C H A P T E R 5

272 53 16
                                    

Katatapos lang maghalf-bath ni Cindy, tanging lampshade na lang ang nakabukas sa kuwarto at panatag naman siya dahil naka-locked na ang lahat ng bintana at pinto sa kuwarto

Dumeretso siya sa kama at nahiga na, pero agad siyang napabalikwas ng bangon nang mapansin si Tomoya na printeng nakaupo sa sofa.

“P-paano ka nakapasok dito?” nagtataka niyang tanong.

“Go to sleep now, I know you‘re tired after having a busy day,” sagot nito.

“Paano ako makakatulog kung nandito ka? Saka ano ba‘ng ginagawa mo rito?” nag-aalala niyang tanong.

“Binabantayan ka, hindi kasi ako makatulog dahil baka pasukin ka na naman dito sa kuwarto mo. Sleep now at huwag ka nang makipagtalo pa sa ‘kin,” sabi ni Tomoya at nahiga na rin.

“E paano nga ako mapapanatag kung nandito ka? Saka wala akong tiwala sa iyo, baka nakakalimutan mo ang mga ginawa mo sa akin?” bumangon naman si Tomoya at nilapitan siya.

“Bakit inaalala mo pa ang bagay na 'yon? Huwag mong sabihing namimiss mo?” pilyo nitong tanong kaya napaismid si Cindy.

“Don't worry, hindi ko na gagawin ang bagay na ‘yon at may isang salita ako kaya matulog ka na,” seryoso nitong sabi at tumalikod na ulit sa kanya.


NAGISING si Tomoya sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ni Cindy, nang imulat niya ang mga mata ay sumalubong sa kanya ang liwanag na nanggagaling sa bintana dahil umaga na pala. Sinulyapan niya si Cindy, mahimbing pa rin itong natutulog.

“Cindy?!” boses iyon ni Tadaaki sa labas ng kuwarto habang sunod-sunod na kumakatok pero wala siyang pakealam. Ilang saglit pa at bumangon si Cindy at nagtama ang kanilang mga mata.

“Sino ‘yon?” bulong nito sa kanya habang nag-aalala ang mukha.

“Si Tadaaki,” sagot niya habang relax na relax pa sa pagkakahiga.

“Ano pang ginagawa mo rito? Bumalik ka na sa kuwarto mo!” utos ng dalaga pero umiling si Tomoya at umayos pa ng higa.

“Baka makita ka ni Tadaaki dito, ano ka ba?” may pag-aalala sa mukha nitong sabi.

“Tinatamad pa ako, lumabas ka na kung gusto mo. Dito lang ako,” natatawa niyang sagot.

Inis naman bumaba si Cindy sa kama at inayos ang sarili. Ilang saglit pa at lumabas na rin ito.

Inayos niya na rin ang sarili at nagtungo sa terrace, tumawid siya papunta sa kuwarto at doon lumabas papunta sa dining area. Naabutan niya roon ang mga pinsan kasama si Cindy habang nag-aalmusal kaya naupo na rin siya sa bakanteng upuan sa tapat nito.

“Kumusta ang tulog mo Cindy?” tanong ni Ryusei. Sinulyapan niya si Cindy at nginitian ng nakakaloko.

“Ayos naman ang tulog niya,” mabilis niyang sagot kaya nagtatakang napatingin sa kanya ang kanyang mga pinsan pero hindi niya inaalis ang mata kay Cindy na ngayon ay namumula na ang mukha.

“I mean, okay naman siguro ang tulog niya, kasi komportable naman ang kuwartong binigay sa kanya ni chairman.” Tumingin ang dalaga sa kanya nang matalim bago tumango sa mga pinsan niya.

“Good morning!” pare-parehas silang napalingon sa nagsalitang iyon. Mabilis na tumayo si Raizo at Ryusei habang siya naman ay nawalan na nang gana kumain.

“Mom!” masayang salubong ng dalawa sa maganda at nakapostorang babae.

“Namiss ko ang mga baby ko,” sabi nito at mahigpit na niyakap si Ryusei at Raizo. Ilang saglit pa ay bumitaw ito at lumapit kay Riyu.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon