C H A P T E R 19

212 40 1
                                    


“Ngayon Cindy, aaminin mo na ba sa akin kung saang lupalop nagtatago si Yukeo?” tanong niya habang nakaupo ito sa silya at nakagapos habang na sa gilid ng swimming pool.

Nilapitan niya ang uncle nito at hinawakan ang ulo pero umiling ang matanda kay Cindy.

“H-hindi ko talaga alam k-kung nasaan si kuya!” alam niyang nagsisinungaling ni Cindy kaya inilublob niya ang ulo ng dati nilang secretary sa maruming tubig ng swimming pool. Nagsisisigaw at nagwawala naman si Cindy, habang nakikiusap.

“Ano?! Aaminin mo na ba o papatayin ko na lang ang pinakamamahal mong uncle?” pananakot niya. “Ayaw mong sumagot ha?” inilublob niya ulit Ang uncle nito, alam niyang nalulunod na ito pero walang magawa dahil nakagapos din ang mga kamay sa likuran.

“Tama na Tomoya please! Maawa ka!” sigaw ni Cindy habang nilulunod niya ang uncle nito.

“Nandito na ako! Pakawalan mo si Papa dahil kung hindi, pasasabogin ko ang ulo nitong anak mo!” napalingon siya sa nagsalita at nakita si Yukeo habang nakatutok ang baril sa ulo ng isang inosenteng bata.

“Kuya!!! Huwag mong gawin ‘yan!” pagpupumiglas ni Cindy.

“Mommy! I'm scared!” takot na takot ang bata habang umiiyak.

“Ano Tomoya? Pakakawalan mo si Papa o magpapaalam ka na sa anak mong ngayon mo pa lang nakita?” tanong ni Yukeo.

Iniangat niya naman si secretary,  hingal na hingal ito at muntik nang maubosan ng hangin. Nakita niyang lumapit si Tadaaki kay Cindy at kinalag ang tali nito.

“Ako ang harapin mo! Ano? Nagulat ka sa nalaman mo? Oo, nagbunga ang kawalanghiyaan mo kay Cindy!” sumbat ni Yukeo. Tuloyan na siyang natigilan sa sinabi nito, tiningnan niya si Cindy at ang batang hawak ni Yukeo na umiiyak dahil sa takot.

“Ibigay mo sa akin si Papa, 
pakakawalan ko rin ang anak mo at saka tayo magtuos na dalawa!” mabilis niyang kinalag ang tali ng matanda kaya binitiwan din ni Yukeo ang bata na agad namang tumakbo kay Cindy at Tadaaki.

“Mommy! I'm scared of tito Yukeo! He looks like a monster,” narinig niyang sabi ng bata kay Cindy.

Biglang nagdatingan ang mga pulis, kinuha ang baril kay Yukeo bago lumapit sa kanya.

“Yuko, taas ang kamay! Ibigay mo sa amin ang baril mo!” utos ng pulis habang nakatutok ang baril nito sa kanya, ibinigay niya naman ang baril at itinaas ang kamay sabay yuko.

Pinagitnaan siya ng dalawang pulis at nilagyan ng posas bago siya itinayo.

“Mr.Tomoya Takizaki? You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you.” Tumango siya.

“It’s okay baby, tapos na. Makakauwi na tayo,” umiiyak na sabi ni Cindy sa batang yakap nito. Lumapit din si Yukeo at humingi ng tawad sa bata.

“Kane, I’m sorry. Palabas lang ‘yon ni tito para mahuli natin ang bad guy na nanakit sa mommy at lolo mo.” Pag-aalo ni Yukeo sa bata.

“Don't do that again tito,” saad ng bata bago yumakap kay Yukeo, nang mapatingin ito sa gawi niya ay galit itong tumayo at nilapitan siya.

“Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulongan, Tomoya! Pagbabayaran mo ang ginawa mo!” sumbat nito sa kanya.

Napatingin siya kay Cindy, agad itong umiwas ng tingin sa kanya habang yakap nito ang anak. Bumalong na rin ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi niya maikakailang anak niya nga ang bata dahil may pagkakahawig sila. Gusto niyang lapitan ang mag-ina pero nawalan na siya ng lakas ng loob lalo pa at naalala niya lahat ng mga kalupitang nagawa niya kay Cindy.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon