Kabanata 15

209 15 0
                                    


Kabanata 15
         -Lies

Unti-unti kong inaayos ang mga gamit ko, dalawang araw na pala ang lumipas nang nakarating kami rito. Nasaan na ba si Ken? Hindi niya ba ako tutulungan?

"Umalis sina Ken, Elica. Kaninang madaling araw."

"Saan daw sila nagpunta?"

"Sabi ni Sir Errick ay may emergency daw."

Bigla akong nag-alala kay Ken, anong emergency naman kaya ang nangyari? I know they are poor kaya sa public school siya nag-aral pero ano naman kayang nangyari? Si Kali kaya? Si Kali lang ang alam kong relatives ni Ken kaya ako nag-alala.

Mabilis lang ang naging byahe namin, nagpasundo ako kay Kuya Marlon nang makarating sa PhilIns. Agad naman itong dumating dala ang nangingiting mga labi.

"Saya mo kuya ah, anong meron?"

"Secret Miss, baka ma excite ka din eh."

Umiling ako sakaniya at isa-isang inilagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit ko. Bukng byahe akong mumuntikang makatulog dahil sa pagod. Pagdating ko sa bahay, busy ang mga tao na nagaayos. Anong mayroon?

"Ma? Pa?"

"Eli baby!" Yinakap ako ni Mama at hinalikan sa buhok. Yinakap naman ako ni Papa.

"You've grown na ah." Ngumiti ako sakaniya. I need to say this to Ari and Lyra! Gosh! I missed them! It's been days!

"Akyat ka muna sa kwarto mo to take a rest, papaayos kona kay Manang mga gamit mo and papagising nalang din kita kapag dumating ang mga bisita okay?"

"Sino po?"

"Malalaman mo mamaya. So go now, take your rest."

Naguguluhan man ngunit sinunod ko sina Mama , naligo na ako at natulog. Kahit anong baling ko sa hinihigaan ay di ako makatulog! Kinakabahan ako, ano bang mayroon talaga?

I texted Ari and Lyra to come over if tapos na ang classes, but they didn't reply. I texted Prince but he told me that all the B.E.U students are now busy doing their things because next week will be their worst nightmares. Ofcourse! Mga pasahan ng requirements, thesis, projects etc! Buti nalang at wala na ako doon, hindi ko lang alam ang mayroon sa public right now.

Nakatulog tuloy ako sa kakaisip, madali lang akong makatulog, madali din akong mahulog. Char, nakita ko ang pink na strapless pink dress na nakasabit sa tapat ng closet ko with a pair of pink sandals. Do I really need to dress like these?

Braided ang mahaba kong buhok, linagyan din ako ni Manang ng light make-up at pinababa na. Wala pa naman ang mga bisita kung kaya't tumulong na ako sa pagse-set ng dining table.

Iilang mga magagarang sasakyan ang nag park sa harap ng bahay, tumakbo ako papunta sa kusina para matapos na ang mga gawain.

Tatlong lalaking naka formal attire ang dumating, I bowed a little to them as a respect especially doon sa lalaking nasa mid 40s to 50s.

"Is this you're daughter, Edmond?" Ma-autoridad na tanong nito kay Papa nangilabot tuloy ako.

"Yes, Mr. Sarmiento." Natigilan ako nang marinig ang apelyidong iyon. Sarmiento?

Nag angat ako ng tingin at nagtama ang paningin namin ni Kali, what the?! Akala ko ba kapatid niya si Ken? Or I'm just mistaken? Baka kamukha niya lang si Kali?

"They are my sons, this is John Daniel and this is Kairu Ezekiel." Tinignan ko ang Kairu Ezekiel na pinakilala niya, seryoso ang mga mukha nitong nakatingin kay Papa nang bigla niya akong mapansing nakatitig sakaniya ay bumaling ito sa akin at tipid na ngumiti. Damn! He's really Kali!

"Sino sakanila iyon?" Tanong ni Papa. Isa-isang nagsiupo ang mga ito, magkabilang dulo sina Papa at si Mr. Sarmiento. Nagumpisa nang manginig ang mga kamay ko dahil sa unti-unting nabubuong impormasyong nalalaman ko.

"He's on his way here."

Sabay tingin nito sa akin, tumikhim ako at nag ayos ng postura. Ngumiti ako ng tipid ay bahagyang yumuko, ilang sandali lang ay pumasok ang isang lalaking pamilyar ang hubog sa akin at naka pang pormal na pananamit. Ibang iba siya noong nakilala ko. How dare him!

"Goodevening, Mr. and Mrs. Mallari." Bahagya siyang yumuko.

Umupo siya sa may tapat ko kaya napayuko ako, alam kong nakatitig siya ngayon sa akin kung kaya't iniiwasan kong mabaling sakaniya ang aking paningin.

"This is my son, Kenneth. He's the heir of Sarmiento Industrial Training Company."

Nanigas ang pangangatawan ko nang marinig iyon. Damn him! Bakit siya nagsinungaling sa akin! It's just a full show?! Damn it!

"Kenneth Martin L. Sarmiento, sir." Sabay nakipag kamay kay Papa.

"Anak, why don't you introduce yourself to them?" inosenteng sabi ni Mama.

Ilang segundo bago ako tumayo at hinarap sila, I think this is just a dinner with some business matters. Ngumiti ako pilit at nagsalita,

"I am Elica Jane P. Mallari, daughter of Edmond and Lina Mallari."

Umupo ako katapos noon, nagsimula nang maglagay ng mga pagkain sa hapag at nagsimula naring mag-usap patungkol sa business. Hindi parin maialis ni Ken ang mata nito sa akin.

"So what about merging the companies? I'm sure S.I.T.A and M.C will have the great value of incomes right?"

"Yeah, as of the moment. When did you plan the Engagement Party for Kenneth and Elica?"

Gulat akong napatingin sakanilang lahat, all of them didn't seem so shocked! Am I outdated here? Seriously! I am the victim so I need to know what these are!

"Seems she doesn't know anything, Edmond?"

"She's in hiking with her schoolmates last few days. We didn't told her about this."

"Ken is in hiking too, are you two together?"

Hindi sumagot si Ken, kaya sa sila nagtanong. I slowly nodded bilang honest sa tanong. Alam niya ba ang lahat ng ito?

Naalala ko ang sinabi niya kagabi, I need to know the truth. Then the truth is he's not poor and he's not an orphan because he has a rich family! And now, we are in arrange marraige? Omg! I think I'm going to faint!

"So you two bond together?"

"Excuse me, I need to breath fresh air."

Umalis ako sa hapag na nasa akin ang atensyon ng lahat. How dare him not telling me about this! How dare he!

Is this the truth that he wants me to know?! What lies did he told me before?! What other lies I need to know? He's a liar! A bunch of lies was hitting me from the start. Damn it!

-------
maesthete

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon