C H A P T E R 17

203 41 0
                                    

WARNING: 🔞🔞🔞 This chapter contains with adult language and matured contents. It is not suitable for anyone under 18.

Mag-aalauna na ng hapon nang magising si Tomoya, napabalikwas siya nang bangon nang maalala si Cindy kaya agad niyang kinapa ang baril sa tagiliran at mabilis na lumabas sa kuwarto.

“Cindy?!” sigaw niya pero walang sumasagot, napansin niyang malinis sa hallway at wala na ang mga sapot ng gagamba. Naabutan niya ito sa living room na nakatulog na sa sofa dahil siguro sa sobrang pagod habang yakap ang walis tambo. Pinagmasdan ito ni Tomoya, nakakaawa ang itsura nito dahil suot lang nito ang over sized t-shirt at underwear. Bakas din sa mukha ng babae ang hirap nang pinagdaanan nito sa kanya pero sa tuwing naalala niya ang ginawa nito sa kanila ay umiinit ang ulo niya.

Kinuha nito ang timbang pinagsawsawan ng mop at isinaboy kay Cindy. Gulat na gulat naman itong bumalikwas ng bangon dahil sa ginawa niya at nabasa ng kulay putik na tubig ang damit nitong suot.

“Wala akong sinabing huminto ka sa pagta-trabaho rito! Ituloy mo!” sigaw niya, wala naman itong imik na tumayo kahit basang-basa ng maruming tubig ang katawan at hinawakan ang mop. Naglampaso ito ng sahig kaya iniwan niya na ito at nagtungo sa kusina para kumain.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya patakbo rin siyang lumabas sa kusina, nakita niyang tumakbo palabas si Cindy. Hinabol niya ito at naabutan sa tabing dagat.

“Where the hell are you going bitch?!” tanong niya sa sabay hiklas sa buhok nito at ikinulong si Cindy sa bisig niya.

“Pakawalan mo na ako! Hindi ko na kaya ang kawalanghiyaan mo!” sigaw nito habang umiiyak at nagpupumilit na makawala sa kanya.

“You're mine and you belong here! Wala ka nang ibang mapupuntahan!”

“Napakasama mo Tomoya!” sumbat nito habang umiiyak pero sinuntok niya ito sa hita dahilan para manghina at malugmok si Cindy sa buhangin sapo ang hita. Kinuha niya ang kamay nito at agad na binuhat pabalik sa mansyon.

“Huwag mong ubusin ang pasensya ko Cindy!” banta niya nang ibaba ito sa sofa, namumutla pa rin ito dahil sa ginawa niya at bumalik sa pinto para i-locked iyon.

“Patayin mo na ako, Tomoya!” pakiusap nito habang nanghihinang lumapit sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.

“Please, hindi ko na kaya. Patayin mo na lang ako..” pagsusumamo ni Cindy habang umiiyak at napakapit sa pantalon niya pero tumapat siya rito at galit itong tiningnan.

“Gusto kong pagdusahan mo ang ginawa mong panloloko sa akin, naalala mo pa ba? Five years ago matapos mo akong paikutin sa palad mo at pinagtangkaan niyo kaming patayin? Habang nasusunog ang buong Isla ay tumatakas kayo ng uncle mo kasama sina Yukeo! Paano kung tuloyan kaming nasunog? Naisip mo man lang ba kung anong naramdaman ko ng mga oras na nalaman kong niloko mo ako?!” sumbat niya habang dinuduro ang mukha ni Cindy.

“Para mo na rin akong pinatay dahil sa ginawa mo! Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sa kabila nang pagtulong namin sa inyo ng uncle mo nakuha niyo pang makipagsabwatan kina Yukeo at kay tita Adela! Totoong minahal kita, pero sinayang mo! Wala ka ng kuwentang babae sa paningin ko ngayon, Cindy!” mariin niyang sumbat.

“Sige! Patayin mo na lang ako, k-kung ‘yan ang makakapagpasaya sa iyo! Pero hindi ko alam na mangyayari ang sunog na iyon, wala akong alam na gagawin nila ‘yon!” paliwanag ni Cindy.

“Sinungaling! Tingin mo maniniwala pa ako sa ‘yo? Minsan mo na akong niloko kaya manigas ka! Hindi ko gagawin ang gusto mo, para ano? Para matapos na kaagad ang paghihirap mo? Kailangan niyo munang pagdusahan ang ginawa niyo!” sumbat niya bago tumayo at iniwan si Cindy.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon