L A S T C H A P T E R

320 40 8
                                    


Parang nawala ang lahat ng galit na kinikimkim ni Cindy nang masilayan ang mukha nang pangalawa niyang  anak, hindi maalis ang ngiti niya sa malusog na sanggol dahil natutuwa siyang pagmasdan ang maputi at mamula-mulang kutis nito.

Nang biglang magbukas ang pinto ay agad na lumapit sa kanila sina Tadaaki, Riyu, Raizo at si chairman. Abot tainga ang mga ngiti ng mga ito sa labi.

“Napakaguwapong bata,” natutuwang sabi ni chairman.

“Kanino pa ba magmamana? Siyempre sa akin!” pagyayabang ni Tadaaki.

“Tingnan mo ang ilong, sa akin nakuha.” Sabat naman ni Raizo at parang gustong-gusto ng buhatin ang sanggol.

“Nagtatalo pa kayo, hindi naman kayo ang ama!” sabat ni Yukeo sa dalawa kaya hindi na napigilan ni Cindy ang matawa.

“Bawal ka pang tumawa, baka mapasukan ka ng hangin. Kumusta ka, Cindy? Hindi ka ba nahirapan sa panganganak?” tanong ni Riyu sa kanya.

“Medyo nahirapan, malaking bata kasi si Kenji.” Sagot niya.

“Kenji ang pangalan niya?” tanong ni Tadaaki at parang gustong-gustong  hawakan ang sanggol.

“In Japanese, the meaning of Kenji is strong, vigorous and intelligent second child. Nice name, Cindy.” Puri ni Riyu at ngumiti sa kanya.

Natutuwa rin si Cindy, dahil kahit nakakulong si Tomoya at hindi pa niya magawang patawarin ay hindi nagbago ng pakikitungo sa kanya si chairman at ang mga apo nito.

Sa ngayon ay payapa silang namumuhay kasama si Yukeo at si Sophia, naging katuwang niya ang dalawa sa pag-aalaga sa mga anak niya habang pinagbabayaran ng uncle niya ang nagawa nitong kasalanan.

Maikling panahon lang iyon, at alam niyang makakalaya rin ito pagdating ng panahon.

Ilang saglit pa ay pumasok si Sophia, kasama si Kane. Tuwang-tuwa rin ito nang makita ang kapatid nitong si Kenji.

Alam ni Cindy, kahit wala si Tomoya sa tabi nila ay kaya niyang palakihin ng maayos ang mga anak nila sa tulong na rin nina Yukeo, Sophia, chairman at ang mga apo nito.

KUMUSTA ka na rito?” tanong ni Tadaaki sa kanya, kasama nito ang inang si Regina habang nangingilid ang luhang nakatingin sa kanya.

“Huwag po kayong umiyak tita, ayokong dito pa tayo mag-iyakan.” Natatawang saway ni Tomoya sa Ginang.

“Hindi lang kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari, nakamit mo nga ang hustisya pero nandito ka naman at nakakulong.” Nahahabag nitong sabi sa kanya.

“Okay lang po ako, kaya ko po ito. Marami po akong pagkakamali na dapat pagbayaran kaya tama lang po ito sa akin.” Paliwanag niya.

“Ang sakit sa dibdib, kung nabubuhay lang siguro si Carlotta, alam kong ayaw niya rin makitang nandito ka.” Umiiyak na nitong sabi.

“Huwag po kayong umiyak, tita. Ayos lang po talaga ako rito,” pag-aalo nila sa Ginang.

“Magpakatatag ka at magdasal palagi, may awa rin ang Diyos.” Sabi nito at pinahid ang luha. “Siya nga pala, pinagluto kita, kumain ka ng marami. Pansin ko, bumagsak ang katawan mo. Nagbilin din ako rito kina Tadaaki na dalhan ka palagi ng masasarap na pagkain dito pagbumalik na ako sa Paris. Huwag mong pababayaan ang sarili mo, Tomoya.” Bilin ng Ginang at inilatag sa lamesa ang mga dala nitong pagkain.

“Siya nga pala,” sabat ni Tadaaki at itinulak papunta sa kanya ang brown envelope. Kinuha niya iyon at binuksan, nakita niya ang mga larawan ni Kane at ng isa pang batang sanggol.

“Iniluwal na ni Cindy ang pangalawa ninyong anak, Kenji ang pangalan niya at napakalusog niyang bata.” Masayang kuwento ni Tadaaki.

Hindi naman napigilan ni Tomoya ang pagbalong ng kanyang luha habang tinititigan ang larawan ng mga anak niya. Mas na-inspire siyang magpakatatag, dahil balak niya ay maging maayos ang pamilya nila sakaling tanggapin siya ulit ni Cindy.

Kung hindi naman ay magiging mabuting ama na lang siya para sa kanyang mga anak.

Alam niyang mahabang panahon pa siyang mangungulila, magdudusa at magsisisi sa mga kasalanan niyang nagawa pero nakahanda siyang maghintay.. Makita lang ang kanyang mga anak at si Cindy para hingin ng personal ang kapatawaran nito.


-THE END-

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon