"Tayo na, Cindy. Kailangan mo pang mag-impake ng mga gamit," pukaw ng kanyang tiyuhin habang nakatayo silang dalawa sa harap ng puntod ng kanyang ina. Papadilim na, at silang dalawa na lamang ang natitira sa sementeryo.Kung siya ang tatanongin, ayaw pa sana niyang lisanin ang himlayan kanyang ina pero ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang pagtapik ng tiyuhin kaya nilingon niya ito. Alam niyang mugto pa rin ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak simula pa nang iwan siya ng ina at hindi niya pa rin maiwasang malungkot at makaramdam nang takot.
Iniisip niya kung paano na ang buhay niya kung wala rin sa tabi ang tiyuhin niyang si Chito, matanda na rin ito at paano kung pati ito ay iwan din siya? Hindi niya yata kakayanin mabuhay pa.
Lalong dumilim ang paligid nang bumuhos ang malakas na ulan.
"Tayo na Cindy, baka magkasakit ka pa!" mariin at seryosong pag-uulit ni Chito sa kanya. Humugot naman si Cindy nang malalim bago tinalikuran ang libingan ng ina at nagsimula nang humakbang palayo.
Dumeretso sila sa magarang sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada at sumakay na. Nang umandar iyon ay muli na namang nilipad ang kanyang isip at naalala pa rin ang masasayang alaala nila ng ina.
Maganda ang kanyang ina, at siya ang bunga nang naging kalbaryo nito sa demonyong lalaking sumamantala nang kahinaan nito. Pero kahit na ganoon ang nangyari ay hindi niya kailanman naramdaman sa ina ang paninibugho. Pinalaki siya nito sa pagmamahal kahit na anak siya ng demonyong sumira sa buhay nito.
"Huwag mo nang dalhin lahat ng mga gamit mo, dalhin mo lang kung anong mga importante sa iyo," narinig niyang bilin ni Chito habang nagmamaneho.
Pagdating nila sa bahay na tinutuloyan nila ng kanyang ina ay wala na rin siyang inaksayang oras at nag-impake na rin ng mga gamit.
"Oh? Aalis ka na ba Cindy?" tanong ng landlady nang mapansin siya at saka tumayo.
"Opo, maraming salamat po pala sa pagpapatuloy niyo sa amin ni Mama. Babalik po ako para kunin pa ang ibang naiwang gamit," sambit niya.
"Sige, babalik ka ha? At mag-iingat ka rin palagi roon, nakakalungkot naman. Mamimiss kita hija, ingatan mo ang sarili mo." Bilin pa nito.
"Kayo rin po, mag-iingat rin po kayo." Niyakap siya ng Ginang kaya gumanti rin siya, bago sila tuloyang maghiwalay ay ngumiti pa sila sa isa't isa.
"Huwag kang mahihiyang kontakin ako, welcome ka rito anytime kapag gusto mo akong bisitahin." Tumango naman si Cindy bago binitbit ang mga gamit.
Agad naman siyang sinalubong ni Chito paglabas ng bahay, kinuha nito ang mga gamit niya at inilagay sa likod ng sasakyan.
"Matulog ka na muna at magpahinga, alam kong napagod at napuyat ka sa pag-aasikaso sa Mama mo. Gigisingin na lang kita kapag na sa Pier na tayo," sumandal naman si Cindy sa sandalan ng upuan pag-andar ng sasakyan at ipinikit ang mga mata. Hindi niya maitatangging, bumibigat na rin ang kanyang talukap sa antok.
Nagising na lamang si Cindy sa mga tapik ni Chito sa kanya, napatingin siya sa GPS ng sasakyan, it's 6:00 in the morning, they got off the car bitbit ang mga gamit. Na sa Pier na sila at sumunod siya sa kanyang tiyuhin sa pampang ng pier kung saan naghihintay sa kanila ang lantsa.
Sumakay sila bitbit ang mga gamit at
mahigit isang oras din nilang nilakbay ang gitna ng dagat nang matanaw ni Cindy ang isang Isla na nagmistulang resort sa ganda. Bukod sa excitement ay nakaramdam rin siya nang kaba at hindi maiwasang isipin kung ano'ng buhay ang naghihintay sa kanya sa lugar? At kung anong mga klaseng tao ang makakasama niya rito?
BINABASA MO ANG
Tomoya's Possessive Love
Mystery / Thriller"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga...