Kabanata 5

309 19 3
                                    


Kabanata 5
        -Ken

Pagkatapos ng eksena kanina, nagngingisian na ang mga tao sa hallway sa akin. Ang bilis naman pala ng chismis dito sa school na ito. PhilIns will always be updated sa mga nangyayari.

Dumiretso ako sa canteen nila at kailangang pumila pa. Nang makarating ako ay pumili ako ng mga gusto ko.

"Chocolate sundae, isang burger and spaghetti please."

"Sorry ah, pero wala po tayo sa Jollibee."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, how come na wala sila nito? What kind of canteen is this?

"Anong available nyong foods?" I asked.

"Mayroon kaming mga curls, softdrinks, candies and biscuits."

Namilog ang mga mata ko nang makita ang mga itinuro niya, ganoon ba kahirap ang mga public school? At sinabi pa niyang wala ako sa jollibee? Tsk.

"Okay limang cream-o, dalawang piatos at isang mountain dew." Sabay abot sa isang libong pera.

"Wala kabang barya jan? Wala kaming panukli eh."

"Well, di ko bibigay naman siguro ito kung mayroon diba?" Mataray kong tanong. I really hate public schools!

Kinuha nya ito at sinuklian ako ng purong barya. What the hell! Magpo-protesta sana ako nang may nag-abot ng limang daang pera sa kahera.

"Miss ako na magbabayad sa kinuha niya." Sambit nito. Nakita ko ang katabi ko kanina sa room na nagbabayad ng pinamili ko.

"Hindi miss ako na, ako ang bumibili hindi ikaw okay? So binili ko, babayaran ko."

"Pero walang barya ang nagtitinda, kaya pagsamahin nalang ang kukunin namin miss."

Magpo-protesta pa sana ako kaya lang nagtaas ito ng kilay sa akin, inirapan ko siya at binalik sa akin ng tindera ang pera ko.

Nang matapos na siya ay sinabayan ako papunta sa isang dulong bahagi ng canteen.

"Look, babayaran kita kapag nagka barya ako---"

"No need Ms. Maganda na masungit, basta pansinin mo lang ako palagi okay?" Kumindat ito, napangiwi ako dahil nandidiri ang sistema ko kapag kinikindatan ako.

Nagsimula na akong kumain at ganon din siya nguni't nakikita ko sa vision ko na nakatingin ito sa akin.

"Quit staring." Ani ko.

"Yeah yeah sure. By the way, akala mo ba talaga ay nasa jollibee ka kanina?" Natatawa niyang tanong.

I rolled my eyes, "no."

"Then why did you ordered Chocolate Sundae, Burger and spaghetti?"

"Because that's what I used to eat in school."

"You came from private school?" He asked. I nodded. "That explains why you are so very maarte."

I looked at him and sighed. Ayoko nang makipagbangayan, miss kona sina Ari at Lyra! Gosh! I want to meet them!

"Wow! You have Iphone 11 pro max?" Tanong niya, seriously? Ngayon lang ba siya nakakita ng ganito?

"Yeah."

"Dapat mong itago yan kung ayaw mong ma snatch." I nodded.

I texted them that I transferred to another school, and they didn't reply to me. Ayokong kausapin si Prince dahil baka siya nga ang nagsumbong kay Papa dahil ayokong makipag balikan kay Gio na barkada niya.

"Wait, is that the Gucci bag na latest?" He pointed at my bag.

"Well, yes. Binili ko ito, 2 days ago? I guess?"

"Wow! Kung 2 days ago edi sa mismong launch niya doon mo siya binili, is that limited edition?" Tanong ng nasa gilid namin. Tumango ako sakaniya dahilan upang lumapit siya sa table namin.

"Gusto ko rin ng ganiyan pero wala kaming pera, so hanggang sa replika na muna."

Binalik ko sa bag ang phone ko at tumayo na, may klase pa akong naghihintay.

"Wait, my name is Ken. Ikaw? Actually kanina kopa gustong itanong."

"So, nilibre mo ba ang pagkain ko kanina para malaman ang pangalan ko? Akala ko ba para pansinin lang kita? Kung iyan lang babayaran kona."

"Sungit mo naman, pano tayo magiging friends niyan."

"Ang sabi mo pansinin lang kita, hindi mo sinabing para malaman ang name ko at makipag friends sa akin."

"So need ba ulit kitang ilibre para malaman ang name at makipag friends sayo?"

Ngumiti ako ng tipid sakaniya, "well, may sariling pera naman ako. No thanks."

Nilagpasan ko na siya at lumiko sa kabilang hallway. Damn that Ken! Masyadong malapit wala ba siyang ibang mga kaibigan? Ang clingy niya ah.


-----------
maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon