“Salamat, eto na coat mo,” inabot ni Cindy kay Takumi ang coat nang hubarin niya iyon pagbaba nila sa Yate.“Labhan mo muna,” masungit nitong sagot at nauna nang naglakad kaya natameme siya saglit bago naglakad papunta sa mansyon. Pagdating sa kuwarto ay bahagya siyang natigilan.
“Ano na namang ginagawa mo rito?” tanong niya sa nakatalikod na si Tomoya habang nakatanaw sa terrace. Lumingon naman ito bago tuloyang humarap sa kanya at lumapit.
“Bakit suot mo kanina ang coat ni Takumi? Sinong may sabing puwede kang magsuot ng damit ng ibang lalaki?”
“Huwag ka ngang paranoid, saka ano ba kita?” ganti niya habang nakakunot-noo.
“Puwede bang lumabas ka na, magbibihis kasi ako.” Taboy niya kay Tomoya bago tumalikod at kumuha ng pampalit na damit, pagkatapos ay dumeretso na sa CR.
Paglabas niya ay wala na si Tomoya kaya lumabas na rin siya sa kuwarto at nakita si Yukeo na abot tainga ang ngiti.
“Kumusta Cindy? Hindi ka ba nahihirapan sa school?” tanong nito habang naglalakad sila sa mahabang hallway.
“Okay naman, medyo nakakapag-adjust na rin,” sagot niya.
“Basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo para matuwa sa iyo ang uncle mo at pati na rin si Lolo. Tingin ko naman, mabuti kang bata.” Nakangiti nitong sabi, tumigil ito sa paglalakad at hinawakan siya sa ulo na parang bata kaya nagtawanan silang dalawa.
“Busy ka ba? Gusto mo bang sumama sa akin sa garden?” tanong ni Yukeo kaya tumango siya. Wala rin naman kasi siyang ibang gagawin dahil ayaw siyang patulongin ng mga maid sa mansyon sa mga gawain sa kusina.
“Ang sipag mo talaga, at nakakatuwa ka. Napakalusog ng mga tanim mo!” puri niya nang marating nila ang medyo malawak nitong garden.
Marami itong tanim na kamatis, at kung ano-ano pang gulay, pero ang pumukaw sa kanyang atensyon ay ang garden nitong may net, kita niya mula rito ang magaganda at malulusog na bulaklak doon.
“Mamitas ka Cindy kung gusto mo, ipaluluto na lang natin sa cook.” Pukaw ni Yukeo habang nililinis ang paligid ng taniman nito.
“Talaga? Puwede akong mamitas?” masaya niyang tanong.
“Para ka talagang bata, parang gusto ko tuloy ng kapatid. Oo, free iyan at mamitas ka ng mga gusto mo,” sagot nito at napakagaan talaga ng loob niya kay Yukeo.
Tinulongan siya nito sa pamimitas habang masaya silang nag-uusap.
Matapos mamitas ay pinasunod siya ni Tadaaki sa library at naabutan doon si Takumi kaya tinulongan niya ito sa homeworks. Tahimik lang silang tatlo roon nang may pumasok na Ginang kaya pinakilala ito sa kanya ni Tadaaki.
"Mommy, siya si Cindy pamangkin ni secretary at dito na siya nakatira ngayon.” Nakipagbeso naman ang Ginang sa kanya.
“Hello Cindy? Kumusta ka? Ang ganda-ganda mo naman,” bati nito habang nakangiti.
“Okay lang po, kayo rin po ma'am sobrang ganda niyo po.” Nahihiya niyang sagot.
“Naku, tita na lang. Ikaw talaga!” tumatawa nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Tomoya's Possessive Love
Mystery / Thriller"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga...