Na sa kusina si Tomoya nang dumating sina Yukeo, Ryusei at Cindy, mukhang close na close na ang mga ito sa dalaga at mukha namang masaya si Cindy.
Inilabas ng mga ito ang pinamitas na gulay, at nagtulong-tulong na sa pagbabalat. Mahilig si Yukeo magtanim ng mga halaman at nakasanayan na nitong gumising ng maaga para bisitahin at kausapin ng parang baliw ang mga tanim nitong halaman.
Pinagmasdan ulit ni Tomoya si Cindy, napakasimple lang nito pero hindi maikakailang maalaga sa sarili dahil napakakinis ng kutis. Nalipat ang tingin niya sa leeg nito at talagang nakaaakit iyon dahil makinis at maputi, gupit panlalaki ang buhok ng dalaga kaya litaw na litaw ang leeg nito at habang pinagsasawa niya ang mata sa leeg nito ay kung ano-ano na pala ang pumapasok sa isip niya.
Napalitan lang ng inis ang mood niya nang makita ang namumulang kiss marks ni Raizo roon, sinisigurado niyang hindi na siya papayag na maulit pa ang ginawa nito kay Cindy.
Lumabas siya sa kitchen at nagtungo sa living room, naabutan niya roon si Riyu na busy pa rin sa binabasang libro. Si Takumi naman ay nakahiga sa mahabang sofa at natutulog na naman. Si Tadaaki na busy sa paglalaro sa cellphone at si Raizo na kaharap ang laptop pero ilang saglit lang ay umalis din.
Alam niya naman kung bakit, kaya sinundan niya ito habang paakyat sa hagdan.
"Ikaw ang pumasok sa kuwarto niya kagabi hindi ba?" tumigil naman sa paglalakad si Raizo bago siya nilingon.
"Ang galing mo talagang magpanggap sa harap ng iba na parang wala kang ginawang kalokohan. Tingin mo ba hindi niya malalaman ang totoo tungkol sa iyo?" dugtong niya.
Tuloyan namang humarap sa kanya si Raizo at ngumiti nang nakakaloko.
"Sabi ko naman sa iyo, lahat ng gusto mo mawawala sa 'yo. Hindi ako papayag na maging masaya ka, Tomoya." Nakangiting parang demonyong sabi ni Raizo kaya hindi na siya nakapagpigil na lapitan ito at hawakan sa kuwelyo.
"Huwag kang magkakamali," banta niya sa habang magkasalubong ang mga tingin nila sa isa't isa.
"Alam mo, palagi ka na lang nanlilimos ng atensyon. Baka nakakalimutan mong wala kang lugar dito sa mansyon dahil bunga ka lang nang pagkakamali ng tatay ko?" sumbat ni Raizo kaya pinakawalan niya na ang kamao dahil sa sakit at nakaiinsulto nitong sinabi pero parang wala lang kay Raizo ang mga suntok niya dahil nakuha pa nitong ngumisi.
"Bakit Tomoya? Nasasaktan ka? Kung may dapat mang masaktan dito, ako dapat 'yon! Si mommy at mga kapatid ko dahil malaking insulto sa aming dinala kayo rito ni daddy sa Isla! Bunga ka lang nang pagkakamali nila ng nanay mo, nakakadiri ka! Kayong dalawa ng nanay mo!" sigaw ni Raizo kaya sinakal niya ito at gusto nang tuloyan dahil nasusuklam siya sa ugali nitong mapagpanggap!
Gusto niyang sirain ang maamo nitong mukha at ilabas ang tunay na halimaw na nakatago sa pagkatao nito.
"Hindi ako ang pumatay sa nanay mo, bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung anong ginawa mo sa kanya bago siya nawala?" nakakainsultong tanong ni Raizo habang nakangiti, bahagya namang natigilan si Tomoya kaya naging daan iyon para makakuha ng tiyempo si Raizo.
Naramdaman niya na lang ang pagsipa nito kaya siya naman ang napahiga sa sahig at inundayan nito nang malalakas na suntok. Ilang saglit pa at dumating na ang mga pinsan nila, pinaghiwalay sila dalawa ni Raizo. Hawak siya ni Tadaaki pero bumitaw siya dito at tinapunan ng masamang tingin si Raizo bago umalis.
Pumasok siya sa kuwarto at padabog na isinara ang pinto. Kapag naalala niya ang mukha ng kanyang ina ay hindi niya mapigilang magalit kay Raizo at sa sarili niya.
Napaupo si Tomoya sa kama habang naalala na naman ang lahat ng nangyari bago nawala ng parang bula ang kanyang ina. Sampung taon lang siya nang dalhin sila ng kanyang ama sa Isla.
BINABASA MO ANG
Tomoya's Possessive Love
Mystery / Thriller"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga...