“Bye, mom!” kumaway kay Cindy ang apat na taong gulang na batang kalong ni Yukeo, pasakay na siya sa kotse pero bumalik din kaagad sa mga ito.“Mamimiss ka ni mommy, Kane. See you next week baby,” malungkot niyang sabi, niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Habang lumalaki si Kane ay nakukuha nito ang mga kilos ni Tomoya.
Simula nang iluwal niya ito ay tinanggap niya na rin ang lahat at pinatawad na rin si Yukeo.
Nagta-trabaho siya ngayon sa isang kompanya sa Maynila, habang ang kanyang uncle at si Adela ay busy sa maliit na negosyong itinayo ng mga ito sa bayan. Si Yukeo naman ang nag-aalaga sa anak niyang si Kane.
“Mag-iingat ka palagi Cindy, lalo pa at mag-isa ka lang doon.” Paalala ni Yukeo.
“Okay lang ako, kuya. Kayo ni Kane ang mag-ingat dito.”
“Huwag mo kaming alalahanin dito ni Kane, ako na ang bahala sa anak mo. Safe siya rito,” seryosong sabi ni Yukeo at ramdam niya kung gaano nito kamahal si Kane.
Napakahirap para sa kanya noon na patawarin ito at hindi lang siya makapaniwalang darating sila sa ganito nang dahil lang kay Kane.
Naramdaman niya ang pagtapik ni Yukeo sa likod niya.
“Behave with tito Yukeo, okay?” bilin niya at hinalikan pa ulit ito bago tuloyang tumalikod.
Nang makasakay siya sa kotse ay kinawayan pa niya ang dalawa na nakaupo sa veranda habang tinatanaw siya. Kumaway din si Yukeo at ngumiti nang paandarin niya ang sasakyan palayo.
Wala rin naman talaga siyang dapat ipag-alala, dahil maraming tauhan ang farm ng ina ni Yukeo.
BUMABA si Ryusei sa speed boat pagdaong sa dalampasigan ng Isla.
Naglaho na ang dating ganda ng lugar, at lahat ng magagandang puno at halaman noon ay namatay dahil sa sunog. Ang mansyon sa Isla ay naluma na rin ng panahon at kung titingnan ngayon ang buong lugar ay sobrang lungkot.
Maraming masasayang alaala ang lugar na ito para kay Ryusei, pero bigla na lang naglaho dahil sa insidente limang taon na ang nakakalipas. Napakaraming nagkalat na sanga sa daraanan niya dahil ilang bagyo na rin ang dumaan sa loob ng limang taon kaya tuloyan nang napabayaan ang Isla.
Sariwa pa sa kanyang alaala kung paano sila nakaligtas magpipinsan sa nangyaring sunog noon. Hindi siya makatulog ng mga oras na iyon at agad napansin ang liwanag na nagmumula sa labas ng mansyon, agad siyang lumabas ng kuwarto at tumakbo kaagad patungo sa kuwarto ni Cindy, kinatok niya nang malakas ang pinto pero walang nagbukas kaya tinadyakan niya pero wala ang dalaga sa loob ng silid nito.
Napansin niya ring nakabukas ang mga closet at wala na ang mga gamit kaya hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Ryusei at tumakbo na papunta sa kuwarto ng mga kapatid niyang si Riyu at Raizo para gisingin ang mga ito dahil malapit na ang sunog sa mansyon.
Nang magising ang mga ito ay tinulongan na rin siyang gisingin sina Tomoya, Takumi at Tadaaki, pati si chairman. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa nangyayaring malaking sunog sa Isla.
Pupungas-pungas na tumakbo si Tomoya sa kuwarto ni Cindy pero hinila niya na ito dahil malapit nang masunog ang mansyon. Nagtungo silang lahat sa basement kung saan may sekretong lagusan papunta sa tabing dagat. Nang makarating sila sa pinakadulo ay nakakandado ang pinto, nahirapan pa silang magpipinsan sa pagbubukas. Ginamit nila ang buong lakas para lang makalabas at makaligtas sa sunog na iyon.
Halos maubosan sila ng hangin sa sobrang init sa makipot na lagusan.
Paglabas nilang lahat ay nahiga ang mga pinsan niya sa buhangin dahil sa sobrang pagod. Habang siya naman ay pinipigilan si Tomoya, sinisigaw nito ang pangalan ni Cindy sa pag-aakalang naroroon pa ang dalaga sa loob pero sinuntok niya ito para matauhan sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Tomoya's Possessive Love
Mystery / Thriller"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga...