Habang nasa byahe ay nanatili akong tahimik at nakatingin sa cellphone ko. Nakita ko na ten percent lang ang battery nun. Pagtingin ko kay Sophie ay nakatingin lang siya sa may bintana.
Pagtingin ko sa kanya ay muli naman akong napatingin sa ibaba. Habang nakatingin sa ibaba ay mas lalo naman akong nag-alala dahil nga sa hindi ko pa na-update si Ms. Ricollejo. Maya-maya pa ay napansin nalang ako bigla ni Rino, "Okay ka lang, brad?"
Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ko siya. Nakita ko na tinitingnan ako ni Rino sa rearview mirror niya. Sabi ko, "A-ah, oo, okay lang naman."
Sabi niya, "Sure ka?" Napatingin ako kina Cleo at Sophie na napatingin din sa akin. Sabi ni Rino, "Pansin ko parang kanina ka pa tahimik at may iniisip."
Sabi ko, "Ah kasi..." Napatingin ako sa cellphone ko. Pagtingin ko sa cellphone ko ay napatingin uli ako sa direksyon ni Rino, sabi ko, "Um, ma-lolowbat na kasi ako, hindi ko na-charge yung cellphone ko kagabi kaya, pwede ba makicharge?"
Sabi ni Cleo, "Oo naman, Android ka ba?" Tumango ako at ang sabi ko, "Oo, thank you." Pag-abot ko ng cable ay agad ko naman na sinaksak yung cellphone ko dun.
Pagkatapos nun ay ang sabi sa akin ni Rino, "Yun lang pala, akala ko naman kung ano." Sabi ko, "Well kasi..." Napatingin ako kay Sophie.
Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko na nakatingin lang din siya sa akin. Sabi ko, pagtingin ko kay Sophie, "Hindi ako nakapag-update kay Ms. Ricollejo kagabi, yung mama ni Sophie." Napangiti si Cleo at ang sabi niya, "Ah, si Tita Amy?!"
Dahan-dahan na lang akong napatango nang sabihin niya yun sa akin. Sabi ni Cleo, "Namiss ko na si Tita Amy, sobrang bait kaya niya sa akin kahit noon pa lang nung nakatira pa kami ni mama at papa sa tapat ng bahay nila Sophie." Hindi ako nakaimik at nanatili lang na nakangiti.
Sabi ni Cleo, "Alam mo ba, nung una kami nagkakilala ni Sophie ay nung araw kung kailan bagong lipat lang kami sa lugar na yun, at kumatok si Tita Amy sa bahay namin para bigyan kami ng isang tupperware na punong-puno ng caldereta. Kaya nung pagkabigay nun ni Tita Amy kay mama ay pinakilala niya si Sophie na nahihiya at nagtatago sa tabi ni Tita Amy."
Napatingin ako kay Sophie, nakita ko na napahiya at napangiti si Sophie nang sabihin yun ni Cleo.
Sabi ni Cleo, "Kaya pagkatapos nun ay ipinakilala naman ako ni mama kay Tita Amy at Sophie. Kaya pagkatapos nun, tuwing pumupunta kami sa loob ng bahay nila Sophie para magkamustahan sina mama at Tita Amy, yun din naman ang time na naging mas close din kami ni Sophie." Napangiti siya kay Sophie pagsabi niya nun.
Sabi ni Cleo, "Kaya napapadalas din na maglaro o mag-bonding kami sa bahay ng isa't-isa. Diba Sophie?" Napangiti siya kay Sophie at napangiti naman pabalik si Sophie sa kanya. Dahan-dahan naman akong napapangiti para sa kanilang dalawa.
Mabuti pa kahit papaano ay mayroong naging kaibigan si Sophie kaysa sa akin. Ako kasi, well, sabihin na natin na meron naman akong nakakausap pero hindi rin naman sila nagtatagal. Kaya hindi ko rin naman masasabi kung naging kaibigan ko ba sila o kung naging kaibigan ba talaga nila ako.
Napatingin sa akin si Cleo at ang sabi niya, "Ikaw Gian? May mga kaibigan ka ba? Well, sa tingin ko naman, from your personality and being friendly, I'm sure marami kang kaibigan." Pagkasabi niya nun sa akin ay hindi naman ako nakaimik agad. Nang mapansin ko na para bang nag-aantay sila ni Cleo at Sophie ng sasabihin ko ay muli naman akong nagsalita.
Sabi ko, "Ah, wala, wala akong kaibigan eh." Pagkasabi ko nun ay dahan-dahan na lang nawala ang ngiti ni Cleo at dahan-dahan na lang na napakunot ng noo sa pagtataka. Sabi niya, "W-wala, n-ni isa wala?"
Tumango ako at ang sabi ko, "Oo, wala eh." Sabi ni Cleo, "A-ah, i-imposible naman, bakit naman wala? Mukhang mabait, matalino, matulungin, at understanding ka naman, kaya imposibleng wala kang kaibigan, noh." Sabi ko, "Um, well, thank you sa compliments pero... totoo ang sinasabi ko. Wala nga talaga akong kaibigan."
YOU ARE READING
BESIDE YOU
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...