Kabanata 10

255 15 1
                                    


Kabanata 10
         -Explanation

Hindi parin ako makapaniwala na si Ken ang lalaking nanghila sakin noong isang gabi. Does he know something na ako si Elica back then?

"Miss, iuuwi na kita sainyo para matulungan ko si Kuya."

Inihatid niya ako sa tapat ng gate at ngumiti sa akin, aalis na sana siya nang matanong ko.

"A-Anong pangalan mo?"

"Ako si Kali, bunso nina Kuya Ken. Alis na ako ha!"

Nang makaalis na siya ay lumabas si Kuya Marlon mula sa gate at tinulungan akong magbitbit ng mga pinamili ko. Hindi ako mapakali dahil alam ko kung anong kayang gawin nins Aeron! Damn!

"Kuya Marlon? Samahan po sa may kanto natin."

"Huh? Anong gagawin natin doon, Miss?"

"Basta! Tara na!"

Nang makaalis sa bahay ay agad kaming tumakbo papuntang kanto. Wala na akong naabutan doon, malinis na ang kalsada kaya naglakad lakad pa ako. Wala talaga.

"Miss, ano pong gagawin natin dito? Mabuti po bumalik na tayo sa bahay."

Huminga akong malalim at tumango kay Kuya Marlon. Bumalik na kami sa bahay, ano kayang nangyari kina Ken at Kali? Ayos lang kaya sila?

Binuksan ko ang facebook ko at chinat ko si Ken.

Ako:

Ken! Nakauwi kanaba? Anong nangyari kina Aeron? Nasaktan kaba o ano?

Walang reply galing sakaniya ang natanggap ko. The fudge! I'm really worried!

"Miss?" Katok ng isa sa mga maids namin. Inayos ko ang sarili ko at pinapasok siya. "Nandito po si Sir Prince."

"Pakisabi, busy ako."

"Pero Miss---"

"I said, I'm busy!"

Lumabas na siya ng kwarto, ayokong makipag usap kay Prince ngayon. Dagdag pa siya sa iniisip ko .

Ilang minuto pa ay may kumatok uli sa pintuan, sa sobrang inis ko ay sumigaw na ako.

"I said I'm fcking busy!"

"Busy doing what?" Linuwal ng pinto si Prince na nakapang school uniform parin. Hindi ko siya pinansin at nag-abang nalang sa magiging reply ni Ken.

"You are ignoring me days ago. What's the matter?"

"Matter occupies space and has mass." I sarcasticly said.

"Come on, Eli. Di ka ganito. Anong nangyari?"

Inis kong nilapag ang cellphone sa may side table, wala akong pake kung mabasag iyon o hindi.

"Nakakainis ka alam mo ba iyon?! Ikaw ba ang nagsumbong kay Papa na nanlalalake ako? Bakit? Para makipagbalikan uli ako kay Gio? Di ko type ang barkada mo Prince! I didn't feel any romantic feelings against him! Damn!"

He chuckled, "Did you think na ako nagsumbong sayo?"

"Yes." Matapang kong sagot.

"It's not me." Sagot nito. "It's Aeron. He was listening to us, and he's the one who spread our picture." Lalong umigting ang galit sa akin laban kay Aeron. What the heck?!

"S-Sorry." Nasambit ko dito

"So you are now in PhilIns? Enemy naba dapat ang ituring ko sayo? You are great in memorization, Eli." aniya.

I didn't know what to do. I sighed, naglakad siya palapit sa akin at umupo sa may kama ko.

"I heard you're dating someone named Ken?" He chuckled again.

"Kainis ka! Natatawa kapa non? And we are not dating!"

"Yeah, I see. You're not that kind of woman."

Pinalo ko siya sa braso at yinakap, "I missed you, couz."

"Ikaw kasi, you did judge me agad. Nako!"

Natawa ako sakaniya, nagpadala narin ako ng dinner dito sa bahay. Naikwento ko sakaniya si Ken at ang nangyari kanina.

"Well, Aeron got kicked out from B.E.U. Hindi kona alam kung saan nag aaral iyon ngayon."

Napatingin ako sakaniya, is it possible na mag pa-public school si Aeron? Hell no! Ayoko!

Agad umalis si Prince sa amin dahil may business meeting pa daw siyang gagawin. At the age of 18 ay may sarili nang business. Like sana all! But I hate businesses. I hate math seriously.

Huminga ako malalim at humiga sa kama. If Aeron did that, and if he got kicked out from B.E.U natatakot ako sa sinabi ni Prince na siya ang nagpahamak sa akin kay Papa, worst is natatakot ako para sa sarili ko na baka posibleng sundan ako ni Aeron sa PhilIns.



------------
maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon