Tahimik silang magkaharap ng dati nilang secretary, malalim ang mga mata nito at mukhang wala pa ring sapat na tulog.
“Humihingi po ako sa inyo ng tawad.” Pagpapakumbaba ni Tomoya dahil alam niyang sobrang sama ng loob nito sa ginawa niyang paglapastangan sa pamangkin nito.
Napaiyak ang matanda at maski siya ay hindi na rin napigilan ang sarili dahil alam niya kung gaano nito kamahal at iningatan si Cindy.
“Sana pinatay mo na lang ako, kaysa ginawa mo ang bagay na 'yon sa harap ko, Tomoya! Inuusig ako nang konsensya ko dahil hindi ko man lang naipagtanggol ang pamangkin ko sa kahayupan mo! Napakalupit mo, hindi ka nakinig sa akin!” galit nitong sumbat sa kanya.
“Kung alam ko lang na may anak kami, hindi ko magagawa ang bagay na iyon kay Cindy! Inilayo niyo siya sa akin ano sa tingin niyo ang gagawin ko sa kanya?” depensa niya.
“Kung talagang mahal mo siya, hindi mo magagawa iyon sa pamangkin ko! Wala kang kasing sama! Ako na lang sana ang pinahirapan mo, Tomoya. Talunan ka pa rin hanggang ngayon dahil nakasakit ka ng taong inosente!”
“Ang magagawa mo na lang sa ngayon ay baguhin mo na ang ugali mo, at hintayin mo kung kailan ka patatawarin ng pamangkin ko. Pero sa ngayon, pagdusahan mo muna ang mga ginawa mo.” Dugtong nito.
“At paano ang kasalanan niyo sa akin? Hindi porke nakakulong ako ngayon ay makakatakas na rin kayo sa mga kasalanan niyo!” sumbat niya.
“Alam namin ‘yon, at handa naming pagbayaran kung anuman ang kasalanan namin pero walang kinalaman si Yukeo sa pagkamatay ni Carlotta. Huwag kang mag-alala, ihaharap ko mismo sa ‘yo kung sino‘ng totoong pumatay sa nanay mo. May isang salita ako, Tomoya. Pero ipangako mo rin, oras na makalabas ka rito hinding-hindi mo gugulohin ang buhay ng pamangkin at mga apo ko.” Seryosong sabi ni Chito bago tumayo at lumakad palabas ng visiting area.
“Alisin mo na ang galit r'yan sa puso mo para kay Yukeo at kay secretary, nakapag-usap na kami ng maayos. Magtiwala ka lang, gumagawa na sila ng hakbang para iharap ang totoong may mga sala sa kagulohang nangyari sa pamilya natin. Alam kong mahirap tanggapin pero kung gusto mong maging maayos ang lahat, patawarin mo sila kahit gaano katagal basta matuto kang magpatawad. Alam kong hindi talaga naging madali ang buhay mo pero pagbabayarin din natin ang totoong may sala. Magpakatatag ka rito, apo. Pasasaan ba at matatapos din ang kagulohan sa pamilyang ito, at mabibigyan ng hustisya ang mga mahal natin sa buhay.” Sabi sa kanya ni Chairman, nang ito naman ang makaharap niya.
“Hindi ako naniniwalang magagawa ni Chito sa atin ang ganoong bagay, matagal siyang nanilbihan sa akin at siya lang ang bukod tangi kong pinagkakatiwalaan, maaring may dahilan siya kung bakit sumama siya kay Adela.”
“Para sa akin, hindi ganoon kadali iyon, lo! Tinanggalan nila ako ng karapatang mabuhay ng masaya kasama ang mga magulang ko!” Giit niya. Malungkot namang tumango ang matanda sa kanya.
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Tomoya.” Malungkot nitong sabi.
BUMABA sila sa kotse ni Tadaaki nang itigil nito ang sasakyan sa tapat ng mansyon kung saan sila nanirahan nina Yukeo ng matagal na panahon.
“Halika Sophia, pasok kayo.” Yaya niya.
“Naku! Mabuti naman at nakauwi na kayo! Sobra ang pag-aalala ko sa inyo!” salubong sa kanila ni Adela.
BINABASA MO ANG
Tomoya's Possessive Love
Tajemnica / Thriller"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga...