Kabanata 33

196 10 0
                                    

Kabanata 33- Chase

Days had passed since the last time I saw them, araw-araw din kaming bumibisita ni Mael kay Ari. At ilang ilaw lang din na discharge na siya.

Malalim akong huminga habang pinagmamasdan si Mael na nakikipag-usap sa isa niyang kliyente. Break time na pero wala akong ganang kumain, I sighed again dahil sa mga iniisip.

"You okay? That's your 15th sighed magmula kanina."

Napatingin ako kay Brice na nasa gilid ko,binilang niya ba magmula kanina ang buntong hininga ko?

Nakasulyap din sakin si Leila na parang naghihintay ng sagot, I just shook my head at kumain ng kaunti.

I yawned nang maramdaman ko ang pagod, it was a very long day! Ni hindi kopa nadadalaw si Ari sakanila but I'm sure Andrew is doing great and fine para kay Ari.

Pinipigilan kong maantok muli kaya ilang kape ang tinumba ko bago bumalik sa trabaho.

"Kapag kasi trabaho, siniseryoso. Hindi yung pa chill-chill lang habang oras ng duty."

Napatingin ako sa impaktang doctora na dumating, yes. Mula nang makarating kami dito sa hospital ako na ang pinagbubuntunan niya ng init ng ulo. Kesyo daw naglalandian kami ni Mael, bakit hindi niya diretsuhin na gusto niya si Mael diba?

"Uh-uh-uh, not so fast darling. You should have time management, kailan ka lalandi at kailan ka magtatrabaho hindi yung pinagsasabay mo."

Unti-unti na akong napupuno sa babaeng ito. Hindi ba siya marunong lumugar? Kung saan niya pwedeng isaksak ang bunganga nyang malaki?

"Excuse me doc, hindi ko rin alam kung kailan mo din dapat ako pagsabihan dahil unang una hindi kita nanay, ikalawa hindi ka rin manok." Umirap ako sakanya at akmang aalis na ay hinigit niya ang braso ko! Masakit!

"A-Anong sabi mo?!" pagalit nitong sigaw.

"Akala ko bungangera ka lang doc, bingi ka din pala. Clean your ears first, okay?"

Binawi ko ang braso ko sakanya at nagmadaling umalis doon. Ang dami dami ko ng iniisip sumasabay pa ito! Well, I need to face first my priority.

"Mael."

"Bakit Eli?"

"Uh- wala. Gusto lang sana kitang kamustahin."

"Ayos lang ako, ikaw ba? Pagod kana?" Umiling ako sakaniya.

Ilang oras palang kaming nagkwentuhan bago ko napansin ang oras, out ko na.

"Anong oras ba ang out mo?" I asked.

"Hmm. Mamaya pang bandang alas dyes, bakit?"

"Ah wala, sasabay na sana ako pero may duty ka pa pala. Mauna na ako, Mael. Salamat, goodnight."

"Mag-iingat ka, Eli."

I nodded and immediately went to the locker area, nagpalit na ako ng damit at sumakay ng taxi. While on my way home, I saw a familiar figure across the subdivision.

"Manong dito nalang po ako. Heto po ang bayad. Thankyou!" Lumabas ako para habulin iyon!

"Teka, sandali! Ken!"

Tumigil ito sandali at tumingin sa akin, hinihingal pa ako sa oras na ito. I don't know why I approach him!

"A-Ano...kase...uhm-"

"Importante ba yan? Kasi kung hindi aalis na ako." He coldly said.

Bahagya akong nanigas doon, but I decided to continue. Susugal ako.

"K-Ken, I know it's been so long since...I left. I'm sorry for it. P-Please, hayaan mo akong bumawi. Let me fix my mistake-"

"Iyan lang ba ang sasabihin mo?"

"I just wanted you to come back for me!" Nangingilid na ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman, he's not like this before!

"Sorry Eli, but my decision is already done. We're done, Eli. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagsisisi ka sa nagawa mo noon, o hahayaan nalang kita. Sinira mo ako, Eli. Do you think you deserve to be forgiven?" I cried silently, hindi ko pinakita sakaniya ayokong makita sa mga mata niya ang awa para sa akin.

"S-Sorry, I thought you'll still love me kahit na ganon ang nagawa ko. I am broke that time! Remember when you're gone? I've gone mad! I'm so worried, looking for you everywhere! Tapos makikita lang kita may kahalikan iba? Don't you think it's easy for me? Kahit nasa abroad ako, iniisip parin kita! Iniiyakan! And now, I'm back chasing for you but you're not coming back to me." Nabasag na ang boses ko dahil sa pag-iyak, then heavy rains started to fall ns tila nakikisabay sa lumuluha kong puso.

"Go home now, I have some business to do. Don't you dare follow me Ms. Mallari, the arrangement is over. You should be happy for it."

"No Ken! Whatever you wanted me to stop, I will always chase you! I will chase you, tandaan mo yan!"

He just looked at me with his dark stare and walk away.

----
maesthete: Hi everyone! Sorry ito lang yung naging update ko ngayon. Inaantok na din kasi ako hahaha. Time check it's 00:55 na, ngayon ko lang siya ginawa. I really love this you know, by the way Elica's story is almost over! I'm excited hoho!

Please excuse typo and grammatical errors for this story! Lovelots! Mhuah!

Elica Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon