CHAPTER 18

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may narinig akong nagluluto at may bumubulong. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Pagbangon at habang nanatiling nakaupo ako ay nakita ko si Cleo at Sophie na nagluluto sa may kusina. 

Kahit na hindi pa gaano bukas ang mga mata ko ay bigla na lang ito bumukas nang tuluyan nang makita ko sila, lalo na nang makita ko si Sophie. 

Nang lumaki ang pagkakabukas ng mga mata ko ay nagsimula nang magsulat si Sophie sa whiteboard niya na bigla na lang niyang kinuha mula sa lamesa at binasa ko naman iyon: "Good morning, sorry kung nagising ka namin." 

Pagbasa ko noon ay napapunas ako sa mata ko at agad na bumangon mula sa pagkakaupo. Sabi ko, "A-ah, h-hindi ah. Pagising naman na talaga ako eh." Nagulat silang dalawa nang bigla at agad-agad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo. 

Hindi silang dalawa nakakibo at nanatili lang na nakatingin sakin. Sabi ko pagtayo ko, "Um, maghihilamos... ako." Pagkuha ko ng towel at toothbrush ko ay agad na akong dumiretso sa loob ng banyo para maghilamos at magtoothbrush. 

Pagpasok ko sa loob ng banyo ay ang sabi ko sa sarili ko sa mahina na boses, "Ano ba yan, nakita ka niya, kailangan gwapo ka, gwapo ka dapat o kahit paano dapat maayos itsura mo." Pagkahilamos at pagtoothbrush ko naman ay sinubukan kong ayusin ang buhok sa salamin. Pagkatapos noon ay paglabas ko ng banyo ay napatingin at napalingon naman sila sa direksyon ko. 

Sabi ni Cleo, "Aba, gwapo ah." Habang naglalakad ako papalapit sa bag ko ay nanatili lang akong tahimik at napahiya na lang ako sa sinabi ni Cleo. Pag-ayos ko ng gamit sa bag ko ay paglingon ko uli ay nakita kong nanatiling nakatingin sakin si Sophie. 

Napahiya naman ako nang makita siyang nakatingin sakin. Nang titigan ko naman siya pabalik ay dahan-dahan na lang niya akong nginitian. Kaya naman nang makita ko siyang ngumiti sa akin ay dahan-dahan na lang din akong napangiti pabalik sa kanya. 

Lumapit ako sa kanila at ang sabi ko, "Um, tulungan ko na kayo." Sabi ni Cleo, "Ah, sige, okay lang. Patapos na rin kami eh. Pakitulungan na lang si Sophie maghanda ng mga plato, spoon and fork, at iba pang gagamitin natin sa pagkain." 

Tumango ako at ang sabi ko, "Okay." Nang lapitan ko si Sophie ay ibinigay niya sakin ang apat na plato. Pagkuha ko noon ay siya naman ang may hawak ng mga spoon and fork. 

Paglapit namin sa may lamesa ay agad ko namang inilapag ang mga plato sa bawat pwesto. Paglapag ko ng mga plato ay inilagay naman doon sa may plato ni Sophie ang mga spoon and fork. Nakalagay na ang mga baso doon kaya medyo okay na ang lahat. 

Pagkatapos noon ay ang sabi ni Cleo, "Okay, ito na ang eggs, bacon, and tapa for breakfast. Ah Gian, pakikuha yung fried rice sa may tabi ng kalan." Pagkuha ko ng plato na may fried rice ay inilapag ko naman iyon sa may lamesa sa tabi ng plato ng mga ulam na inilapag ni Cleo. Maya-maya pa ay sakto na nagising na rin si Rino kaya paglabas niya mula sa kwarto ay ang sabi ni Cleo, "Hay naku, buti nagising na rin ang prinsipe." 

Naghikab si Rino at habang naghihikab ay nag-stretching siya. Paglapit ni Cleo kay Rino ay kiniss niya si Rino sa may cheeks. Sabi ni Cleo sa kanya, "Good morning." 

Nginitian siya ni Cleo pagsabi niya noon kaya ngumiti naman siya pabalik kay Cleo, sabi ni Rino, "Good morning." Maya-maya pa ay bigla na lang hinampas ni Cleo si Rino sa braso. Nanlaki ang mata ni Rino sa gulat nang hampasin siya ni Cleo sa may braso niya. 

Pati rin kami ni Sophie ay nagulat nang makita iyon. Sabi ni Rino, "Aray! Bakit mo 'ko hinampas, labby?" Sumimangot si Cleo at ang sabi niya, "Bakit sa sofa mo pinatulog si Gian? Hindi mo ba alam na malamig dito sa may sala?" 

Sabi ni Rino, "Ah-eh, sabi niya sa sofa na lang daw siya matutulog eh." Hinampas uli ni Cleo ang braso ni Rino at ang sabi niya, "Pumayag ka naman." 

Sabi ni Rino, "Aray ko! Sinabi ko naman nung una kay Gian na sa kwarto na siya sa kama matulog eh. Eh nung tinanong niya kung saan ako matutulog at nung sinabi ko sa sahig ay hindi siya pumayag na sa sahig ako matulog. Kaya ang sinabi niya sakin na sa kama na lang ako matulog at doon na lang siya matutulog sa sofa." 

BESIDE YOUWhere stories live. Discover now