Kabanata 11
-Partner"Okay class, so today na-approve ang proposal ng school natin sa gaganaping one of the biggest event!" Sambit ng guro namin.
Nagsimula nang maghagikgikan at magbulong-bulungan ang iba, nilingon ko ang katabi kong wala ngayon. Wala pa akong balita sakaniya magmula kagabi. What happened to him? Ni hindi man ako nakapagpasalamat sa ginawa niya.
"Okay class, you need to choose your partner if ever na sasama kayo. This is fun! We thought that faculty teachers only but they approved that pati students ay pwedeng sumama!"
"Uy Elica, sinong kapartner mo?" tanong ni Jely.
"Uh wala pa eh."
"Ano kaba naman Jely, syempre si Ken ang partner nya! Bagay naman sila diba." Si Ange
"Uy, di naman." ani ko.
"Hindi daw! Pa humble kapa! Pero ingat ka ah, maraming babae yang si Ken."
Ngumiti ako sakanila ng tipid bago ibinalik sa labas ng bintana ang paningin ko, maraming nagkukumpulan sa labas at ang ilan ay tumatalon-talon pa. Nagsipuntahan naman ang mga kaklase ko sa bintana para din makita ang kaganapan sa ground floor. Nasa 3rd floor kasi ang room namin kaya kailangan pa naming dumungaw.
Binuksan nila ang mga bintana at nakibalita sa nangyayari. Nagkibit balikat ako at ibinaling ang atensyon sa cellphone ko. Naglaro ako ng temple run, ng 4 pics 1 word, ng Superbrain etc.
"Omg! Si Kenny!"
Isinalpak ko ang airpods sa tainga ko, wala din naman akong pakialam sa nangyayari. Pumikit ako at nakinig sa musika. I am melophile by the way.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay sa akin na nakatingin ang mga kaklase ko, nagtaas ako ng kilay at tinanggal ang isang airpods mula sa aking tainga.
"Eli! Look at your window!"
Lumingon ako sa ibaba, naka form ng puso ang mga nakita kong nagtitilian at nakikisosyo kanina. Nasa gitna nila si Ken! What the! Pumasok siya?
Napatayo ako sa kinauupuan ko at dumungaw sa bintana. Lahat ay nakatuon sa aming dalawa. Hinawakan ni Ken ang hawak nitong mic at biglang nagsalita.
"Para po ang lahat ng mga ito kay Miss Elica, di ko man alam ang buong pangalan niya pero alam ko naman ang buong pagkatao niya. Gusto ko lang sana kitang matanong, Eli. Pwede bang maging partner mo sa event?"
Nagsitilian ang buong nasa campus sabay ng pagkatok ng sa pintuan ng room, napatingin kaming lahat doon. Pumasok ang isang lalaking nagde-deliver ng mga bulaklak, chocolates at teddy bear. Luh!
"Hope you like it." Dinig kong sambit niya. Gosh! He's making a scene!
"Ano Eli? Pwede ba akong makapartner mo sa event tomorrow?"
Lahat ay natahimik at naghihintay ng isasagot ko, hinawakan ni Jely ang balikat ko ay bumulong,
"First time niyang gawin iyan, Elica. Kinakabahan yan."
Natawa ako sa sinabi niya, pero hindi ko parin sinasagot ang tanong nito. Ibinaba ko ang mga ibinigay sa akin at dumungaw ng muli sa kaniya sa baba.
"Oo na."
Naghiyawan ang mga tao doon at dito ang ilan ay pinagyuyugyog pa ako. Masaya sila sa nangyari. Is it really the first time that Ken did it just for a girl?
I know he's not that kind of a man na mayaman at maraming pera, he's not that kind of a man na ma effort kasi alam ko sakaniya ay kuripot at matipid. But now, I can't still believe for his surprises. I can't still...believe.
----------
maesthete
BINABASA MO ANG
Elica
RomanceElica is a spoiled woman, she gets what she wants. Laki siya sa luho dahil sa kayamanan ng kaniyang pamilya. She indeed buys everything kahit hindi niya kailangan, plus the fact na palagi siyang papalit palit ng boyfriend. When her father knew what...