CHAPTER 11

3 0 0
                                    

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Sophie.



Nakita ko siya na para bang nakikipag-agawan sa isang lalaki na pilit na kinukuha ang bag niya. Dalawang lalaki na ang pilit na inaagaw ang bag niya kaya agad naman akong lumapit sa kanya. Nabitawan ko ang paper bag na dala ko at agad na tumakbo papalapit kay Sophie. 

Paglapit ko sa kanya, sinuntok ko ang isang lalaki. Pagsuntok ko sa isang lalaki, sinuntok naman ako ng kasama niyang lalaki. Kaya pagsuntok sa akin ng lalaki, napaatras ako ng bahagya. Dumugo ang gilid ng labi ko pero hindi ko naman gaanong ininda iyon, kaya kahit na napaatras ako, sinubukan ko pa ring suntukin ang lalaking iyon.

Maya-maya pa, habang nakikipagbugbugan ako sa lalaking iyon, lumapit na dapat ang kasama niya para pagtulungan ako, pero hindi natuloy iyon dahil may isang lalaki na biglang lumapit at tinulungan akong makipagsuntukan sa dalawang lalaki. 

Maya-maya pa, nang matumba ang dalawang lalaki dahil sa amin, napalingon sa akin ang lalaking tumulong sa akin. Hingal na hingal kaming dalawa, nagkatinginan kami. Tinanong niya ako, "Okay ka lang, brad?" Tumango na lang ako sa tanong niya.

Maya-maya pa, may mga pulis na lumapit at pinosasan ang dalawang lalaking snatcher. Pagposas sa kanilang dalawa, kinausap kami saglit ng mga pulis. Pagkatapos naming ikwento ang nangyari, sinabi ko, "Maraming salamat po." 

Sabi ng lalaking tumulong sa akin, "Mabuti ho at nakarating kayo." Sabi ng pulis, "Mabuti nga at tinawagan kami ng kasama ninyo, dahil sa kanya ay nakarating kami agad." 

Sabi ng isa pang pulis, "Mabuti na nga lang din at walang armas tulad ng baril o kutsilyo ang dalawang snatcher. Matagal na rin naming sinusubukang hulihin ang mga snatcher dito. Mga turista kasi ang target nila kaya buti nahuli na namin sila ngayon."

Matapos nun, nagpaalam na rin sila. Sabi ng lalaki, "Oh, sige, okay naman na kayo, 'noh? Muna na kami para makulong na 'to mga 'to. Umuwi na rin kayo, delikado na rin ng ganitong oras." Tumango kaming dalawa. 

Sabi ko, "Maraming salamat po." Sabi ng isang lalaki, "Salamat, sir." Pagtango ng mga pulis sa amin, agad naman silang umalis.

Pag-alis nila, napalingon ako sa lalaki at sabi ko sa kanya, "Salamat nga pala kanina." Sabi ng lalaki, "Wala 'yun." Tinapik niya ako sa balikat pagkatapos.

Pagkatapos noon, napalingon naman ako kay Sophie na nakaupo sa may upuan sa convenience store kasama ang isang babae. Nakita ko na para bang kino-comfort siya ng babaeng kaharap niya. Agad akong lumapit kay Sophie. 

Paglapit ko, napalingon siya sa akin at napatayo. Pagtayo niya, sabi ko sa kanya, "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Tumango siya sa una kong tanong at napailing naman sa pangalawa kong tanong. 

Alalang tanong ko, "Sigurado ka? Okay ka lang?" Tumango siya pagkatapos ko siyang tanungin.

Habang nag-aalala pa rin ako, sabi ko sa kanya, "I'm sorry kung iniwan kita. Dapat nga na hindi na kita iniwan doon at sinama na lang kita sa loob ng convenience store." Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Habang nagkakatinginan kami, napatingin siya sa sugat ko sa gilid ng labi ko at biglang kumunot ang kanyang noo dahil sa pag-aalala. 

Sabi ko, "Okay lang ako, kaya wala 'to."

Maya-maya pa, napalingon kami sa babaeng nagsalita, "Pareho kayong may sugat." Napatingin siya sa akin at sa lalaking tumulong sa akin. Sabi niya, "Bibili lang ako ng gamit para gamutin ang mga sugat niyong dalawa." 

Pagkatapos ay pumasok na nga ang babae sa loob ng convenience store.

Habang hinihintay namin ang babae, napatanong si Sophie sa lalaki. 

BESIDE YOUWhere stories live. Discover now