Pagkatapos namin magtinginan ni Sophie ay muli naman akong napaingin kay Kuya.
Sabi ko, "Um... may alam po ba kayo dito kung saan sakayan papuntang Santiago City sa Isabela?" Sabi niya, "Meron naman, may bus terminal din dito malapit sa may mall. Kaso sasakay pa kayo ng ilang sasakyan dahil sa medyo may kalayuan ang mall dito eh."
Sabi ko, "Ahh okay po. Ano po ba pwede naming sakyan papunta doon?" Sabi niya, "Sumakay kayo ng jeep dito oh." Sabay turo sa sakyan.
Sabi niya, "Pagkatapos, apos sakay kayo ng tricycle dahil sa ibaba lang kayo ng jeep sa may bungad dahil iikot uli lang yun. Kaya mga dalawang sakay lang naman papunta doon." Sabi ko, "Okay po, maraming salamat po." Pagkatapos nga nun ay sumakay na nga kami ng jeep.
Pagsakay namin ng jeep ay nag-abot ako ng pamasahe namin. Pagkatapos nga nun ay maya-maya pa ay may dumaan na mall. Pumara naman agad ako.
Pagpara ko ay bumaba rin kami agad ni Sophie. Pagbaba namin ay naglakad kami papalapit doon. Paglapit namin sa guard ay nagtanong ako, "Um, magtatanong lang po sana, malapit po ba dito yung sakayan ng bus?"
Napailing ang guard, "Naku, hindi eh, doon pa sa kabila." Napakunot ako ng noo, sabi ko, "Okay po, salamat." Lumapit ako kay Sophie habang nakakunot ang noo.
Hindi ko nag-gets masyado ang sinabi ng guard sakin. Sabi ko sa sarili ko, "Sa kabila?" Maya-maya pa ay ang sabi ko, "Tara, magtanong nag-uli tayo."
Maya-maya pa ay lumapit kami sa dalawang babaeng magkaibigan na naglalakad. Sabi ko, "Excuse me, miss, pwede po ba kami magtanong?" Dahan-dahan naman silang nagtanong habang nakakunot ng noo dahil sa pagtataka.
Sabi ko, "Dito po ba yung mall na may malapit na bus terminal?" Nagkatinginan silang dalawa at para bang napakunot ng noo. Matapos nun ay napatingin uli silang dalawa sakin. Sabi ng isang babae sakin, "Ah, hindi po, wala pong malapit na bus terminal dito."
Napakunot naman ako ng noo lalo nang marinig ko ang sinabi niya. Sabi ko, "Ah, g-ganun po ba? Pwede po bang itanong kung saang mall po yun?" Sabi ng babae, "Naku, hindi ko alam yun eh." Tanong niy sa kasama niya, "Alam mo ba kung saan yun? Kasi ang alam ko lang talaga, walang bus terminal malapit dito sa mall."
Sabi ng babaeng kasama niya, "Ah oo, tingin ko po sa kabilang mall na yun eh." Napatingin siya sakin at ang sabi niya, "Isa lang po talaga ang mall dito, kaya yung susunod na mall po ay sa may bandang Vigan na." Sabi ko, "S-sa Vigan?"
Tumango siya at ang sabi niya, "Yun po ang pagkaalam ko, kaya baka sumakay nalang uli kayo ng jeep para makapunta po doon at para makarating po sa bus terminal." Nang mag-gets ko ang sinabi niya ay yumuko ako at nagpasalamat. Sabi ko, "Ay sige, maraming salamat po."
Pagkatapos nun ay nagpatuloy na silang maglakad. Pag-alis nila ay napaharap ako kay Sophie. Sabi ko, "Tara, sasakay tayo ng jeep papuntang Vigan." Tumango naman siya nang sabihin ko yun.
Pagsakay namin ng jeep ay nagbayad uli ako ng pamasahe. Pagbayad ko ay ang sabi ko sa isip ko, "Naku, sana nga yun na nga ang lugar kung nasaan ang bus terminal." Pagkatapos nga nun matapos ng ilang saglit ay umandar na nga ng jeep ng mapuno na iyon ng pasahero.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin naman kami doon kaya pagbaba namin ay tinignan namin ang paligid. Pagkatapos nun ay naglakad kami papalapit ng mall. Pagpunta sa may harapan ng pintuan ng mall ay sinubukan naman namin magtanong sa mga nagkakalad doon.
Lumapit ako sa isang lalaki na may bit-bit na basket. Sabi ko, "Excuse me, kuya, magtatanong lang po, malapit lang po ba dito yung bus terminal?" Sabi niya, "Bus terminal?"
Tumango ako, sabi ko, "Opo." Sabi niya, "Ah oo, malapit lang dito yun." Medyo natuwa naman ako ng marinig ko ang sinabi niya.
Sabi ko, "Saan po ba banda yun?"
YOU ARE READING
BESIDE YOU
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...