Kabanata 26

186 11 0
                                    

Kabanata 26- Talk

I don't even know how can I stand with this kind of situation. Kung sabagay, I never told anyone about my real feelings. It's just that, I choosed my dreams over heart. Mali ba ako sa naging desisyon kong ito?

"Huy, nilalangaw na ang pagkain mo." Napabalik ako sa realidad nang sitahin ako ni Andrew. I weakly smiled at him.

"May problema ba, Elica?" Asked Mael. Agad akong umiling.

Halos hindi ako makatulog kagabi sa balitang nakarating sa akin. Deserve ko ba to? Siguro, kasi mataas ang pangarap ko. Pero, tama naman siguro ang katagang 'Chase your Dreams' hindi ba?

"Eligator, darating pala dito ang pinsan ko. She wanted to know you, alam mona." Sabay tingin kay Mael.

"Kailan?"

"Maybe tomorrow."

Dumiretso na kami sa mga klase namin, at buong araw nanaman akong nababagot. Maybe I should get used to this. Yun lang, medyo masaya kahit boring. Marami narin akong natutunan sa iilang mga quarters ng taon, unlike nitong mga nauna parang napag aralan na lahat.

I must say, we shouldn't judge a school without knowing what is the quality of education they can provide to us. Philippine Institute never disappoint me, kahit public school lang they have given the best quality of education I need. Indeed.

Nagkaroon bigla ng announcement at sinabing we need to go home na, so means halfday lang. Nagsabay na kaming umuwing tatlo, ewan ko ba bakit kasama pa si Mael.

"Anong klaseng doctor ka ba, Ysmael?" Tanong ni Andrew.

"Cardiologist, why?"

"Bakit hindi mo tignan ang puso ni Elica nang malaman mo kung anong nilalaman." Aniya at humalakhak.

I rolled my eyes unto him, I opened the house at iniwan silang dalawa sa labas. I reviewed my notes dahil malapit lapit na rin ang aming finals.

Time flies really fast, kaya siguro nakuha na niya akong kalimutan. Ilang taon na nga rin pala magmula nang huli kaming magkita? 6? 7? I don't really know.

At night, as usual tatawag sakin nina Mama at Papa o kaya'y sina Jely- our group call. Medyo naging mailap na si Lyra sakin, now I know why. Di ko nga lang alam kung alam niya ba na alam ko na.

"Elica! I already recieved your package! I really love this one! Thank you!" Si Ariadne, I gave her some throw pillows with her favorite Harry Potter face on it.

"Ako! Dapat kinahon mo na din si Harry!" Ani Jely.

Nagbangayan pa nga sila ni Ange dahil doon.

"Hey Lyra, tahimik mo ah. What's wrong?" I asked.

She looked very shocked.

"A-Ah, wala naman Eli. How are... you."

"I'm doing great, sana kayo din."

Our conversation went on and on hanggang sa matutulog na daw sila dahil late night na raw. I feel very exhausted, hindi ko alam kung anong ginawa ko't napagod akong ganito.

"Come on, Eli! It's just a dinner!"

Kanina pa ako pinipilit ni Andrew na sumama sa dinner time with his cousin daw. Pumayag na si Ysmael kaya ako na lang ang kinukulit niya.

"My parents will call me at home."

"Then bring your fcking phone!"

He's really pissed, ngayon ko lang ulit siyang nakitang naiinis ng ganito. What's so important about that dinner? Makikilala ko din ang pinsan niya!

"Come on Elica, we are here to guard you by the way. No harm, I promise." si Mael.

Our day at school is very fine! We are like high school students who wishes to passed this degree so that we can go away from school. Inaantok pa ako pero sabi sakin ni Andrew ay sa may T.I.A nanaman daw kami kakain.

I ordered the same tulad ng huling beses namin dito, at ang bunganga ni Andrew hindi mahinto naikwento niya lahat ng iyon kay Ysmael.

Napapatingin sa akin si Mael at napangisi, so pervert looking ew! I mentally rolled my eyes against them.

"Andrew! Yaahhh!"

Nagulat kami nang may biglang yumakap kay Andrew! What the hell?

"Hey, Maru! Tigilan mo nga ako!"

"Sila ba ang friends mo? So rude of you, di mo man sinabi na ang babait nila!" I raised my brow, pano nasabing mababait if di pa nakasama?

"Ah, this is my cousin Maru. Maru si Ysmael, at si Elica."

"Hi!" I almost puke when I saw his puppy eyes on Ysmael! Gosh! Why is he like that?

"H-Hello, M-Maru." Kinakabahang bati ni Ysmael, napatingin ito sa akin na tila naghihingi ng tulong.

"Hey Maru..." napatingin siya sakin. "... Maru at day, Mary at night?" I asked.

He rolled his eyes, "ofcourse not! It's 'Mara'. Mara everyday!"

Now, I should call 'her'.

I excused myself para magpunta sa may harapan ng kahera at pumili ng makakain, ayoko din naman sa lugar nila umorder dahil masaya pa silang nagkukwentuhan.

I almost freeze when I touched someone hand. Oh no, unti-unti akong nag angat ng tingin sakaniya. All memories from the past immediately popped in my visions. The moments that I'd cherish, na ibinaul ko narin sa hypotalamus ko.

"So, you're really here. Masaya kana ba sa pangarap mo?" His cold baritone voice made me aquizer.

Hindi ako makasagot sa tanong niya, katapos ba ng ilang taon ng di namin pagkikita makikita ko siya ditong napaka ayos ng suot? Tinangggap na ba siya pabalik ng mga Sarmiento? Where's Lyra? Is this the reason bakit tahimik siya kagabi? Dahil alam niyang may posibilidad na magkita kami ni?

"Shocked? Don't worry, I'm not here for you. I came here for business. So stop assuming things, if you really are."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, kahit umorder na siya ay hindi parin mawala ang paningin ko sakaniya. He looked very matured right now, napakarami ng ipinagbago niya. From the build of his body, to his face and his curves. I am damn speechless.

Akmang aalis na siya nang mahigit ko ang sleeve ng suot niya, alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon pero...

"C-Can we....uh.... talk?"

----

maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon