Pagababa ko ng bag ko ay nagsuot na nga ako ng apron, boots, gloves at cap. Pagakatapos nun ay naglakad na nga ako pabalik kay Ms. RIcollejo para simulan na tumulong sa kanila.
Paglapit ko sa kanila, sabi ni Ms. Ricollejo, "Gian, pwede ikaw na muna magdilig ng mga halaman doon para masamahan mo na rin si Kuya Riko habang nag-trim ng shrubs at hedges? Maglilipat lang kami ng ibang halaman sa mga pots ni Sophie."
Sabi ko, "Ah, okay po." Pagkatapos nun, nagsimula na ako na kunin ang hose at magdilig kasama si Kuya Riko. Habang nag-trim siya, ako naman ay patuloy lang sa pagdidilig.
Maya-maya pa, bigla na lang nagsalita si Kuya, "Gian pala ang pangalan mo." Sabi ko, "Ah, opo." Sabi niya, "Matagal ka nang ganyan?"
Napakunot ako ng noo, sabi ko, "Po?" Sabi niya, "Ang ibig kong sabihin, matagal ka na bang ganyang matulungin?" Hindi ako nakakibo agad dahil sa sinabi niya.
Sabi niya, "Lagi kasi kita nakikita sa may hallway, nakikita ko na lagi kang may tinutulungan na magbuhat ng props sa gamit nila." Sabi ko, "Ah... ganun po ba?" Sabi niya, "Oo, kaya."
Hindi rin ako nakapagsalita dahil sa hiya at patuloy na lang akong nagtingin sa mga halaman habang nagdidilig. Habang patuloy pa rin kami sa ginagawa namin, sabi niya, "Naku, pagpatuloy mo lang 'yan."
Muli akong napatingin sa kanya, sabi niya, "Alam ko na yung ibang tao naisipin na baka pabida-bida ka dahil sa lagi ka nalang tumutulong sa ibang tao o kaya dahil sa ipinapakita mo kung ano ang mga kakayahan mong gawin. Pero kahit na ano man ang isipin ng ibang tao, hindi na mahalaga 'yun."
Napatigil siya at napatingin sa akin. Pagtingin niya sa akin, sabi niya, "Ang importante ay naging isa kang mabuting tao mula sa pagiging matulungin mo." Nginitian niya ako nang sabihin niya 'yun at hindi naman ako nakapagsalita ng sabihin niya 'yun.
Sabi niya, "Kasi alam mo ba, sa panahon ngayon, mahirap nang makakita ng isang taong matulungin. Maaaring kasi ang iba ay walang kakayahang tumulong dahil natatakot sila na baka magkamali sila, may mangyari silang masama, o dahil sa maloko sila. Pero sa totoo lang, hindi naman mangyayari 'yun kung alerto ka at may limit pa rin ang pakikipagtulong mo, dahil kapag nakakaramdam at alam mo na may hindi tama, alam mo na rin kung paano limitahin o itigil ang pagtulong mo, diba?"
Tumango ako nang sabihin niya 'yun, sabi niya, "Kaya, bilib nga ako sa'yo, bilib ako dahil sa alam mo kung ano ang kakayahan mo at alam mo kung hanggang saan lang ang kakayahan mo para tumulong." Nginitian niya uli ako nang sabihin niya 'yun. Dahan-dahan naman akong napangiti ng sabihin niya 'yun.
Pagkasabi niya 'nun, nagpatuloy siya na mag-trim uli. Sabi niya habang pinagpapatuloy 'yun, "Siguro panigurado tinutulungan mo mga kaibigan mo palagi kapag kailangan nila ng tulong."
Napatingin uli ako sa mga halaman at sabi ko, "Wala po akong kaibigan."
Nang sabihin ko 'yun, napatigil siya sa pag-trim niya at napatingin sa akin. Sabi niya, "Wala kang kaibigan?!" Napatingin din ako nang sabihin niya 'yun, sabi niya, "Eh... bakit wala kang kaibigan?"
Hindi naman ako nakakakibo nang tanungin niya ako. Maya-maya pa ay muli siyang nagsalita, sabi niya, "Dahil sa ayaw mo makipagkaibigan?" Sabi ko, "H-hindi po, hindi naman po dahil sa ayoko makipagkaibigan."
Sabi niya, "Kung ganun, dahil sa ayaw nila makipagkaibigan sa'yo?" Hindi naman ako nakakibo at napatingin ng paibaba. Sabi niya, "Ahhh, mukhang alam ko na kung bakit ayaw nila makipagkaibigan sa'yo."
Napanaangat ako ng tingin at ang sabi ko, "Bakit po?" Sabi niya, "Kasi ayaw nila sa matalino, mabait o matulungin, at gwapo tulad mo." Napangiti naman ako ng bahagya at napakunot ng noo nang sabihin niya ang salitang 'gwapo'.
YOU ARE READING
BESIDE YOU
Roman d'amourThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...