C H A P T E R 6

241 50 16
                                    

Pababa pa lang si Tomoya sa hagdan nang makarinig ng mga boses na parang nagtatalo kaya sinilip niya kung sino ang mga iyon.

Nakita niya si chairman kaharap ang ina ni Yukeo habang nakatayo ang dalawa sa puno ng hagdan.

“Hindi pa rin po nagbabago ang pakikitungo ninyo sa akin, kailan ba ako magiging welcome sa pamilyang ito? Anak ko ang isa sa tagapag-mana niyo, so how could you do this to me?” galit na tanong ni Adela.

“Makakaalis ka na, Adela. Bumalik ka na lang sa Italy, ayos lang si Yukeo rito.” Taboy ni chairman at tinalikuran na ito. Nakita niya ang galit at pangingilid ng luha sa mata ni Adela kaya nag-aalalang lumapit si Yukeo sa ina nito.

“Simula nang tumungtong ako sa lugar na ito, para lang akong hangin kung ituring ng lolo mo. Mas tinanggap niya pa ang kabit na nanay ni Tomoya kaysa sa akin kahit pa sampid lang si Carlotta sa pamilyang ito nagawa pa rin siyang tanggapin ng lolo mo!” wala namang nagawa pa si Yukeo kung 'di yakapin na lang ang ina nito.

Naikuyom ni Tomoya ang palad dahil isa rin si Adela sa mga pinaghihinalaan niya, isa ito sa may matinding galit sa kanyang ina.

“Kaya gusto kong patunayan mo sa lolo mo na mas karapat-dapat ka kaysa kina Riyu at Raizo, lalo na kay Tomoya! Naiintindihan mo ba ako?” tanong nito kay Yukeo.

Bigla na namang naalala ni Tomoya ang araw na nawala ang kanyang ina sa Isla.

Dalawang araw na ang nakalipas nang mawala noon si Carlotta, kahina-hinala talaga ang pagkawala nito. Naiwan kasi ang lahat ng mahahalagang gamit nito kasama ang passport at wala namang umalis na Yate sa Isla noong gabing nawala ito.

Nagkakagulo na ang mga tao sa mansyon, dinig na dinig niya ang mga sigawan at halos maglabasan na ang mga litid ng kanyang ama sa sobrang galit.

“Huwag niyong pagbintangan ang inosenteng bata! Sino ka ba sa akala mo? How dare you call my son a criminal?!” galit na sigaw ng kanyang ama kay Adela.

“Nasaan nga ba ang anak mo nang mangyari ang krimen? Narinig ko silang dalawa na nagtatalo!” giit ni Adela.

“Anong magagawa ng isang 13 years old? At sarili niya pang ina? Nag-iisip ka ba Adela?!”

“Iyon na nga e! Siguro naririndi na iyong bata dahil sa kahihiyang dala ng kanyang mga magulang. O sadyang hindi mo lang talaga kilala ang anak mo?” tanong ni Adela kaya lalong nadagdagan ang galit ng kanyang ama.

“Oh baka naman, kung hindi si Tomoya, baka si Raizo, o di kaya'y si Riyu o si Ryusei? Baka naman si Marietta? Ang asawa mo?” dugtong nito at pasimpleng tumingin sa ina nina Raizo na napatayo na rin sa galit.

“How dare you na pagbintangan kami ng mga anak ko?!” galit nitong sumbat kay Adela kaya humarang na ang iba sa dalawa.

“Tumigil ka na, Adela! Huwag mong idadamay ang mga anak ko! Pinapatunayan mo lang na hindi ka karapat-dapat sa pamilyang ‘to dahil napakakitid ng utak mo!” sigaw ng ama ni Tomoya.

“Sinasabi mo bang si Carlotta ang karapat-dapat sa pamilyang ito? Isang makasalanang babae na pumatol sa pamilyadong tao na kagaya mo at isang kabit!? Iyan ang naging bunga, pinatay ng sarili niyang anak!” kahit siya ay sobrang nasaktan sa mga sinabi ng kanyang tiyahin kaya naikuyom niya ang palad.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon