Kabanata 7

272 17 0
                                    


Kabanata 7
         -Familiar

Tapos na ang lahat ng klase ko, pakiramdam ko ay sobrang haba ng araw na ito. Maraming nagchi-chismisan about sa akin, maraming nang iinis lalo na ang nangungulit.

"Elica!"

Nagmadali ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya, dumiretso ako sa may parking ng school at hinanap ang van. Thanks Kuya Marlon nanjan kana!

Agad akong sumakay at pinaandar nag van. I want to escape from him! Kahit ngayong pauwi man lang!

"Miss Elica, sino iyon?"

"Si Ken kuya, kaklase ko."

"Uyy si Miss mayroon nang nanliligaw first day palang niya sa PhilIns." Tukso ni Kuya Marlon.

I rolled my eyes, "well, he's not that special you know."

"Pero Miss parang nakita kona siya. Pamilyar eh."

"Baka lang sa mga tambay tambay sa mga may kanto?"

Hindi ako sinagot ni Kuya Marlon, I felt my phone beeped kaya kinuha ko ito. Text from Prince, pinatay ko ang cellphone ko dahil ayokong makausap siya. Wala akong alam kung siya nga ba ang nagsumbong sa akin or not. I just don't want to talk to him.

Then, a text from Ari came. Agad ko iyong binuksan at binasa.

Ariadne:

How are you, Eli? We miss you already! Ano bang nangyari at bigla kanalang umalis? Kalat sa school na you got kicked out!

Alam kong iyon ang iisipin ng iba. Ayoko na ring magpakita sa B.E.U dahil alam kong papahiya lang ako ni Haina. Damn that woman! She's a fake!

Ako:

Sorry Ari, mahabang kwento eh. Ikukwento ko nalang sainyo ni Lyra kapag nagka freetime tayo okay?

Hindi na nagreply si Ari pagkatapos, ibinalik ko ang cellphone sa bag at saka nag lean sa may bintana.

"Miss Eli."

Napamulat ako ng mata nang tawagin ako ni Kuya Marlon, nasa bahay na pala kami. Sobrang bigat ng katawan ko, hindi ko alam kung anong nakapatong sa akin pero gusto ko nang magpahinga. Buti nalang at walang assignment.

"Gosh honey! What happened?!" Patakbong sinalubong ako ni Mama. Nandito na sila? So early huh.

"I'm okay, Ma. I need to rest, I'm tired."

"Di ka kakain ng dinner?"

"Hindi napo, I'm full."

Hinatid nila ako sa kwarto, ipinasok ko sa cabinet ang bag ko at ipinasok sa lalagyan ng maruming damit ang mga suot ko bago magpalit ng pantulog sa may closet. Humiga ako at nakatulog na.

The next day, I feel so full! Kaya naman maaga akong nagpahatid kay Kuya Marlon sa school. Nabasa ko ang text ni Ari kagabi na pupuntahan nila ako bago sila pumasok sa B.E.U.

Paglabas ko nang van ay nagpaalam at nagpasalamat ako kay Kuya Marlon. Dumiretso ako sa may canteen kung saan sila nakaupo, pinagtitinginan sila ng mga tao dito dahil hindi sila taga rito.

"Ari! Lyra!"

"Eli!" Sabay nilang bati.

Yinakap ko sila at sumimangot gosh! I missed this two! Namiss kona tuloy pumasok sa B.E.U.

"Ano bang nangyari, why are you here?" Tanong ni Lyra na nataas ang kilay.

"Well, my father punished me kaya ako pinatapon dito. Alam mona, dahil daw sa pagiging playgirl ko."

"Bakit kasi hiniwalayan mopa si Gio. Matino naman siya ah?" si Ari.

"Ari, parang hindi mo maintindihan naman yang si Eli. Every week papakit palit ng boyfriend!"

"Lyra!" Suway ko at nagpalinga linga sa paligid. Buti nalang talaga at walang malapit sa amin.

"Nako nako, Elica. Magtino kana dito para sa college ay bumalik kana doon!"

"Saan siya babalik?" Napatingin kami sa bagong dating lang na lalaki. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko.

"Excuse me?" Ani Lyra.

"Sorry, nakita ko kasi si Elica na nandito kaya tumuloy na ako. Mind me to join you?"

"Sure, Eli will be happy." Si Ariadne.

"Eli?"

"Yeah, yun yung tawag namin sakaniya." Ang dadaldal!

"Oh! Haha, well lalong gumanda. Diba Miss Maganda na Masungit?"

"Masungit?" Sabay na tanong ng dalawa

"Yeah, ang sungit sungit niyan buti nalang bumait noong nilibre ko." The hell!

Kinuha ko ang wallet ko at inabutan siya ng sikwenta pesos. Tinaasan niya ako ng kilay.

"I thought..."

"Me too".

"Guys stop. It's not what you think--"

Napahilot ako sa sintido ko nang parehog naghagikgikan ang dalawa, what the hell Ken! Tinignan ko siya ng masama kaya ngumiti siya sa akin.

"What? Totoo namang ang sungit sungit mo ah. Nag Hi ako sayo kahapon noong unang kita natin tapos di mo ako pinapansin."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumawag sa phone niya. Nag excuse siya at sinagot ito. Nang makalayo na siya ay sinugod ako ng dalawa.

"He's hot, Eli!"

"What is his name?"

"Ken."

"Ken what?"

"Ken Sarmiento? I'm not sure. Why?"

"He seems familiar."

"Yeah, he is. Di ko lang alam saan ko siya nakita."

Gulat akong tumingin sakanila, pareho sila ng sinasabi ni Kuya Marlon. Familiar ba talaga siya? Bakit parang di ko pa siya nakita noon?


----------
maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon