Kabanata 4

350 19 1
                                    


Kabanata 4
       -Hellcome

Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto, ganon ding ang hindi kumain. Ayokong makita si Papa ngayon, kahit na gusto kong sabihin ni Mama kay Papa na ssna magbago pa ang desisyon nito ay wala rin. Desisyon ni Papa, desisyon ni Mama.

I recieved some texts from Prince, Lyra and Ari. Tinatanong bakit hindi ako pumasok pero hindi ko sila nireplyan.

I opened my facebook account and some anonymous account tagged me in a photo. And that photo is when Prince' and I hugging each other. The caption says, 'the bitch who never be contented'. Maraming mga bash ang nakuha ko pero nawalan na ako ng pake, this isn't the first time.

Sa sobrang lungkot ay nakatulog ako, nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Then I saw a pair of uniform on my closet, are they really serious about this?

Pumasok na ako sa banyo ng kwarto at isinuot ang uniform ng B.E.U, bumaba na ako sa kusina upang mag almusal. Nagulat ako nang nakitang naroon sina Mama at Papa na usually wala.

"Goodmorning honey!" si Mama.

Tumingin ako kay Papa na ngayon ay pinagmasdan ang suot ko. Nagtaas ito ng kilay at uminom ng kape.

"Why are you wearing your old uniform? You need to change!"

"Pa! Ayoko sa public school! Ayoko doon marumi doon at---"

"What the hell, Elica! Go on and change! Baka magbago ang isip ko't di na kita pag aralin!"

"Tama na hon, ang aga aga."

Padabog akong bumalik sa kwarto, alam kong tinawag ako ni Papa pero di kona sila binalikan, ang uniform na ito ay medyo hawig sa B.E.U kaya lang ang logo ay nasa kaliwang vest samantalang ang uniform ng B.E.U ay nasa necktie.

Nang isinuot ko ito, mukha akong mag a-apply sa catering kainis! Ipinusod ko ng braid ang buhok ko at inayos ang medyo maikling palda nito.

"Kuya Marlon, halika na."

Di na ako kumain ng almusal at nagpahatid nang agad kay Kuya Marlon, buong byahe akong di umimik kay Kuya na di ko naman gawain dati.

Tumigil ang van sa isang malaking paaralan, na may mataas na gate. Ipinasok  ni Kuya Marlon ang van at bumungad sa amin ang naglalakihang building na may 3rd floor. But still, B.E.U has 5 building floors.

"Miss Eli, bagay nyo po ang suot niyo."

"Kuya Marlon naman, bakit nyo masabing nagmumukha akong nag ca-cater dito?"

Natawa siya at lumabas na sa van, pinagbuksan niya ako ng pinto at agad akong bumaba. Pinagmamasdan ko ang paligid, medyo maingay at crowded.

"Nga pala Ms. Eli, pinabibigay ng Papa mo. Nanjan na daw po ang seksyon at schedule nyo."

Kinuha ko ang isang papel at ibinulsa iyon. Umalis na si Kuya Marlon kaya heto ako ngayon, parang alien na naliligaw sa earth.

Nakita ko ang section ko, ay agad kong binuksan ang pintuan. Nakita ko ang mga estudyanteng nagtatawanan, kwentuhan etc. na may iba't ibang business sa buhay. Lahat sila ay napatingin sa gawi ko, inikot ko ang paningin sa kwarto at tumingin uli sa papel na hawak ko. Nice, and now we don't have aircon.

Umupo ako sa pinakadulong upuan malapit sa bintana, ang iilan ay nagbubulungan na at ang ilan ay di parin maalis ang mata sa akin, ngayon lang ba sila nakakita ng artista? Psh, so poor.

Ilang minuto ang nagdaan at nag bell na. Isa-isa nang nagsiupo ang mga kaklase ko right now at bumukas ang pintuan, isang lalaking teacher ang dumating.

"Goodmorning class."

"Goodmorning Sir Errick."

"Take your sit, and for today to have a formal introduction may I call on Ms. Elica?"

Bumaling ang tingin ko sakaniya magmula sa bintana hanggang sa harap. Tumingin silang lahat sa akin at sinundan ako ng tingin hanggang sa harap.

"My name is Elica Jane P. Mallari, nice to meet ya'll."

Iyon lang ang sinabi ko at bahagyang nag bow at bumalik sa upuan. Ilang sandali lang ay bumukas uli ang pintuan at isang lalaki ang pumasok.

"Mr. Sarmiento, why are you late?"

"Sorry Sir, hinarang po kasi nung guard yung sinasakyan namin dahil wala pong sticker."

"Okay, go on take your seat."

Bigla itong tumingin sa gawi ko, oh! Sakaniya ba ang pwesto na ito? Akmang tatayo na ako nang bigla itong dumiretso sa tapat ko at umupo sa may tabi ko.

"Hi." Aniya sakin. Di ko siya pinansin, I know I played boys before but hello? Iyon ang dahilan kung bakit nailipat ako dito sa pipitsuging public school.

"Sungit mo naman, Miss." Aniya pa. Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Alam mo dude, nandito ka sa school para mag-aral hindi para lumandi."

Medyo sarili ko ang natamaan sa mismong sinabi, well kahit namab lumalandi ako noon sa B.E.U ay nagaaral ako ng mabuti.

"Whoah, chill. Nakikipag friends lang, bago ka rito ano?"

Di ko siya sinagot, ilang beses niya pa akong kinulit pero di ko siya pinapansin.

Free time namin ng 20 minutes kaya lumabas ako ng room para sana magpunta sa may garden, nagbabakasakaling mabango dito dahil puno ng bulaklak.

"Look oh! Yung malanding maarteng transferee nandito."

Nagdire-diretso ako sa paglalakad nang hindi sila pinapansin. I don't want to fight with this people.

"Hey di pa kami tapos!"

Hinila niya ang mahabang braided kong buhok, at napaharap ako sakanila dahil doon. Wanna fight stupid morons?

"Pag kinakausap ka, huwang kang tatalikod basta. Baka nakakalimutan mong bago ka lang dito!"

Tinignan ko siya ng blangko, ano ngayon kung bago lang ako? Psh.

"Hindi mo naman ako kinakausap, actually hindi naman ako natatamaan sa mga sinasabi niyo if ever na ako man iyon. And please, wag nyong ipakita sa akin ang ugali niyong basahan. Kaya nasisira ang mga public schools dahil sa mga bacteriang tulad mo."

Nagkaroon ng mga iba't ibang reaksyon sa paligid, marami na palang nanonood sa amin. Akalain mo iyon, hanggang dito sa public school dala dala ko parin ang pagiging center of attraction.

"And by the way, thanks for your hellcome. I appreciate it." Sambit ko bago naglakad palayo.


-----------
maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon