CHAPTER 10

1 0 0
                                    

Pagkarating namin doon ay hinihingal kami sa sobrang pagod kaya nanatili kaming nakatayo doon. Mayamaya pa, habang nakatayo kami doon, sabi ko, "Nakarating tayo." Napatingin ako sa kanya at napatingin naman siya sa akin. 

Medyo napangiti siya nang bahagya nang sabihin ko yun. Pagkatapos nun, paglapit ko sa may bilihan ng ticket, sabi sa akin ng nagbebenta ng ticket doon, "Pasensiya na, pero wala nang ticket. Puno na yung bus." 

Napakunot ako ng noo at ang sabi ko, "Po? Ano pong ibig mong sabihin na wala na?" Tiningnan niya ako ng masama at ang sabi niya, "Wala nang ticket, meaning hindi ka na makakabili ng ticket kasi ubos na." Sabi ko, "Po?!" Mas lalo siyang napatingin ng masama sa akin, "Bingi ka ba? May dumi yata yang tenga mo eh. Sabi ko, wala na nga kasi ubos na yung ticket." 

Sabi ko, "Wala na po bang kasunod na bus o ruta papuntang Santiago City sa Isabela?" Sabi niya, "Wala na nga, yan na ang huling ruta para sa araw na ito. Bukas ng 6:00am ang kasunod na ruta kaya pumunta na lang kayo nang maaga bukas." Pagkasabi niya nun, wala na akong nagawa kundi tumabi sa isang gilid dahil sa may mga ibang tao pang bibili ng ticket para sa ibang ruta. 

Napatingin ako kay Sophie na nakatayo sa isang gilid habang nakatingin sa mga taong sumasakay ng bus. Medyo nalungkot ako lalo habang nakatingin sa kanya dahil hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako nakabili ng ticket. Sigurado ako na malulungkot din siya pag sinabi ko na sa kanya ang tungkol dun. 

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Paglapit ko, kinalabit ko siya. Pagkalabit ko sa kanya ay napalingon siya sa akin at napangiti. 

Napahawak ako sa batok ko at ang sabi ko, "Um, Sophie...." Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pagbaba ko ng kamay ko, sabi ko, "I'm sorry." 

Dahan-dahan siyang napakunot ng noo dahil sa pagtataka. Sabi ko, "I'm sorry kasi..." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, at nanatili naman din siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo, nagaantay sa sasabihin ko. 

Sabi ko, "Hindi ako nakabili ng ticket." Dahan-dahan nawala ang kunot sa noo niya nang marinig niya ang sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, at ako naman ay biglang nag-alala para kay Sophie. 

Nag-alala ako sa iisipin at mararamdaman ni Sophie dahil alam ko na magiging malungkot siya. Sabi ko, "Kasalanan ko 'to eh, kaya I'm sorry." Napayuko na lang ako pagkatapos kong sabihin yun. 

Habang nakayuko ako, nanatili naman akong nagiguilty. Nagiguilty ako dahil hindi ako nakabili ng ticket. Hindi ako nakabili ng ticket kaya kasalanan ko kung bakit hindi kami makakasakay ng bus papuntang Santiago City. 

Maya-maya pa, habang nakayuko, napansin ko na lang na may dahan-dahan na notebook na nakabungad papalapit sa akin. 

Pagtingin ko doon, binasa ko ang nakasulat: "Okay lang, hindi mo kasalanan kung bakit hindi tayo nakabili ng ticket kaya wag mong sisihin ang sarili mo."

Pagbasa ko doon, napaangat ako ng tingin kay Sophie. Pagtingin ko kay Sophie, napangiti siya sa akin. Hindi ako nakakibo dahil sa pagngiti niya sa akin. 

Sabi ko, "O-okay lang sa'yo? Okay lang sa'yo na wala tayong ticket kaya hindi tayo makakapunta doon ngayon?" Pagkasabi ko nun, dahan-dahan din siyang napatango sa akin. Pagkatango niya, nanatili rin naman akong nakatingin sa kanya dahil hindi ako makapaniwala. 

Hindi ako makapaniwala dahil akala ko magiging malungkot siya. Akala ko hindi magiging okay sa kanya yun. 

Bigla siyang nagsulat sa notebook niya at binasa ko naman agad iyon pagkatapos niya: "Ako nga dapat mag-sorry dahil ako ang may kasalanan kung bakit hindi tayo nakabili ng ticket. Kaya I'm sorry, sorry kung hindi tayo nakabili ng ticket dahil inaya pa kita maglibot-libot dito. Kung hindi dahil sa akin, baka nga nakabili tayo ng ticket." 

BESIDE YOUWhere stories live. Discover now