C H A P T E R 3

360 59 13
                                    


Maganda ang tanawin sa Isla na tinutuloyan pero hindi binigo si Cindy ng resort ng mga Takizaki. Talagang napakaganda rin at maraming tao.

Simula pa lang pagbaba nila sa yate ay humahanga na siya sa bawat nadaraanan. Magaganda ang cottages sa beach, mayroong Hotels at malalaking swimming pools. Maraming mga tao, samantalang sa mansyon sa Isla ay tahimik at bihira lang ang mga tao.

"Sumama ka muna sa akin, kailangan mong magpalit ng damit," pukaw ni Raizo. Humiwalay silang dalawa sa mga kasama pero sinulyapan niya muna si Tomoya na matalim ang tingin kay Raizo. Agad siyang nag-iwas nang tingin at napakapit sa damit ng kasama niya.

Pagpasok nila sa lobby ng Hotel ay nagsipagtunguhan ang mga empleyado kay Raizo kaya napatingin siya sa lalaking kasama habang deretso lang sa paglalakad.

Matangkad at guwapo si Raizo, mata pa lang niya ay bawing-bawi na dahil nakaaakit 'yon, matangos ang ilong at may cute na labi. Idagdag pa ang galing nito sa pananamit kaya mukha talagang kagalang-galang at hindi basta-bastang tao lang. Bigla ay parang nanliit si Cindy nang mapansin ang mga babaeng empleyado na masama ang tingin sa kanya.

"Pasok ka na sa loob, I'll wait for you here sa labas." Inabot ni Raizo ang paper bag bago siya tuloyang pumasok sa women's comfort room.

Matapos makapagpalit ay sinipat ni Cindy ang sarili sa salamin, maganda ang suot niyang dress at kahit maikli ang buhok ay maganda pa rin tingnan dahil bumagay naman iyon sa kanya.

Paglabas ni Cindy sa C.R ay nagtama ang mga mata nila ni Raizo, makikita ang paghanga sa mukha nito pero hindi niya na lang iyon pinansin.

"Let's go? Baka naghihintay na sila," tumango siya at sabay na silang naglakad. Nadatnan nila sa VIP room sina chairman at kanyang uncle kasama ang iba pang Takizaki, kumakain na ang mga ito sa mahabang mesa pero tumigil at tumingin ang mga ito sa kanila ni Raizo.

"Sinamahan ko lang si Cindy," tumango rin siya kay chairman.

"Sige na, maupo na kayo."

Nakabibingi ang katahimikan at maging si Chito na kanyang tiyuhin ay tahimik lang ding kumakain.

Sinulyapan niya si Tomoya, parang hindi makabasag pinggan pero bakas sa mukha nito ang pagka-irita.

"Tadaaki? Kailan mo balak mag-aral abroad?" basag ni chairman sa katahimikan, napatingin naman siya kay Tadaaki.

"I- I have to go study abroad?" kunot-noong tanong ni Tadaaki.

"You shouldn't force him to go kung ayaw niya," sabat ni Tomoya bago bumaling kay Tadaaki. "Gawin mo kung ano sa tingin mo ang makapagpapasaya sa 'yo," dugtong nito.

"Really?" lumiwanag ang mukha ng binatilyo dahil sa sinabi ni Tomoya.

"Kailangan niyang mag-aral, huwag mo siyang igaya sa 'yo na puro kalokohan na lang ang ginagawa. Mag-aral ka, Tadaaki para mahasa rin ang talento mo sa pagpipinta." Sabat ni Raizo, matalim namang tumingin si Tomoya rito at bahagyang ngumiti.

"Ang galing mo talagang magpanggap kahit kailan, why didn't you reveal your true color?" sarkastikong tanong ni Tomoya kay Raizo.

"Alam kong galit ka, pero puwede ba? Huwag mong ipakita ang kawalan mo ng respeto? May bisita tayo at na sa harap tayo ng hapagkainan." Kita ang inis sa mukha ni Raizo dahil kay Tomoya.

"Magiging parte na siya ng pamilyang 'to," sagot ni Tomoya bago bumaling sa kanya. "Kaya ihanda mo na ang sarili mo sa mga malalaman mo lalo na ang tungkol kay Raizo," nakakatakot ang ngiting 'yon ni Tomoya.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon