C H A P T E R 16

186 42 0
                                    

WARNING: 🔞🔞🔞 This chapter contains with adult language and matured contents. It is not suitable for anyone under 18.

5:30 PM nang ihinto ni Tomoya ang sasakyan sa parking lot, sa tapat ng isang building kung saan nagta-trabaho si Cindy.

Doon niya napiling pum'westo para madali niyang makita si Cindy pag-out nito mamaya. Pagpatak ng alas sais ay nag-umpisa nang maglabasan ang mga empleyado, tinalasan ni Tomoya ang mga mata pero ni anino ni Cindy ay hindi pa niya nakikita pero mat'yaga pa rin siyang naghintay sa loob ng sasakyan habang nakasandal sa headrest ng upuan.

Gusto nang pumikit ng kanyang mga mata dahil sa pagod, alam niyang ilang minuto na lang ay lalamunin na siya ng antok pero napukaw ang atensyon niya nang may lumabas na dalawang babae at nagkakatuwaan pa ang mga ito na lumapit sa isang kotse.

Kahit limang taon niya itong hindi nakita ay sigurado siya sa sarili niyang si Cindy na nga ang babaeng iyon, mahaba na ang buhok nito ngayon at lalong gumanda pero wala siyang pakealam sa itsura nito ngayon dahil may iba siyang pakay dito.

Agad niyang sinundan ang kotseng sinasakyan ng mga ito hanggang sa tumigil ang kotse sa tapat ng isang apartment at bumaba ang dalawa.

Ilang minuto pa siyang naghintay at nakita niyang lumabas ulit ang mga ito, napaka-sexy ni Cindy sa suot nito kaya mahigpit niyang nahawakan ang manibela. Gusto niyang sugurin at kunin agad si Cindy hindi niya magawa dahil sa kasama nito.

Pag-alis ng mga ito ay sinundan niya ulit ang kotse, napakunot-noo si Tomoya nang iparada ng kasama ng mga ito ang kotse sa parking lot ng isang club. Hindi na siya magtataka kung anong ginagawa ng mga ito sa ganoong lugar, dahil hindi niya lubos na kilala ang babaeng muntik nang magpahamak sa kanila.

Nang pumasok ang mga ito sa loob ng club kaya nagsuot siya ng jacket at lumabas na rin ng sasakyan. Pumasok din siya sa loob, at naupo sa isang sulok habang pinagmamasdan si Cindy.

Masayang-masaya ito habang umiinom ng alak, ilang saglit pa ay tumayo si Cindy at muntik nang matumba habang nakikipagtawanan sa kasama nito bago lumabas ng club.

RAMDAM ni Cindy ang pagkahilo, lumabas siya sa club upang kunin ang pouch sa loob ng sasakyan. Kinuha niya ang oil doon at nagpahid sa sintido bago lumabas ng sasakyan at sumagap muna ng hangin.

"Kumusta ka na?" natigilan si Cindy nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran niya.

Kahit limang taon niyang hindi narinig ang boses na iyon ay parang tambol sa lakas ang kabog ng kanyang dibdib. Agad niya itong hinarap, pero hindi niya maaninaw ang mukha dahil nakasuot ito ng black cap habang nakasaklob pa ang hoodie at nakamask.

Nang tanggalin nito ang suot na mask ay bahagya itong ngumiti sa kanya.

"Tomoya?" tanong niya habang pabilis nang pabilis ang pagkabog ng dibdib. Hindi niya inaasahang makikita pa ito.

"Ako nga, buti naman at nakita na kita." Sarkastiko nitong sagot bago siya sinikmuraan nang malakas at mawalan siya ng ulirat.

Nagising lang si Cindy sa ugong ng sasakyan at napansing nakahiga siya backseat pero hindi siya makagalaw dahil nakagapos ng duct tape ang kanyang kamay at paa. Napansin niya rin may duct tape na nakadikit sa kanyang bibig kaya takot na takot siya at ginawa ang lahat para makawala pero hindi talaga siya makagalaw.

Napatingin siya sa lalaking nagmamaneho sa unahan at kahit nanlalabo na ang paningin niya, dahil sa pangingilid ng luha ay nasisiguro niyang si Tomoya iyon.

Magkahalong takot at pag-aalala ang nararamdaman niya nang pumasok sa isip si Kane, wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ni Tomoya? Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari, at kahit nakahiga siya ay alam niyang malayo na ang nabiyahe nila dahil wala ng mga ilaw sa paligid.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon