Pagkatapos ng ilang sandali, pagkatapos ko mag-ayos ng gamit, ay bumalik ako sa sala. Pagbalik ko doon, nakita ko siyang nanatili lang nakaupo doon. Nang tignan ko siya, nanatili naman siyang nakatingin sa malayo sa may bintana.
Maya-maya pa, dahan-dahan siyang napalingon sa akin, at nang makita niya ako, lumapit ako sa kanya. Sabi ko, "Um, pasensiya ka na kung medyo natagalan ako." Umiling siya sa akin, at pag-iling niya ay nagsulat siya sa notebook niya.
Nagsulat siya at binasa ko ang sinulat niya: "Hindi ah, hindi naman ganon katagal kaya okay lang yun."
Pagkabasa ko noon ay napangiti naman ako. Sabi ko, "Um, oo nga pala, may dala ka bang extra damit? Alam mo na, kung sakali man lang na kailanganin natin ng extra damit." Tumango siya at nag-thumbs up sa akin.
Nang matapos niyang mag-thumbs up, ang sabi ko naman sa kanya, "Okay, um, ready na 'ko. Ready ka na ba?" Sinuot niya ang bag niya at bigla naman siyang napatayo mula sa pagkakaupo niya. Pagtayo niya, mabilis naman siyang napatango.
Natuwa naman ako ng bahagya dahil mukha ngang excited rin ang itsura niya. Matapos noon, hinugot ko na nga ang mga nakasaksak sa may saksakan at sinigurado ko naman na ang gripo ay sarado, at nakasarado na ang mga ilaw at bintana. Pagkatapos kong i-check ang buong paligid, lumabas na kami.
Bago ko pa man naisara ang pinto, muli ko rin namang tiningnan ang paligid para ma-double check ang lahat doon. Pagkatapos kong tingnan iyon, isinara ko na ang pinto at nilock agad iyon. Pagkalock ko ng pinto, humarap ako sa direksyon ni Sophie.
Sabi ko sa kanya, "Halika na." Tumango naman siya pagkasabi ko noon. Kaya pagkatapos noon, nagsimula na kami maglakad.
Habang nanatili kaming nakatayo doon, sabi ko kay Sophie, "So, hindi ba pupunta tayo sa Santiago City, in the Province of Isabela, dahil doon nakatira ang kaibigan mo na ang pangalan ay... ano uli yun?"
Nang tanungin ko siya, nagsulat naman siya sa notebook niya at pag-sulat niya, binasa ko iyon: "Yanyan, Yanyan ang pangalan niya."
Pagkatapos kong basahin iyon, sabi ko, "Ah, oo nga, Yanyan. Sorry kung nakalimutan ko." Pagkatapos noon, pumarada na nga kami ng jeep. Pagparada ng jeep, pinauna ko siyang pumasok at sumakay sa loob.
Pagpasok niya at pagsakay, sumunod naman akong pumasok at sumakay sa loob. Pag-upo ko naman, nag-abot na ako agad ng pera. Pag-abot ko ng pera, sabi ko, "Dalawa po 'yan, estudyante, papunta po sa bus terminal."
Pagkatapos noon, napatingin ako kay Sophie. Napatingin naman siya sa akin. Sabi ko sa kanya, "Doon tayo sasakay papuntang Santiago City, sa Isabela."
Tumango naman siya pagkatapos kong sabihin iyon. Pagkarating namin doon, agad din kaming bumaba ng jeep. Pagbaba ng jeep, sakto may konduktor na nagpapasok ng mga pasahero. Sabi niya, "Oh, lalarga na itong bus papuntang Santiago City, sa Isabela. Kaya bumili na kayo ng mga ticket niyo habang hindi pa umaalis!"
Nang makita ko iyon, agad naman akong pumila sa bilihan ng tickets. Tumingin ako kay Sophie habang nakapila ako. Nakita ko na napatingin din siya sa akin, pero parang hindi niya alam ang gagawin.
Sabi ko sa kanya, "Ako na bahala, antayin mo lang ako, bibili lang ako ng ticket natin." Kahit na para bang nag-aalala ang itsura niya, sabi ko sa kanya, "Wag kang mag-alala, ako ang bahala, okay?" Pagkasabi ko noon, para bang wala siyang nagawa kundi napatango na lang.
Pagkatapos noon, kinuha ko ang wallet ko at inilabas ko iyon mula sa bag ko. Nang ako na ang bibili, sabi ko, "Dalawang ticket nga po sa Isabela, papuntang Santiago City." Kumuha siya ng ticket at sumagot, "Bale 550 pesos ang isa, so bale 1,100 pesos ang dalawang ticket."
YOU ARE READING
BESIDE YOU
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...