napangiti ako at sabi ko, "Salamat po."
YOU ARE READING
BESIDE YOU
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...