Kabanata 13

230 13 2
                                    


Kabanata 13
         -Hiking

Tinext ko agad si Kuya Marlon para masamahan niya ako sa isang cardiologist. Baka kasi may sakit ako sa puso hindi ba? Mas mabuti nang magpatingin ng maaga kaysa mamatay.

"Dr. Sean, what is the result po?"

"Well hija, I didn't see anything wrong about your heart but can you tell what are you feeling that time?"

"Well Dr, I felt like my heart is burning tapos sobrang bilis po ng tibok ng puso ko like di po siya normal heartbeat ko---"

"Are you with someone that time?" Nanliliit na mga mata niyang tanong.

"Y-Yeah."

"A boy?"

"W-Well I---"

"I have now the results Ms. Mallari."

Kinuha niya ang isang papel at nagsulat doon, what the hell is my problem? Gosh! Anong sakit ko? Anthropophobia?

"Here. You don't need to take any medicines. Just rest and be calm everytime someone is around you okay?"

Lumabas na ako ng clinic habang hawak hawak ang papel na ibinigay sa akin, nakatupi ito kaya pagpasok sa van ay binuksan ko ito.

Rx

Name: Elica Jane P. Mallari
Gender: F
Age: 17

Dr. Sean B. Galang's Heart Clinic
(Cardiologist)

Symptoms: Heart-melting, Blushing, Fast heartbeat, Slow-motion of everything, you only see one person when everybody is around.

Result: Inlove

What the hell?! Is this kind of a prank?! I am not inlove with Ken! Darn! Kung boss lang ako noong doctor na iyon ay sinisante ko na! Result?! Inlove?! Sinong tangang maniniwala doon.

Nag-impake na ako ng gamit para bukas, maaga ang alis namin. Hindi umuwi si Papa at si Mama dahil may business tour daw ang mga ito. Ang mayordoma ng mansyon ang inatasang magbantay sa bahay habang wala kami. Pinayagan naman nila ako as long na for school.

"Dito na 12- John!" sigaw ni Sir Errick. Agad kaming nagsipagsakay sa Bus na inarkila nila for hiking.

Umupo ako sa malapit sa bintana, at sinundan ito ni Ken. Naka headphone siya ngayon at di ako pinansin. Mukhang galit ito sa pang iiwan ko sakaniya kahapon. Biglang kumirot ang puso ko.

Gosh! Am I really inlove with this man? Ang rupok ko naman! Umirap ako at ibinalik muli sa bintana ang tingin ko.

Buong byahe kaming walang imik, di ko tuloy maiwasang hindi siya titigan. Gwapo naman si Ken aaminin ko, pero sa tahimik naming atmosphere ay parang hindi siya ang Ken na sinurprise ako kahapon. Big deal ba ang pag-iwan sakaniya kahapon?

Oo naman, Eli! It's a very big deal! Kita mo namang na sprain ang tao bigla mo nalang iiwanan! Nagtatalo na ang mga braincells ko! Gosh.

Pinanood ko siyang natutulog habang naka headphones, sa sobrang gurol ng daan ay napahiga ang kanyang ulo sa balikat ko. Hinayaan ko ito, then I found myself lying my head on him.

Nagising ako nang maramdamang huminto na ang bus. Pagmulat ko nang mata ay nakita kong wala nang tao doon! Nasaan na sila? Tinignan ko ang katabi kong blangkong nakatingin sa akin, napasimangot ako.

"Galit kaba?" Tanong ko dito. "Nasaan na sila?"

"Pinauna ko na, ayokong maistorbo kita sa pagtulog mo."

"Galit kaba?" Ulit kong tanong pero hindi niya ako sinagot. Binitbit niya ang mga gamit namin at umalis na sa bus, hinabol ko ito at kinuha ang gamit ko.

"I-I can manage."

Matatarik ang mga daan patungo sa may tuktok ng bundok, maraming mga naglalakihang bato, mga matatayog na puno at mga tubig na umaagos. Maraming beses na akong muntikang mawalan ng balanse kung wala lang talaga si Ken na umaalalay sa likuran ko.

I find this hiking amazing! Gusto ko ulit itong itry. Malapit na kami sa mga kasamahan namin nang hawakan ni Ken ang kamay ko, napaharap ako sakaniya.

"Eli, I want you to know that..."

Tumitig ito sa mga mata ko, hindi ko alam kung malulusaw ba ako sa mga titig niya at sa ganda ng mga mata nito. Damn Ken! What are you doing to me?

"W-What?"

"I want you to know that I can climb every mountain that will make me stay away from you. Damn Eli, I don't know what to do without you!"

----------
maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon