C H A P T E R 13

200 45 1
                                    


Nasaan ka? Magkita tayo rito sa bahay dahil may importante akong sasabihin sa iyo.”

Message iyon galing sa tiyohin niyang si Chito. Kauuwi lang ni Cindy galing sa school at maghuhubad na sana ng uniform pero hindi niya na itinuloy at nagmadaling lumabas sa kuwarto.

Habang binabagtas ang hagdan pababa sa living room ay hindi niya mapigilang mag-isip kung ano ang importanteng sasabihin ni Chito.
Kinakabahan siya, kaya mas binilisan pa ang paglalakad.

Sa kusina siya dumaan pero may biglang humablot sa kanya at isinandal siya sa pader.

“Let me go! May importante akong lakad!” sigaw niya kay Tomoya dahil hawak nito ang dalawa niyang kamay.
“Ano ba?!” mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Amoy alak pa ito.

“Gusto kitang makausap,” seryoso si Tomoya habang nangungusap ang mga matang nakatitig sa kanya.

“Lasing ka at ayaw kong makipag-usap sa lasing okay? Saka ano ba‘ng pag-uusapan natin? Puwedeng mamaya na? Pinatatawag ako ni uncle.”

“So uunahin mo pa ‘yon kaysa sa akin?” tanong ni Tomoya.

“Tsk, ano bang klaseng tanong ‘yan?Malamang mas uunahin ko si uncle kaya bitiwan mo na ako, mamaya tayo mag-usap.”

“Gusto ko ngayon na,” biglang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha iyon ni Tomoya.

“Si uncle nga kasi ‘yan, akin na!” utos niya at nang mahawakan ang cellphone ay agad sinagot ang tawag ni Chito.

“Nasaan ka na ba? Bakit ang tagal mo?” tanong nito sa kabilang linya habang si Tomoya naman ay nakatitig sa kanya.

“Papunta na, uncle.” Sagot niya at tinapos na ang tawag.

“Aalis muna ako, may importante raw kasing sasabihin sa akin si uncle.” Paalam niya pero nagulat siya nang bigla siyang halikan ni Tomoya.

“Bilisan mo lang, hihintayin kita sa kuwarto ko sweetie.” Bulong nito sa tainga niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nanlamig, agad siyang tumalikod kay Tomoya at nagmamadali na sa paglalakad.

“Maupo ka Cindy,” seryosong sabi ng uncle niya, wala roon ang auntie niya pati si Sophia.

“A-ano pong sasabihin niyo? Nasaan po pala sina Sophia at auntie?” nagtataka niyang tanong.

“Wala na sila rito at kailangan mo na rin mag-impake nang palihim ngayon, importanteng gamit lang ang dalhin mo at magkita ulit tayo rito bago mag-alas dyes ng gabi.” Seryosong sabi ni Chito kaya napakunot-noo siya.

“P-pero bakit uncle? Saan tayo pupunta?” kinakabahan niyang tanong.

“Basta gawin mo na lang ang sinabi ko. Aalis na tayo sa Islang ito at huwag mong ipapaalam sa kahit na sinong apo ni chairman, naiintindihan mo ba ako Cindy?” napatango na lamang siya nang wala sa oras at hindi alam kung bakit biglaan ang pag-alis nila.

Magulo ang isip niyang bumalik sa mansyon, parang hindi niya yata kayang sundin ang gusto nito.

“Hey Cindy,” nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Tadaaki kaya pinagmasdan niya ang maamong mukha ng binatilyo habang nakatingin din sa kanya.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon