C H A P T E R 9

225 51 15
                                    


“Tingin mo Cindy? Ano kayang magandang iregalo kay kuya Raizo?” tanong ni Tadaaki habang tumitingin ito sa online shop. Na sa sala sila, habang si Tomoya naman ay na sa medyo malayong parte at busy sa cellphone nito. Tulad nang sinabi ni Ryusei, iniiwasan niya na si Tomoya simula pa kahapon.

"Pabango o kaya relo," suggest niya.

"May naregaluhan ka na ba ng relo o pabango?" curious na tanong ni Ryusei.

"Wala pa, pero sa tingin ko lang mas ma-aappreciate ng lalaki kung ang ireregalo sa kanila ay ang mga bagay na magagamit nila," paliwanag niya.

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" tanong ni Ryusei.

"Hindi pa," tumatawa niyang sagot.

"Manliligaw? Tingin ko marami, sa ganda mong iyan imposible namang wala?" tanong naman ni Tadaaki.

"Mayroon naman pero hanggang ligawan lang, si uncle Chito kasi nagpapaaral sa akin at nakakahiya naman kung magboboyfriend lang ako imbis na mag-aral." Paliwanag niya nang biglang magbrown-out.

"Badtrip naman oh! Bakit ngayon pa nawalan ng kuryente?" reklamo ni Tadaaki. Ilang saglit pa at tinawag ni chairman si Ryusei kaya iniwan sila ni Tadaaki.

"Ahm, Cindy? Saglit lang ha? Tatawagin ko lang ang mga maid, mukhang matatagalan pa bago ulit magkapower e." Paalam ni Tadaaki bago siya iniwan.

Palagay naman ang kanyang loob dahil na sa sala rin si Takumi, natutulog. Napaigtad si Cindy nang may biglang yumakap sa kanya, hinawakan siya nito sa dalawang kamay at hinalikan. Alam niyang si Tomoya iyon dahil kilala niya ang pabangong ginagamit nito.

Nagpumiglas si Cindy para makawala dahil baka mapansin sila ni Takumi pero malakas si Tomoya kaya wala na rin siyang nagawa.

"Kahapon pa kita napapansin, parang iniiwasan mo ako, I'll teach you a lesson." Bulong nito bago niya naramdaman ang labi nito sa kanyang leeg. Madiin at katulad ng dati, mukhang malalagyan na naman siya ng kissmark.

"Gusto ko lang ipaalala kung sino ako, maybe you forget that I own you." Dugtong nito at nang magsawa sa leeg niya ay sa labi niya naman lumipat. Namalayan na lang ni Cindy na nakahiga na siya sa sofa habang si Tomoya naman ay nakaibabaw na sa kanya.

Naramdaman niya rin ang kamay nitong gumagala sa loob ng damit niyang suot kaya mariin na lang siyang napapikit. Nagpanic siya nang marinig ang boses ni Tadaaki, mukhang pabalik na ito kaya ginamit niya ang buong puwersa para maitulak si Tomoya.

Nang magbukas ang lahat ng ilaw ay para itong kidlat na nakabalik kaagad sa dati nitong puwesto. Lumapit naman sa kanya si Ryusei habang inaayos niya ang sarili, bakas sa mukha nito ang inis.

"Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong nang maupo sa tabi niya.

"O-oo,"

"Gusto mo bang magpahinga na? Ihahatid na kita sa kuwarto mo," tumayo na sila ni Ryusei at bago sila tuloyang umakyat sa hagdan ay matalim niyang tinapunan ng tingin si Tomoya.

"May ginawa ba sa iyo si Tomoya kanina?" nagulat si Cindy sa tanong ni Ryusei.

"Wala naman, bakit?" pagsisinungaling niya.

"I-lock mo lahat ng pinto sa kuwarto mo okay? Ingatan mo ang sarili mo," bilin nito.

"Salamat Ryusei, goodnight." Iyon lang at matapos i-locked ang pinto ay agad siyang humiga sa kama.

Nakipagtitigan siya sa kisame pero
ilang saglit lang ay nilamon na rin si Cindy ng matinding antok.

"Kung hindi dahil sa iyo, hindi magiging miserable 'tong buhay ko! Namin ng anak mo!" sigaw ng ina ni Yukeo sa lalaking kaharap nito.

Tomoya's Possessive Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon